backup og meta

Amoebiasis: Sanhi, Sintomas, Paggamot, At Pag-iwas

Amoebiasis: Sanhi, Sintomas, Paggamot, At Pag-iwas

Hindi maiiwasan na maglaro ang mga bata kung saan-saan. Ngunit, maaari silang makapitan ng iba’t ibang mga impeksyon sa kanilang paglalaro. Isa sa karaniwang kondisyong kadalasan sa mga bata ay amoebiasis. Dahil dito, maraming mga magulang ang nagnanais malaman ang impormasyon tungkol dito. Ipapaliwanag ng artikulong ito kung ano ang amoebiasis at kung paano ito magagamot at maiiwasan. 

Ano Ang Amoebiasis?

Ang amoebiasis ay tumutukoy sa isang intestinal disease na dulot ng Entamoeba histolytica. Dahil ang mga tao ang natural reservoir ng naturang maliit na parasitiko, ang impeksyon ay kumakalat sa pamamagitan ng dumi ng tao. Karaniwan ito sa mga bata marahil malaki ang posibilidad na makontamina ang kanilang pagkain o tubig ng nasabing parasitiko. Bukod sa mga bata, mayroong iba na naikakalat ang impeksyon sa pamamagitan ng oral-anal contact (fecal-oral transmission). At, karaniwan din ito sa mga taong naninirahan sa mga tropikal na lugar na mayroong poor sanitary conditions. 

Ano Ang Amoebiasis At Ang Sanhi Nito?

Maaaring mabuhay ang E. histolytica sa large intestine (colon) nang hindi nagdudulot ng pinsala sa bituka. Sa ilang mga kaso, ito ay sumalakay sa colon wall, na nagiging sanhi ng mga sumusunod:

Bilang karagdagan, ang naturang impeksiyon ay maaari ring kumalat sa pamamagitan ng daluyan ng dugo patungo sa atay. Sa mga bihirang kaso, maaari itong kumalat sa mga baga, utak, o iba pang mga organs ng katawan. Maaari itong magtagal ng ilang linggo hanggang taon, depende sa partikular na sitwasyon ng taong nakararanas nito. 

Ang mga risk factor (bagay na nagpapataas ng panganib) para sa malubhang amoebiasis ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

  • Pag-inom ng alak
  • Cancer
  • Malnutrisyon
  • Mas matanda o mabatang edad
  • Pagbubuntis
  • Paggamit ng corticosteroid bilang gamot upang sugpuin aang immune system

Ano Ang Amoebiasis At Mga Sintomas Nito?

Matapos matukoy kung ano ang amoebiasis, sunod naman naitatanong ang mga kaakibat sintomas nito. Kadalasan, ang parasitikong nagdudulot ng amoebiasis ay naninirahan sa malaking bituka ng isang tao nang hindi nagdudulot ng anumang sintomas. Kung magkakaroon man, mapapansin ang mga ito 7 hanggang 28 araw pagkatapos ang naturang exposure. 

Maaaring kabilang sa mild symptoms ang:

  • Stomach cramps
  • Diarrhea (pagtatae ng 3 hanggang 8 semiformed stools bawat araw, o paglabas ng malambot na dumi at paminsan-minsang dugo)
  • Pagkapagod
  • Sobrang pag-utot (labis na gas sa katawan)
  • Rectal pain habang dumudumi (tenesmus)
  • Biglaang pagbaba ng timbang

Ang amebic dysentery ay isang malubhang klase ng amoebiasis na nauugnay sa ilang mga malalang sintomas tulad ng mga sumusunod:

  • Pananakit at panlalambot ng tiyan 
  • Pagkakaroon ng dugo sa dumi (kabilang ang pagkakaroon ng likido dumi na may halong dugo, na maaaring umabot ng 10 hanggang 20 na dumi kada araw)
  • Lagnat 
  • Pagsusuka 

Bagaman bihira, mayroong mga pagkakataon na bumubuo ng abscess sa atay. Katulad ng nabanggit, posible rin ito umabot sa ibang bahagi ng katawan, tulad ng baga o utak. 

Ano Ang Amoebiasis At Paano Ito Nagagamot o Naiiwasan?

May ilang mga antibiotics na karaniwang ginagamit upang magamot ang amoebiasis. Kapag hindi ka naman nagkaroon ng karamdaman buhat ng kondisyon, maaaring isa lang ang inumin mo. Ngunit kung ito ay nagdulot sayo makaramdam ng ilang mga sintomas, posibleng gamutin ito ng dalawang antibiotics. Dapat ang gamot na iyong iinumin ay nakaayon sa prescription na ibinigay sa iyo ng doktor. 

Gayunpaman, maaaring maiwasan ang naturang sakit sa pamamagitan ng pagiging maingat sa iyong kinakain at inumin.  Siguraduhing pakuluan at lutuing mabuti ang mga pagkain, maging ang tubig. Ugaliin din ang tamang paghugas ng kamay bago at pagkatapos maghanda ng pagkain, pumasok sa banyo, at humawak ng anumang bagay.

Key Takeaways

Isa ang amoebiasis sa mga karaniwang kondisyon na sinuman ay maaaring makakuha. Upang maiwasan ang pagkalat nito, siguraduhing mapanitili ang proper hygiene sa lahat ng oras. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Iba Pang Isyu sa Digestive Health dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Amebiasis, https://medlineplus.gov/ency/article/000298.htm, Accessed August 24, 2022

Amebiasis, https://kidshealth.org/en/parents/amebiasis.html, Accessed August 24, 2022

Amebiasis (amebic dysentery), https://www.health.ny.gov/diseases/communicable/amebiasis/fact_sheet.htm#:~:text=Amebiasis%20is%20an%20intestinal%20(bowel,stomach)%2C%20and%20weight%20loss, Accessed August 24, 2022

Amoebiasis, https://dermnetnz.org/topics/amoebiasis, Accessed August 24, 2022

Parasites – Amebiasis – Entamoeba histolytica Infection, https://www.cdc.gov/parasites/amebiasis/general-info.html, Accessed August 24, 2022

Kasalukuyang Version

08/21/2024

Isinulat ni Fiel Tugade

Sinuri ang mga impormasyon ni Vincent Sales

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Diarrhea na may pagsusuka: Kailan dapat ipatingin sa doktor?

Pagtatae Ng Bata: Ano Ang Dapat Mong Gawin?


Sinuri ang mga impormasyon ni

Vincent Sales


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement