Nagdudulot ng malubhang sakit at hindi komportableng pakiramdam ang heartburn. Ang pag-alam sa mga pangunahing sanhi ng heartburn ay makatutulong na mapigilan ang pangyayari nito.
Bagama’t ang heartburn ay maaaring normal na magamot sa pamamagitan ng mga gamot na may reseta, ang chronic heartburn kung minsan ay dahilan ng pag-aalala. Ito ay dahil maaari nitong ma-irritate ang esophagus. Gayundin, sanhi ito upang hindi maging madali ang pagbaba ng kinain o upang makaranas ng pagkain nang hindi nakakaranas ng pananakit.
Maaari din itong humantong sa kondisyong tinatawag na GERD o gastroesophageal reflux disorder, na maaaring magresulta sa ulcer, cancer, at pagkakaroon ng pilat sa tissue ng esophagus.
Ito ang dahilan kung bakit mahalagang magsagawa ng mga hakbang upang mapigilan ang heartburn. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng pagiging malay sa mga pangunahing sanhi ng heartburn.
Bago ang lahat, kailangan muna nating maunawaan kung ano ang heartburn.
Ano Ang Heartburn?
Taliwas sa pangalan nito, ang heartburn ay hindi nakakaapekto sa puso. Naapektuhan nito ang esophagus ng isang tao, at nagiging sanhi ng burning sensation malapit sa dibdib, kung kaya tinawag itong heartburn.
Nangyayari ang heartburn kung ang acid mula sa tiyan ng tao ay umakyat pabalik sa esophagus. Ang acid ay ang responsable sa masakit at hindi komportableng pakiramdam na dulot ng heartburn.
Sa ilang mga kaso, ang heartburn ay maaaring sabayan ng pananakit ng tiyan, lalo na kung ito ay may labis na acid sa tiyan.
Kung ikaw ay nakakaranas ng chronic heartburn, o heartburn na nangyayari dalawang beses kada linggo o higit pa, mainam na kumonsulta sa iyong doktor.
Anu-Ano Ang Mga Pangunahing Sanhi Ng Heartburn?
1. Pagkain Ng Mga Tiyak Na Uri Ng Pagkain
Isa sa mga pinakakaraniwang sanhi ng heartburn ay ang pagkain ng mga tiyak na uri ng pagkain. Ang mga sumusunod na pagkain ay ang mga karaniwang may kaugnayan sa pagkakaroon ng heartburn.
- Maaanghang na mga pagkain, kabilang ang paminta at mustard
- Maasim o acidic na pagkain
- Alak
- Kape at tsokolate
- Matataba o mga pritong pagkain
- Softdrinks
Tandaan na ang mga tao ay maaaring may iba-ibang sanhi ng heartburn. Maaaring ang ilan ay ayos lamang sa pagkain ng mga maaasim na pagkain. Subalit maaaring magkaroon ng heartburn dahil sa pagkain ng mga prito o matatabang pagkain.
Mahalaga ang pag-alam sa mga pagkain na maaaring maging sanhi ng heartburn. Gayundin, importante ang umiwas sa mga pagkaing ito o katamtaman lamang ang kainin. Sa ilang mga kaso, ang pag-inom ng antacid bago o pagkatapos kumain ay maaaring makatulong na mapigilan ang epekto ng heartburn, lalo na kung kumakain ng mga acidic na pagkain.
Ito ay lubhang totoo sa kaso ng pag-inom ng alak. Ang pag-inom nito ay maaaring makapagparelaks sa iyong esophageal sphincter, na mas nagpapataas sa posibilidad ng pagtaas ng acid papunta sa esophagus.
2. Pagbubuntis
Ang pagbubuntis ay isa pa sa mga posibleng sanhi ng heartburn. Ito ay dahil ang esophageal sphincter ay humihina habang nagbubuntis, at ang paglaki ng sanggol ay nagbibigay ng mas maraming pressure sa tiyan.
Parehong nakatutulong ang mga kadahilanang ito sa posibilidad na makaranas ng heartburn ang isang nagbubuntis. Sa ilang mga pangyayari, ang mga sintomas ay maaaring lumubha kung ang nagbubuntis ay nakahiga.
Mainam na solusyon dito ay ang subukan at kumain ng mga pagkaing maaaring maging sanhi ng heartburn, at pag-inom ng mga may resetang gamot na makatutulong upang makontrol ang epekto ng ng heartburn.
Maliban sa mga ito, wala nang iba pang maaaring magawa ang nagbubuntis sa heartburn.
3. Paninigarilyo
Mas madalas na nakararanas ng heartburn ang mga naninigarilyo kaysa sa ibang tao. Ito ay dahil sa ang paninigarilyo ay nagpapahina ng esophageal sphincter, na dahilan upang mas madaling bumalik pataas sa lalamunan ang acid.
Ang mainam na solusyon ay ang tuluyang paghinto sa paninigarilyo. Hindi lamang nito mapabababa ang posibilidad na makaranas ng heartburn, ngunit ikaw rin ay magiging mas malusog kung titigil sa paninigarilyo sa lalong madaling panahon.
4. Pagiging Obese o Overweight
Isa pang mapanganib na sanhi ng heartburn ay ang pagiging obese. Ito ay dahil ang karagdagang fat ay nagdaragdag ng presyon sa tiyan, na nagpapataas ng tyansang ang mga obese at overweight na tao ay mas makaranas ng heartburn.
Katulad na lamang ng sa mga nagbubuntis, ang paghiga ay maaaring makapagpalubha sa mga epekto ng heartburn.
Sa usapin ng gamutan sa heartburn sa obese o overweight na tao, ang pagbawas sa pagkain na maaaring maging sanhi nito ay mainam na simula. Gayunpaman, ang pinakamainam na dapat gawin ay subukan at magbawas ng timbang. Ito ay dahil hindi lamang nito mapabababa ang tyansa ng pagkakaroon ng heartburn, ngunit napabubuti rin nito ang kabuoang kalusugan.
[embed-health-tool-bmi]
5. Labis Na Pagkain
Ang labis na pagkain ay isa pa sa mga posibleng sanhi ng heartburn. Ito ay nangyayari dahil ang pagkain nang marami ay nagpapalaki ng tiyan. Ito ay nagbibigay ng presyon sa muscle na nakatutulong upang mapigilang umakyat ang acid sa lalamunan.
Bilang resulta, minsan ang pagkain nang labis ay maaaring maging sanhi ng heartburn.
Ito ang dahilan kung bakit mahalagang kumain lamang ng katamtaman upang makatulong na mapababa ang tyansa ng pagkakaroon ng heartburn.
6. Kawalan Ng Laman Ng Tiyan
Ang kawalan ng laman ng tiyan ay isa rin sa mga maaaring maging sanhi ng heartburn. Ito ay nangyayari dahil ang acid sa tiyan ay nagsisimulang maipon sanhi ng kawalan ng pagkaing dapat tunawin.
Ito ay maaaring makontrol sa pamamagitan ng pagkain nang paunti-unti sa buong araw sa halip na pagkain nang madami. Mayroon din itong karagdagang benepisyo, ang pagiging busog nang matagal.
7. Pag-Inom Ng Mga Tiyak Na Uri Ng Gamot
Ang tiyak na uri ng gamot, tulad ng anti-inflammatory at aspirin ay sinasabing sanhi ng acid reflux.
Kung ikaw ay umiinom ng mga gamot na ito para sa iyong kondisyong pangkalusugan, mainam na magtanong sa iyong doktor ng alternatibong gamot kung ito ay nagiging sanhi ng acid reflux.
Key Takeaways
Sa pamamagitan ng pagtanda sa mga sanhing ito, maaari mong makontrol nang mas maayos ang iyong acid reflux bago ito tuluyang humantong sa GERD. Para sa mga taong may GERD, ang tips na ito ay maaari ding makatulong upang maiwasan ang mga sanhi nito, at makontrol nang mas mabuti ang kondisyon.
Matuto pa tungkol sa Heartburn dito.