backup og meta

Anu-ano ang mga Uri ng Pagtatae?

Hindi kailanman naging masaya ang pagkakaroon ng diarrhea, na sasabayan pa ng masamang tiyan. Bukod sa walang duda na nagdadala ito ng hindi magandang pakiramdam, maaari din magdulot ng iba pang kondisyon ang pagtatae, tulad ng dehydration at electrolyte imbalance. Kadalasang tumatagal lang ng ilang araw ang pagtatae at ang mga sintomas nito. Ngunit anong mangyayari kung magpapatuloy ito nang ilang linggo? Ano ang iba-ibang uri ng pagtatae? Magbasa pa para malaman ang mga uri ng pagtatae, ang pagkakaiba ng secretory at osmotic diarrhea.

Anu-ano ang mga Uri ng Pagtatae?

Ano ang Diarrhea?

Sinasalamin ng iyong pagdumi ang kabuuan mong kalusugan. Kung gaano ka kadalas gumamit ng banyo, ang pagkakapareho ng iyong dumi, at maging ang hitsura nito, maaaring makatulong ang mga ito para malaman ang kalusugan ng iyong bituka at makapagbigay ng impormasyon tungkol sa mga posibleng karamdaman. Ang biglaang pagbabago sa gana ng tao na kumain at pagdumi ang unang kapansin-pansin na nagbabago sa katawan kapag nagkakasakit.

uri ng pagtatae

Nangyayari ang pagtatae kapag nagiging matubig ang dumi at hiwa-hiwalay. Napapansin din ng taong nagtatae na kailangan nilang pumunta sa banyo nang mas madalas kaysa sa nakasanayan. Hindi madaling iwasan ang pagpunta sa banyo kapag nagtatae ang isang tao, at madalas pang sinasamahan ng masakit na tiyan at cramps ang hindi magandang pakiramdam na dulot nito.

Ayon sa Bristol Stool Chart, hindi mahirap ilabas at hindi matigas ang healthy na bowel movement. Hindi rin dapat masakit ang paglabas ng dumi. Sa kabilang banda, may durog-durog naman na dumi ang mga taong nakararanas ng pagtatae. Mararamdaman din nila na kailangan nilang maglabas ng dumi nang maraming beses sa isang araw, at hindi pa rin ito magiging sapat.

Ano ang Sanhi ng Pagtatae?

Maaaring iba-iba sa bawat tao, at depende sa uri ng pagtatae ang mga sanhi nito. Nauugnay ang secretory at osmotic diarrhea sa iba’t ibang dahilan. Sa kabuuan, maaaring magmula ang diarrhea sa mga sumusunod:

  • Bakterya sa kontaminadong pagkain at tubig.
  • viral infection, tulad ng rotavirus, norovirus, viral hepatitis, at iba pa.
  • Mga gamot tulad ng antibiotics (clindamycin o erythromycins)
  • food intolerance at allergy
  • Artificial sweetener na karaniwang matatagpuan sa mga pagkaing sugar-free, tulad ng mannitol, sorbitol, at erythritol.
  • Mga digestive disorder
  • Radiation therapy

Secretory at Osmotic Diarrhea: Ano ang mga Sintomas ng Pagtatae?

Karaniwan, may tatlong (3) pangunahing uri ng pagtatae, ito ang: inflammatory, watery, at fatty diarrhea. Nahahati ang matubig na pagtatae sa osmotic, secretory, at functional diarrhea. Bagaman may iba’t ibang uri ng pagtatae, kadalasang pare-pareho lamang ang mga sintomas, maging sa secretory at osmotic diarrhea.

Mga senyales na nagsasabing maaaring dumaranas ka ng pagtatae:

  • Pakiramdam na bloated kahit ilang beses na gumamit ng banyo.
  • Pakiramdam ng naduduwal, at pagsusuka.
  • Fecal incontinence, o biglang hindi makontrol ang pagdumi.
  • Pagkakaroon ng dugo o mucus sa dumi.

Matubig na pagtatae: Osmotic Diarrhea

Nakaayon ang pagkakaiba ng secretory at osmotic diarrhea sa nagdudulot nito. Karaniwang nangyayari ang osmotic diarrhea kapag pinipigilan ng mga hindi natunaw na substance o solute galing sa pagkain ang normal na water absorption sa bituka. Ang sobrang tubig ang nagdudulot ng matubig na dumi, na nakikita bilang pagtatae.

Ang paraan kung paano malalabanan ang secretory at osmotic diarrhea ang isa pang malaking pagkakaiba ng dalawa. Kusang nawawala ang osmotic diarrhea kapag tinigilan kainin ng isang tao ang pagkaing nagdudulot ng kanilang pagtatae. Kabilang sa mga substance at pagkain na nagdudulot ng osmotic diarrhea ang mga sumusunod:

  • Mga laxative na naglalaman ng lactulose at citrate ng magnesia.
  • Gatas at iba pang mga dairy product na may lactose.
  • Sobrang daming vitamin C o sorbitol.

Matubig na Pagtatae: Secretory Diarrhea

Nangyayari ang secretory diarrhea kapag masyadong maraming tubig ang lumalabas sa maliit na lumen ng bituka para makuha ng katawan. Karaniwan ang ganitong uri ng pagtatae sa mga may Vibrio cholerae, ang organismong responsable sa sakit na cholera.

Nangyayari din ang secretory diarrhea kapag inilalabas pati ang mga electrolyte sa bituka. Kabilang ito sa malaking pagkakaiba ng secretory at osmotic diarrhea. Higit pa rito, hindi mapipigilan ng hindi pagkain ang mga sintomas na dulot ng ganitong uri ng pagtatae. Kabilang sa mga maaaring nagsasanhi ng secretory diarrhea ang mga sumusunod:

  • Kilalang nagdudulot ng matubig at hiwa-hiwalay na dumi ang Vasoactive Intestinal Peptide Tumor (VIPoma)
  • Gamot para sa hika at mga kondisyon sa puso
  • Mga antidepressant
  • Pag-inom ng arsenic at mga pesticide

Kailan Dapat Magpatingin sa Doktor

Karaniwang nareresolba ang mga sintomas ng pagtatae nang walang tulong na medikal. Ngunit mas mabuti pa rin na humingi ng payo sa isang medical professional kung magtagal ng dalawang araw ang matubig na pagtatae, na sasamahan pa ng lagnat at matinding pananakit. Kahit magkatulad ang mga sintomas ng secretory at osmotic diarrhea, magkaiba pa rin ang treatment ng dalawa ayon sa mga natatagong kondisyon na kailangan matugunan.

Key Takeaways

Nagsisimula ang diarrhea sa matubig at hiwa-hiwalay na pagdumi, sinasamahan din ito ng masakit na tiyan at pagduduwal. Karaniwang nakadepende ang mga uri ng pagtatae sa kung ano ang nagsanhi sa masamang tiyan, na nagresulta sa pagbabago ng pagdumi ng isang tao. Makikita ang osmotic diarrhea sa mga hiwa-hiwalay na dumi na resulta ng mga substance na hindi natunaw ng tiyan. Habang nangyayari naman ang secretory diarrhea dahil sa paglabas ng mga tubig at electrolyte sa bituka. 

Matuto pa tungkol sa diarrhea prevention at management dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Diarrhea

https://medlineplus.gov/diarrhea.html#summary

Accessed October 26, 2021

Bristol Stool Chart

https://www.continence.org.au/bristol-stool-chart

Accessed October 26, 2021

Diarrhea – Symptoms and Causes

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/diarrhea/symptoms-causes/syc-20352241

Accessed October 26, 2021

Evaluation of Chronic Diarrhea

https://www.aafp.org/afp/2011/1115/p1119.html

Accessed October 26, 2021

Diarrhea

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/4108-diarrhea Accessed October 26, 2021

Fecal Incontinence – Symptoms and Causes

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/fecal-incontinence/symptoms-causes/syc-20351397 Accessed October 26, 2021

Evaluating the Patient with Diarrhea

https://www.mayoclinicproceedings.org/article/S0025-6196(12)00382-5/fulltext Accessed October 26, 2021

Diarrhea

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK414/

Accessed October 26, 2021

Vasoactive Intestinal Peptide Tumor

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK278960

Accessed October 26, 2021

Kasalukuyang Version

02/25/2026

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Pagtatae na may lagnat, dapat bang ipag-alala?

Cholera Outbreak: Mga Dapat Malaman Tungkol sa Cholera


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas