Karamihan sa atin ay maaaring maka-relate sa pagdanas ng sakit ng tiyan na nauuwi sa pagtatae o constipation. Ito ay pangkaraniwan na at kadalasan ay hindi kailangang mag-alala dahil ito ay kusang nawawala. Ngunit sa isang banda, normal ba ang pagtatae pagkatapos ng constipation?
Maaari ba itong maging senyales ng mas malubhang mga kondisyon, tulad ng IBS (irritable bowel syndrome), o ulcerative colitis? Basahin dito.
Bakit nangyayari ang pagtatae pagkatapos ng constipation?
Nangyayari ang pagtatae pagkatapos ng constipation dahil sa sa pagbara sa bituka ( matinding constipation).
Dahil sa pagbara na ito, maaaring magsimulang tumagas ang matubig na dumi na mula sa bituka. Pagkatapos, dadaan ang matubig na dumi sa paligid ng bara at palabas ng tumbong.
Overflow diarrhea ang tawag sa matubig na duming ito.Ang terminong ito ay nilikha para sa mga nakakaranas ng matubig na dumi na hindi eksaktong nauugnay sa pagtatae.
Kung may overflow diarrhea, ang mga tao ay hindi dapat uminom ng anti-diarrhea medications. Sa halip, dapat silang kumunsulta sa kanilang doktor upang malaman kung dapat silang uminom ng anumang partikular na gamot upang ligtas na magamot ang kanilang kondisyon.
Normal ba na magkaroon ng pagtatae pagkatapos ng constipation?
Kaya normal ba ang pagtatae pagkatapos ng constipation?
Oo, ang pagtatae pagkatapos ng (matinding) constipation ay normal. Ang kondisyong ito ay hindi karaniwan. Ang overflow diarrhea ay maaaring mawala pagkalipas ng ilang panahon – kadalasan pagkaraan ng halos isang linggo – kaya hindi ito dapat ikabahala.
Para maibsan ang discomfort, maaari silang kumunsulta sa kanilang doktor at magtanong kung anong mga gamot ang maaari nilang ligtas na inumin.
Ang tanging pagkakataon kung saan ang pagtatae ay maaaring maging problema pagkatapos ng constipation ay kung ang isang tao ay nagsimulang magpakita ng mga sumusunod na sintomas:
- Pagtatae na may dugo at nana
- Pananakit sa bahagi ng tiyan at pag-cramping
- Rectal bleeding (ang dumi ay may maliit na dami ng dugo)
- Apurahang pangangailangan na makadumi
- Pagkapagod
- Lagnat
- Pagbaba ng timbang
- Kawalan ng kakayahang dumumi sa kabila ng nagmamadaling pagkilos
- Sa mga bata, bansot ang paglaki
Kung nagsisimulang makaranas ng ganitong sintomas, dapat pumunta agad sa ospital at ipasuri ang sarili. Ang kondisyong ito ay napakalubha, dahil ito ay indikasyon ng ulcerative colitis. Bagama’t ang kundisyong ito ay karaniwang hindi nakamamatay, may ilang mga panganib at komplikasyon na itinuturing na nagbabanta sa buhay para sa iba.
Paano matutugunan ang pagtatae pagkatapos ng constipation?
Mas madalas, ang pagtatae ay kusang nawawala pagkatapos ng ilang araw kahit na walang gamot o anumang uri ng treatment.
Gayunpaman, kung hindi ito nawawala at nagpapatuloy, maaaring kumunsulta sa iyong doktor at humingi ng mga gamot. Maaaring magbigay ang mga doktor ng anti-diarrhea medicines kung ito ay itinuturing na ligtas. Kung hindi, maaaring magbigay ng iba pang treatment.
Ang mga doktor ay maaari ring humingi ng sample ng dumi upang malaman kung ano ang nagiging sanhi ng madalas na pagtatae.
Palaging tandaan na kumonsulta sa doktor bago uminom ng anumang gamot laban sa pagtatae dahil ito ay maaaring magpalala sa mga bagay sa halip na mapawi ang pagtatae.
Ang diarrhea ay maaaring mauwi sa dehydration kaya siguraduhing sapat ang fluid intake. Huwag pilitin ang sarili na kumain ng mga solid food, gawin lamang ito kapag kaya mo na. Gayundin, simulang kumain ng kaunti at iwasan ang mabibigat na pagkain, maanghang, at matataba na pagkain.
Ang iba pang treatment ay:
- Antibiotics
- Adjustment ng gamot
- Pagpapalit ng fluids. Kung ang pag-inom ng fluids ay nakakapinsala sa tiyan, kailangang mapalitan ang mga ito ng mga IV fluid.
- Uminom ng mga likido na naglalaman ng mga electrolyte at mineral tulad ng potassium at sodium (mga katas ng prutas at sabaw). Gayunpaman, ang ilang mga katas ng prutas ay dapat na iwasan dahil maaaring lumala ang pagtatae, halimbawa, katas ng mansanas.
Kailan ka dapat magpatingin sa doktor?
Ang isang tao ay dapat pumunta sa isang doktor sa sandaling makaranas sila ng mga hindi pangkaraniwang sintomas ng pagtatae. Ang ganitong mga nakababahalang sintomas ay dumi na may pagdurugo at rectal bleeding. Gayundin, kung ang isang tao ay nagsimulang makaramdam ng sakit at cramping sa bahagi ng kanilang ng tiyan, dapat agad silang magpatingin sa doktor.
Key Takeaway
Normal ba ang pagtatae pagkatapos ng constipation?
Karamihan ng mga kaso, ang pagtatae ay karaniwang hindi isang dahilan para mag-alala, kahit na ang isang tao ay dati nang nakaranas ng constipation. Gayunpaman, dapat malaman kung anong mga sintomas ang hindi karaniwan sa pagtatae dahil maaaring may posibilidad na ang kanilang nararamdaman ay nagpapahiwatig ng isang mas malubhang kondisyon.