Paminsan-minsan ang mga tao ay dumaranas ng paninigas ng dumi dahil sa iba’t ibang mga pangyayari. Dahil dito, normal na maranasan ang ilan sa mga sanhi ng constipation sa mga matatanda. Maaaring iwasan ang ilan sa mga ito sa pamamagitan ng pagbabago ng mga gawi at paraan ng pamumuhay. Bagaman, ang mga isyu o sakit sa pisyolohikal ay kadalasang sanhi ng kondisyong ito. Tingnan natin kung ano ang constipation at mga sanhi nito.
Ano Ang Constipation?
Sa pangkalahatan, ang constipation ay tumutukoy sa hindi pagkakaroon ng regular na pagdumi sa loob ng isang linggo. Kapag sinasabing constipated ang isang tao, nahihirapan siyang magsimula o magkumpleto ng kaniyang pagdumi. Ito ay tumatagal ng ilang sandali upang mailabas ang kailangang mailabas, at ang kanilang dumi ay madalas na mukhang tuyo at matigas tulad ng mga bato o maliliit na bato.
Maaaring makaramdam ang isang tao ng pananakit sa paglabas ngunit hindi pa rin ganap na nawalan ng laman ang bituka. Ito ay maaaring mauwi sa karagdagang mga komplikasyon tulad ng:
- Hemorrhoids (pamamaga ng anal veins)
- Rectal prolapse (protrusion ng mga bituka mula sa anus)
- Anal fissure (tears, torn skin o mga break sa balat)
- Fecal impaction (mga dumi na hindi mailabas)
- Diverticular disease (abnormal formations sa mga bituka)
Ang mga taong may iba’t ibang age groups (mula sa mga bata hanggang sa matatanda) ay maaaring magkaroon ng ganitong kondisyon. Ayon sa isang pag-aaral, ang constipation ay itinuturing na isa sa mga pinaka-karaniwang chronic gastrointestinal condition sa mga matatanda. Ang ilan ay mas malamang na magkaroon ng chronic constipation, na patuloy ang pagkakaroon higit pa kaysa sa iba.
Ang ilan sa mga kilalang salik ng panganib ay kinabibilangan ng:
- Kasarian (mas malaki ang posibilidad na magkaroon ang mga kababaihan)
- Mas matatanda (ang hindi gaanong aktibong pamumuhay ay humahantong sa mas mabagal na metabolismo)
- Low caloric intake
- Low-fiber diet
- Pag-inom ng ilang mga gamot
- Pagkakaroon ng neurological disorders
- Pagkakaroon ng iba pang digestive disorders
Ano Ang Constipation At Sanhi Nito Sa Mga Matatanda?
1. Maaaring pabagalin ng colon o rectum blockage ang paglabas ng dumi
Maaaring bumagal ang pagdumi dahil sa mga bara na matatagpuan sa digestive tract, partikular sa colon o sa rectum area. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga sanhi:
- Anal fissure o maliit na tears sa paligid ng balat ng anus. Tandaan na ang mga fissure ay hindi humaharang sa pagdaan ng dumi. Ang mga ito ay hindi direktang nagiging sanhi ng paninigas ng dumi dahil maaaring maiwasan ng mga pasyente na ilipat ang kanilang dumi upang maiwasan ang sakit.
- Bowel obstruction
- Bowel stricture
- Colon cancer
- Rectal cancer
- Iba pang uri ng abdominal cancer
- Rectocele o ang rectum bulge sa likod ng vagina wall
2. Nerve signaling problems sa paligid ng colon o rectum
Ang mga neurological problems ay maaari ring makaimpluwensya sa paglitaw ng matigas ng dumi. May posibilidad na mag-contract ang mga muscles sa colon at rectum at maglipat ng dumi sa pamamagitan ng bituka. Ang ilang mga sanhi nito ay ang mga sumusunod:
- Nerve damages na siyang responsable sa mga function ng katawan (autonomic neuropathy)
- Mga pinsala sa spinal cord
- Multiple sclerosis
- Parkinson’s Disease
- Stroke
3. Pelvic floor dysfunction at iba pang muscular problems
Ang kahinaan sa mga muscles na kinasasangkutan ng elimination process (i.e., pelvis) at iba pang mga alalahanin sa muscular functions ay maaari ring humantong sa chronic constipation Ilan sa mga ito ay:
- Anismus (kahirapan sa pagre-relax ng pelvic muscles upang ihanda at payagan ang pagdumi)
- Dyssynergia (kawalan ng kakayahan ng pelvic muscles na mag-coordinate nang maayos upang payagan ang pagdumi)
- Paghina ng mga pelvic muscles
Pag-Iwas
Ilan sa mga nabanggit na sanhi ng constipation sa mga matatanda ay maaaring mapigilan sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang ng mga sumusunod na tip at payo:
- Kumain ng balanseng diyeta na may mga pagkaing mayaman sa high fiber (hal., beans, gulay, prutas, pati na rin ang whole-grain cereal).
- Siguraduhing ang mag-hydrate at uminom ng hindi bababa sa 8 basong tubig sa isang araw.
- Mag-ehersisyo nang regular.
- Alamin kung paano pamahalaan ang iyong stress nang maayos.
- “Go” (at ilabas) kapag gusto mo na. Hindi na kailangan pang maghintay.
Key Takeaways
Ang constipation ay isang pangkaraniwang kondisyon na kailangang harapin ng karamihan. Kung kaya, mahalagang malaman at maunawaan mo ang mga karaniwang sanhi ng constipation sa mga matatanda.
Makatutulong ito kung hindi mo ipagpapaliban ang iyong pagdumi upang mailigtas ang iyong sarili mula sa pagkakaroon ng matigas na uri ng dumi at paglabas.
Kung nakararanas ka ng isa o higit pa sa mga sanhi ng constipation sa mga matatanda, kumunsulta kaagad sa iyong doktor. Huwag hintayin ang dugo sa iyong dumi bago pa gumawa ng paraan para rito.
Alamin ang iba pa tungkol sa Constipation dito.