Nangyayari ang kabag kung ang gastrointestinal tract ay napuno ng gas. Inilalarawan ito ng mga tao bilang labis na kabusagan o kasikipan sa tiyan. Ito ay karaniwang nangyayari dulot ng mga hindi natunaw na mga pagkain, paglunok ng hangin, o kondisyong medikal. Ang mga medikal na kondisyon na maaaring magdulot ng kabag ay kabilang ang pagbabago sa hormones, pagtaba, heartburn, anorexia nervosa, irritable bowel syndrome, giardiasis, etc. Katulad ng mga karaniwang problema sa digestive, ang diet ay may malaking papel dito. Ano ang mga prutas na nakakakabag?
Mga Prutas na Nagdudulot ng Kabag
Ikaw ba ay nakaranas na ng kabag matapos kumain ng anumang prutas? Maaaring ito ay sorpresa sa’yo ngunit may ilang mga prutas na nagdudulot ng kabag.
Isinasaalang-alang ang prutas bilang magandang opsyon sa pagpapanatili ng kabuuang kalusugan, sa kabilang banda, maaaring magdulot din ang mga ito ng kabag dulot ng fructose. Kung nakakaranas ng fructose malabsorption, maaari din itong magsanhi ng kabag. Ano ang mga prutas na nakakakabag?
Mansanas
Ano ang prutas na nakakakabag? Alam nating lahat na ‘an apple a day keeps a doctor away’, ngunit alam mo ba na ito ay maaari ding magdulot ng kabag? Ang prutas na ito ay mayaman sa vitamin C, antioxidants, fiber, at iba pang mga benepisyo sa kalusugan.
Ngunit ang mga mansanas ay nagdudulot ng kabag at isyu sa digestion sa ibang tao. Ang mataas na fiber at fructose na mayroon sa mansanas ay maaaring magpamaga sa large intestine at magdulot ng kabag.
Peras
Mayaman ang peras sa mga bitamina, fiber, at antioxidants. Nalalaman din ito ng sorbito na nagdudulot ng kabag. Kung ikukumpara sa ibang mga sugar, ang sorbitol ay mas matagal na naa-absorb sa small intestine.
Mayroon ding mga pagkakataon na ang mga sugar ay pumapasok sa colon nape-fermented, at nagreresulta sa kabag at pulikat. Kung peras ang paboritong prutas at hirap na iwasan ito, maaari kainin ito nang pinakuluan upang madali sa panunaw.
Maaari ring mag-ehersisyo upang maiwasan ang kabag sa tiyan.
Cherries at grapes
Naglalaman din ng maraming fructose ang cherries at grapes. Maaaring mahirap sa panunaw ng iba ang fructose. Ito ay maaaring magdulot ng kabag at mga isyu sa panunaw.
Tuyong Prutas
Ang mga tuyong prutas ay mataas sa sugar at fiber. Ang bacteria sa gastrointestinal tract na hindi maayos na natunaw ay maaaring magdulot ng gas.
Kung kaya, mahalagang uminom ng maraming tubig upang mawala ang kabag.
Ilaga ang prutas upang maiwasan ang kabag
Kung nais kumain ng paboritong prutas ngunit may takot na kabagin, maaari mong subukan na lutuin ang mga ito.
Sa halip na kainin nang hilaw ang prutas, maaari itong lutuin at kainin. Ang pagluto sa prutas ay magpapadali sa panunaw na iproseso ito at pababain ang sugar at fiber nito na nagdudulot ng kabag. Maaari ding lagyan ng cinnamon powder o ibang mga pampalasa ang prutas.
Mga Pagkain na Nakakakabag
Hindi lamang prutas, ilan sa mga regular kinakain na pagkain ang nagdudulot ng kabag. Narito ang ilan sa mga ito:
Beans
Ang beans ay napupuno ng protein, fiber, vitamins, at carbohydrates. Ang mataas na fiber sa beans ay nagpapahirap sa katawan na pirasuhin ito at magsanhi ng kabag.
Maaaring ibabad sa tubig ang mga beans ng ilang oras bago lutuin at ito ay makakatulong sa madaling pagtunaw nito. Kung ang iyong katawan ay hindi sanay sa pagkain ng beans, maaaring kumain ng kaunting beans araw-araw upang ang katawan ay masanay at makabuo ng good bacteria.
Cruciferous na Gulay
Ang mga cruciferous na gulay kabilang ang cauliflower, broccoli, repolyo, brussels sprouts, kale, labanos, garden cress, etc. Ang mga gulay na ito ay mayaman na pagkunan ng mga vitamins at minerals, at magandang isama sa diet.
Pinagkukunan ng phytonutrients ang mga cruciferous na mga gulay at ito ay nakakatulong upang mabawasan ang pamamaga at mapababa ang panganib sa cancer. Gayunpaman, ang mga gulay na ito ay pinagkukunan din ng raffinose na kung hindi matutunaw sa tiyan ay maaaring ma-ferment ng bacteria at magsanhi ng problema sa panunaw tulad ng gas at pagkabusog.
Mais
Ang mais ay mayaman sa fiber at mahirap tunawin, na nagreresulta sa problema sa panunaw tulad ng gas at kabag. Ang hindi natunaw na bahagi ng butil ay hahantong sa pagiging fermented ng gut bacteria na nagdudulot ng gas.
Tips upang Maiwasan ang Kabag
Ngayon na alam na natin ang mga prutas na nakakakabag, narito ang ilan sa tips upang mapigilan na kabagin.
- Nguyaing maigi – Iwasan ang sobrang pagkain. Sa halip, kumain ng kaunti. Mahalaga na nguyaing maigi ang kinakain. Ang pagkain nang hindi ngumunguya ay maaaring makalunok ng hangin na magdudulot ng kabag.
- Allergy sa Pagkain – Iwasan ang mga pagkain na nagdudulot ng allergy. Mahalaga na suriin ang habit sa pagkain. Gumawa ng tala ng mga pagkain na hindi maaaring kainin dahil sa allergy. Lactose fructose, itlog, at gluten ay ang mga karaniwang allergen sa nakararami.
- Carbonated na mga inumin – Iwasang uminom ng mga carbonated na mga inumin. Ang fizz sa inumin ay maaaring manatili sa tiyan at magsanhi ng kabag.
- Fiber intake – Kung ikaw ay isang tao na may constipation, ikaw ay maaaring abisuhan na taasan ang fiber intake. Gayunpaman, kung ikaw ay may problema sa kabag, ang pagkonsumo ng labis na fiber ay maaaring magpalala sa mga sintomas. Sa ilang mga pangyayari, mahalaga na panatilihing hydrated at regular na mag-ehersisyo. Ang mga ito ay makakatulong upang maiwasan ang constipation at mapabuti ang panunaw.
- Probiotic Supplement– Ang probiotics ay naglalaman ng good bacteria na makakatulong upang mapanatili ang balanse ng good bacteria sa katawan. Ang hindi balanseng bacteria ay maaaring magsanhi ng problema sa panunaw. Sa pagpapataas ng good bacteria, ang probiotics ay makakatulong sa pagbawas ng kabag at iba pang problema sa panunaw.
Humingi ng Tulong Medikal
Kung ikaw ay may pabalik-balik na kabag o problema sa panunaw na mas lumalala habang tumatagal, mahalaga na makipag-ugnayan sa iyong doktor. Ang hindi nawawalang kabag o madalas na problema sa panunaw ay maaaring indikasyon ng ibang kondisyong medikal.
Mahalaga na ma-diagnose ang digestive issue nang mas maagap at agarang magamot. Sa karamihan ng mga kaso, ang problema sa panunaw ay nagagamot sa tulong ng pagbabago sa pang-araw-araw na pamumuhay at sa pag-alis ng ilang mga pagkain.
Matuto pa tungkol sa gas at bloating dito.