Hindi mabuti sa pakiramdam ang kabag: ang pakiramdam ng iyong tiyan ay busog at matigas dahil may dagdag na hangin sa iyong gastrointestinal tract. Alamin ang lunas sa kabag dito.
Bakit Nangyayari ang Kabag?
Karaniwang nangyayari ang bloating dahil sa labis na hangin sa digestive tract. Sa maraming mga kaso, ito ay kabilang ang belching o burping, na paraan ng katawan upang alisin ang labis na hangin. Maaari mong makuha ang dagdag na hangin sa pamamagitan ng:
- Pagsasalita
- Pagkain
- Pagsubo ng matigas na candy o pagnguya ng gum
- Pag-inom ng carbonated na inumin
- Paninigarilyo
Ang ilang kondisyon tulad ng gastroesophageal reflux disease o GERD ay maaaring mag-trigger ng kabag dahil sa dami ng paglunok.
Ano ang Lunas sa Kabag?
Nakakaramdam ka ba ng kabag? Subukan ang mga sumusunod na lunas sa bahay:
Maglakad ng kaunti
Ang paglalakad o paggawa ng ibang porma ng gawain ay nakatutulong upang gumalaw ang tiyan, na nakatutulong na matanggal ang labis na hangin. Hindi mo kailangan na maglakad nang malayo – isang block o dalawa ay sapat na.
I-enjoy ang Oras sa Pagkain
Alam mo ba na isa sa mga lunas sa kabag ay ang paglalaan ng oras na sapat sa iyong pagkain?
Sa pagkain mo nang mabilis, mas maaari kang makalunok ng hangin, kaya’t i-enjoy ang iyong pagkain at kumain nang marahan. Subukan na huwag kumain kung may ginagawa o stressed. Ang pagkain sa mga ganung sitwasyon ay maaaring magpabilis ng pagkain nang hindi mo namamalayan.
Ihinto ang mga Candies at Gum (Sa ngayon)
Isa sa mga home remedies para sa kabag ay ihinto ang pagsubo ng matigas na candies o chewing gum hanggang sa mawala ang kabag. Ang candy at gum ay karaniwang mas nagpapalunok ng mas marami, at ilan sa mga ito ay hangin.
Tandaan: Kung ikaw ay prone sa kabag, iwasan ang pagkain ng candy at gum nang magkasama.
Iwasan ang mga Pagkain na Nagiging Sanhi ng Gas
Hindi magiging kompleto ang lunas sa kabag kung hindi mababanggit ang mga pagkain na sanhi ng gas, na kailangan mong iwasan sa ngayon. Ang mga pagkain na ito ay kabilang ang:
- Beans and lentils
- Repolyo
- Turnip
- Brussel sprout
- Sibuyas
- Peras
- Wheat
- Patatas
- Noodles
- Mais
Sa kabuuan, ang mga pagkain na mayaman sa carbohydrates, tulad ng sweets, starch, at fiber ay nagpo-produce ng gas.
Tandaan: Iwasan ang pag-iwas sa lahat ng pagkain na ito sa isang pagkakataon. Kung mapapansin mo, marami sa mga pagkain ay masustansyang pagkain. Ang pinakamainam na aksyon ay kausapin ang iyong doktor tungkol sa mga pagkain na kailangang limitahan o tanggalin.
Kausapin ang Iyong Doktor Tungkol sa Gamot na Iinumin
Kung nakahahadlang na ang sakit sa pang-araw-araw na gawain, kausapin ang iyong doktor tungkol sa mga gamot na iinumin na makatutulong sa gas.
Halimbawa, ang simethicone ay isang porma ng foaming agent na sinasamahan ang gas na nagpapadali na ma-release ito. Gayundin, sinasabi ng mga pag-uulat na ang pag-inom ng activated charcoal bago at matapos ang pagkain ay nagbibigay ng relief mula sa intestinal gas.
Huwag magtuloy sa kahit na anong gamutan nang walang payo ng doktor, dahil ang ilang sangkap ay maaaring makapagpalala kaysa magpabuti. Punto sa kaso: ang paggamot sa constipation ay mayroong mainam na paraan upang mawala ang gas. Ngunit ang psyllium husk, isang uri ng laxative, ay mayaman sa fiber, na magpapalala ng sintomas.
Kailan Hihingi ng Tulong Medikal
Sa karamihan ng mga kaso, ang lunas sa kabag ay epektibo at hindi na kailangan pa nang gamutan. Gayundin, kailangan mong malaman kailan hihingi ng medikal na tulong. Siguraduhin na konsultahin ang iyong doktor kung nakaranas ng:
- Sakit sa tiyan
- Pagsusuka
- Heartburn na malala
- Pagtatae
- Dugo sa tae o tae na kulay itim
- Pagbawas ng timbang
Mahalagang Tandaan
Ang kabag ay isang kondisyon kung saan ang iyong tiyan ay may pakiramdam na busog o matigas, karaniwan itong nangyayari dahil sa labis na gas sa digestive tract. Sa karamihan ng kaso, ang paggalaw, pagkain nang marahan, at pagbawas sa mga tiyak na pagkain ay nakapagpapabuti ng kabag. Kung ang home remedies para sa bloating ay hindi naging epektibo, at hindi nakakitaan ng pagpapabuti, mainam na konsultahin ang iyong doktor.
Matuto pa tungkol sa kalusugan ng digestive system dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.