Maaaring mangyari ang tuberculosis kaninuman. Kaya pinakamainam na malaman ang mga paraan ng pag-iwas sa TB. Ito ay upang maprotektahan ang ating sarili at ang ating mga mahal sa buhay.
Noong taong 2010, kinilala ang tuberculosis na isa sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas. Noong 2017, ang sakit ay kumitil ng 1.6 milyong buhay. Sa bilang na ito, 25,000 katao ang mga Pilipino.
Kahit na ang TB ay nakakahawa, ito ay mahirap makuha. Maaari itong kumalat mula sa tao sa tao, pero ito ay dahil sa malapitang kontak.
Halimbawa, ang mga taong mga nakatira sa isang bahay ay mas nasa panganib.
Nagagamot ang tuberculosis at simple ang mga paraan ng pag-iwas dito.
Ang Mycobacterium tuberculosis o tuberculosis, ay isang malubhang sakit kung saan inaatake ng bacteria ang baga ng isang tao.
Kung ang infected na tao ay hindi nagamot ang sakit, maaaring kumalat ang bacteria sa ibang parte ng katawan.
Ang Tuberculosis sa Pilipinas
Ang tuberculosis ay endemic sa Pilipinas. Dahil mas laganap ito sa mas masikip at nakakulong na lugar ng bansa tulad ng mga lungsod. Karaniwan na sa mga Pilipino ang nakakakilala ng isang taong nagkaroon ng sakit.
Sa panahon ngayon, may mga pagsisikap na ipaalam sa mga tao ang tungkol sa sakit at kung paano ang pag-iwas sa TB. Gayundin ang mga pagsisikap sa mga pampubliko at pribado na mabigyan ang pangkalahatang populasyon ng mga gamot upang gamutin ang sakit na ito.
Bagaman maraming pagsulong ang nagawa para labanan ang bacteria, hindi ito nagpapakita ng mga senyales ng paghinto. Nananatiling pare-pareho ang bilang ng nahawahan habang lumalaki ang populasyon sa buong taon.
Kahit na ang tuberculosis ay isa sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas, posible ang pag-iwas sa TB.
5 Paraan ng Pag-iwas sa TB na Dapat Sundin
Maging Aware
Isa sa mga pinakamahusay na diskarte sa pag-iwas sa TB ay ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa sakit.
Gumawa ng pananaliksik tungkol sa tuberculosis. Alamin kung ano ito, mga palatandaan at sintomas nito, kung paano ito maiiwasan, at kung paano ito magagamot. Sa ganitong paraan ay makakatulong ka sa pagpigil sa pagkalat ng sakit.
Regular na magpa- check up lalo na kung nakasalamuha ang isang taong may TB
Ang regular na pagpunta sa iyong doktor ay hindi lamang makakatulong upang malaman kung ikaw ay nahawaan ng tuberculosis. Makakatulong din ito sa iyong malaman kung gaano ka malusog (o hindi) sa pangkalahatan.
Palakasin ang iyong Immune System
Dapat mong palakasin ang iyong immune system para labanan ng katawan mo hindi lamang ang TB kundi pati na rin ang iba pang nakamamatay na sakit. Kapag inalagaan mo ang iyong katawan, nagkakaroon ka ng malakas na resistensya laban sa mga mikrobyo, virus, at bakterya na maaaring makahawa sa iyong katawan.
Paano Pinalalakas ang Immune System? Simple lang.
- Siguraduhing may malusog at balanseng diyeta at bigyan ang iyong katawan ng mga go, grow, at glow na pagkain.
- Sikapin na panatilihin ang magandang sleeping habits nang hindi bababa sa 8 oras araw-araw. Ang pagtulog ay susi sa malakas na immunity. Dahil ito lamang ang oras na kayang ayusin ng iyong katawan ang mga cell.
- Humanap ng oras na makapag-ehersisyo. Ang ehersisyo ay hindi lamang pagpunta sa gym. Ibig sabihin, pwede kang manatiling aktibo at gumawa ng mga pisikal na gawain tulad ng paglalakad.