backup og meta

Sipon o allergy? Paano mo malalaman kung alin ang iyong nararanasan

Sipon o allergy? Paano mo malalaman kung alin ang iyong nararanasan

Ano ba ‘tong nararasan ko? Sipon, o allergy?’ Madalas nalilito ang mga tao sa runny dulot ng sipon at allergy. Hindi ito kataka-taka dahil ang dalawang kondisyong ito ay maraming pagkakapareho pagdating sa mga sintomas. Kaya ating alamin kung ano nga ba ang pagkakaiba ng dalawang ito, at ang mga nagdudulot ng mga kondisyong ito.

Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng sipon at allergy?

Ang sipon o kilala bilang common colds ay viral infection sa ilong at lalamunan. Kaya naman ito ay tinatawag na upper respiratory tract infection (URTI). Ang kadalasang mga sintomas nito ay pagbabara ng ilong, at pagtulo ng sipon o runny nose.

Sa kabilang banda, allergy reaksyon ng ating katawan, partikular ng ating immune system, sa mga bagay na hindi natural sa ating katawan. Kagaya na lamang ng mga pollen, o mga pagkain gaya ng seafoods at mani, atbp.

Maaaring magmanifest ang allergy ng iba’t ibang uri ng sintomas. Pero sa mga taong nakararanas nito, ang isa sa pinakamadalas nilang reklamo ay ang pagkakaroon ng baradong ilong at pagtulo ng sipon. Kaya naman madalas mapagkamalan na allergy ang common colds.

Ano ang mga Sintomas at Sanhi ng Sipon o Common Colds?

Ang karaniwang sintomas ng sipon ay:

  • Pagtatae
  • Pagkapagod
  • Sakit sa lalamunan
  • Pag-ubo
  • Mga lagnat o panginginig
  • Sakit ng katawan
  • Sakit ng ulo
  • Hindi karaniwan: Nawawalan ng pang-amoy o panlasa
  • Nakakaranas ng pagduduwal o pagsusuka

Maraming virus ang pwedeng magdulot ng sipon o common cold. Pero ang pinakamadalas na sanhi nito ay ang tinatawag nating Rhinoviruses. Ito ay grupo ng mga virus na ang target ng impeksyon ay ang ilong, tenga at lalamunan. Makukuha ito kapag ikaw ay naubuhan o nabahingan ng mga taong mayroon nito, o di kaya ay sa hand to hand contact at sa paggamit ng mga contaminated na bagay na ginamit ng mga may ganitong impeksyon.

Ano ang mga Sintomas at Sanhi ng Allergy?

Ang allergy ay pwedeng magkaroon ng iba’t ibang manipestasyon. Narito ang ilan sa mga ito:

Ang ilang mga karaniwang sintomas ng isang allergy ay ang mga sumusunod:

Hay fever, o mas mas kilala sa tawag na allergic rhinitis

  • Pagbahing
  • Pangangati ng ilong, mata at bibig
  • Pagbara o di kaya ay pagtulo ng sipon
  • Pagluluha

Food allergy

  • Pagmanhid ng bibig o labi
  • Pamamaga ng labi, mukha, lalamunan o dila
  • Pangangati ng buong katawan
  • Anaphylaxis, o isang grupo ng reaksyon ng katawan na pupwedeng makamatay

Insect sting allergy

  • Edema, o pagmamanas ng piling parte ng katawan
  • Pangangati ng buong katawan
  • Ubo, paninikip ng dibdib, pagbahing at hirap sa paghinga
  • Anaphylaxis

Drug allergy

  • Pangangati ng buong katawan
  • Pangangati ng balat
  • Pamamantal
  • Pagmamanas ng mukha
  • Pagbahing
  • Anaphylaxis

Atopic dermatitis, o allergy sa balat

  • Pangangati sa ilang bahagi ng balat
  • Pamumula
  • Pagkatuklap-tuklap ng bahagi ng balat na apektado
  • Anaphylaxis

Anaphylaxis

  • Kawalan ng malay
  • Pagbaba ng presyon ng dugo o blood pressure
  • Hirap sa paghinga
  • Pamamantal
  • Pagkahilo at pagsusuka
  • Mabilis na paghina ng pulso

Ang mga karaniwang sanhi ng allergy ay:

  • Pollen
  • Ilang uri ng pagkain
  • Amag
  • Alikabok
  • Latex
  • Lason ng insekto
  • Animal dander (balat na nalaglag ng mga hayop, kabilang ang mga balahibo at balahibo)

Paano makikita ang kaibahan ng sipon at runny nose sa allergy?

Sintomas Sipon at Runny Nose Allergy
Sakit ng Ulo Hindi karaniwan Hindi karaniwan
Lagnat Posible pero bihira Walang posibilidad na magkaroon ng lagnat ang isang tao kung  nakakaranas ng allergy.
Pananakit ng Katawan Bahagyang pananakit ng katawan Walang posibilidad na makaranas ang isang tao ng pananakit ng katawan kung nakakaranas ng allergy.
Pagkahapo Ang mga taong may sipon ay hindi makakaranas ng Pagkahapo Ang mga taong nakakaranas ng allergy ay puwedeng makakaranas ng pagkahapo.
Panghihina/Fatigue Minsan Minsan
Ubo Karaniwan Minsan
Sore Throat Karaniwan Minsan
Barado at/o Runny Nose Karaniwan Karaniwan
Pagbahing Karaniwan – Ang mga tao ay bumabahing kapag may sipon at runny nose. Karaniwan – Siguradong babahing ang mga tao kapag nakakaranas ng allergy.
Discomfort sa dibdib Mild hanggang moderate na discomfort Minsan – Depende sa lala ng allergic reaction – Bihirang makaramdam ng discomfort sa dibdib para sa mga taong nakakaranas ng allergy. Pero ang mga may allergic asthma ay malamang na makaramdam ng mga sintomas na ito.

Key Takeaway

Kahit na ang karaniwang sipon at allergy ay maaaring magkapareho sa mga sintomas, mayroon silang mga pagkakaiba. Halimbawa, ang lagnat ay bihira para sa mga may sipon, ngunit hindi ito mangyayari bilang resulta ng mga allergy. Gayundin, ang ubo at namamagang lalamunan ay karaniwan sa sipon, ngunit malamang na hindi mangyayari sa mga allergy. Ginagawang madali ng mga pagkakaibang ito para sa mga tao na matukoy kung aling paggamot o lunas ang dapat nilang gamitin kung sipon ba o allergy ang kanilang nararamdaman. Kapag may pagdududa, palaging pinakamainam na gawin ay ang  kumunsulta sa iyong doktor.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Runny Nose: Symptoms, Causes & Treatment, https://my.clevelandclinic.org/health/symptoms/17660-runny-nose, Accessed October 24, 2021

Cold or allergy: Which is it? https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/common-cold/expert-answers/common-cold/faq-20057857, Accessed October 24, 2021

Decoding the Symptoms: Common Colds vs Allergies, https://www.knowyourotcs.org/decoding-the-symptoms-common-colds-vs-allergies/, Accessed October 24, 2021

Allergies: Types, Symptoms, Causes & Treatments, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/8610-allergy-overview, Accessed October 24, 2021

Cold, Flu or Allergy? https://newsinhealth.nih.gov/2014/10/cold-flu-or-allergy, Accessed October 24, 2021

 

Kasalukuyang Version

01/10/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Sipon: Lahat ng dapat mong malaman tungkol dito

Alamin: Ano ang upper respiratory infection


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement