backup og meta

Ano ang Iba't ibang Uri ng Sipon?

Ano ang Iba't ibang Uri ng Sipon?

Mayroong iba’t ibang sanhi ng mga uri ng sipon. Ang simula ng sakit ay pwedeng maiugnay sa maraming iba’t ibang bakterya. Pinakakaraniwan na ang rhinovirus.

Ang sipon ay may mga sintomas na lumilitaw alinman sa pagitan ng isa hanggang tatlong araw pagkatapos ng impeksyon. Kasama sa mga sintomas ngunit hindi eksklusibo sa:

  • Sore Throat
  • Ubo
  • Congestion
  • Sipon o baradong ilong
  • Pagbahing
  • Sakit ng katawan at sakit ng ulo

Mga Uri ng Sipon: Karaniwang Sanhi 

Ang iba’t ibang mga uri ng sipon ay:

Rhinoviruses

Ang rhinovirus ang pinakakilalang sanhi ng sipon. Ito ang pinakakaraniwang infectious agent laban sa mga tao. Mayroon itong higit sa isang daang uri at nabubuhay sa temperatura mula 33 hanggang 35 Celsius. Ang virus na ito ay dumadami sa ilong. Ang rhinoviruses ay may kakayahang magmanipula ng genes at maging sanhi ng labis na reaksyon ng immune system ng katawan.  

Lubhang nakakahawa ang rhinoviruses. Sa kabutihang palad, ang mga rhinovirus ay bihirang humantong sa pagbabanta sa buhay o malubhang kondisyon sa kalusugan. Sa kasalukuyan ay walang bakuna para sa rhinovirus at maging sa karamihan ng iba pang mga virus na kilalang mga sanhi ng sipon. 

Iba’t ibang Uri ng Sanhi ng Sipon: Coronaviruses

Ang sanhi ng pandaigdigang pandemya ay responsable din sa pagkakaroon ng sipon ng mga pasyente. 

Maraming variants ng coronavirus ang nakakaapekto sa mga hayop, pero anim na variants lang ang kilalang nakakaapekto sa mga tao. Ang coronavirus, kung ihahambing sa counterparts nito ay kilalang kadalasang nagdudulot hindi lamang ng mga karaniwang sipon, kundi ng upper severe acute respiratory syndrome na banayad hanggang katamtamang mga kaso.  

Human Parainfluenza Viruses (HPIV)

Ang HPIV ay virus na karaniwang humahantong sa mild infections. Gayunpaman, ang mga impeksyon ay maaaring mas karaniwan at malala sa mga bata.

Ang mga HPIV ay kadalasang nagdudulot ng respiratory problems para sa maliliit na bata, at nauugnay sa mga sintomas tulad ng lagnat, sipon, at kung minsan, ubo. Karamihan sa mga pasyenteng apektado ng HPIV ay maaaring gumaling nang kusa, ngunit may ilang mga kaso kung saan ang HPIV ay nagdudulot ng mga komplikasyon tulad ng pulmonya.

Karaniwang kumakalat ang HPIV sa pamamagitan ng personal contact, o malapit na pakikipag-ugnayan, o paghawak sa mga kontaminadong ibabaw at bagay. Pwede itong kumalat sa pamamagitan ng hangin at paglanghap ng mga particle mula sa mga pagbahing at ubo mula sa mga nahawaang tao. 

Adenoviruses

Kabilang sa iba’t ibang mga uri ng sipon ay ang adenovirus. Ito ay nagdudulot ng iba’t ibang sakit, kabilang ang karaniwang sipon.

Ang mga pasyenteng apektado ng adenovirus ay nagpapakita ng mga sintomas maliban sa cold-like symptoms tulad ng bronchitis, sore throat, diarrhea, at iba pa. Kahit sino ay maaaring ma-infect ng adenovirus. Ngunit mas lalo ang mga indibidwal na mahina ang immune systems. Ang adenoviruses ay maaaring makuha sa parehong paraan tulad ng mga HPIV o anumang iba pang virus, sa pamamagitan ng pisikal na pakikipag-ugnayan, o sa pamamagitan ng airborne contraction.

Respiratory Syncytial Virus

Ito ay isa pang virus na kilalang sanhi ng sipon. Ang virus na ito ay karaniwang mild hanggang katamtamang impeksyon sa mga adult. Ngunit kilala na nagdudulot ng malubhang impeksyon sa lower respiratory tract sa mga matatandang pasyente, maliliit na bata, at mga mahinang pasyente na may mahinang immune system. Ang mga premature na bata, maliliit na bata na may hika, at ang mga may preexisting heart or respiratory health conditions na nahawaan ay nasa panganib na magkaroon ng mga komplikasyon sa kalusugan tulad ng pneumonia at bronchitis.   

Key Takeaway

Ang pinakamahusay na paraan ng pag-iwas sa sipon ay ang pagpapalakas ng immune system sa pamamagitan ng pag-inom ng mga bitamina, supplements, at pagsasaayos ng diyeta ng isang tao. Direktang tinutugunan din nito ang mga sintomas ng karaniwang sipon.
Kailangan ng medikal na atensyon kung naniniwala kang apektado ka ng mga uri ng sipon na dulot ng alinman sa mga nabanggit na virus. Kumunsulta sa isang doktor kung ang sipon ay tumatagal sa pagitan ng 7-10 araw at nagpapatuloy.
 

Matuto pa tungkol sa Common Cold dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kasalukuyang Version

03/04/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Sipon o allergy? Paano mo malalaman kung alin ang iyong nararanasan

Sipon: Lahat ng dapat mong malaman tungkol dito


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement