backup og meta

Kailangan Mo Ba Ng Oxygen Setup Sa Bahay? Alamin Dito Ang Pros At Cons

Kailangan Mo Ba Ng Oxygen Setup Sa Bahay? Alamin Dito Ang Pros At Cons

Kung may isang sintomas ng COVID-19 na ikinababahala ng maraming tao, ito ay ang kahirapan sa paghinga. Ang mahirap na paghinga ay maaaring magresulta sa mababang blood oxygen level (mababa sa 95 SPO2). Dahil dito, kailangang dalhin sa emergency room ang pasyente. Maaari din itong maging sanhi ng confinement sa intensive care unit at paggamit ng ventilator. Dahil sa takot, maraming tao ang gustong magkaroon ng oxygen setup sa bahay. Ngunit magandang desisyon ba ito? Alamin dito.

Posible Ang Pagkakaroon Ng Oxygen Setup Sa Bahay Ngunit Komplikado

Maraming pasyente na nangangailangan ng suporta sa paghinga at sa pagpapanatili ng kanilang blood oxygen level ang nagsasagawa ng oxygen therapy sa bahay. Kaya kung ikaw ay nagtataka kung posible ba ang pagkakaroon ng oxygen setup sa bahay, oo posible ito.

Ngunit mahalagang tandaan na ang mga pasyenteng ito ay kadalasang ginagabayan ng kanilang doktor. Nakatanggap sila ng professional assistance sa pagsasaayos ng oxygen tank at ng lahat ng accessories nito. Bukod dito, ang mismong pasyente, o ang kanilang mga tagapag-alaga, ay sumailalim sa training ng oxygen therapy.

Ibig sabihin, ang pagkakaroon ng oygen setup sa bahay ay isang komplikadong proseso.

Kung gusto mong “magtago ng maraming” oxygen tank dahil gusto mong maging handa kung sakaling ikaw o ang iyong mga mahal sa buhay ay magkaroon ng COVID-19, tandaang wala ka pang professional assistance o training kaugnay nito.

Ang Pagkakaroon Ng Oxygen Setup Sa Bahay Ay May Mga Panganib

Kung ikaw ay determinado pa ring bumili ng isa o dalawang oxygen tank, mahalagang malaman mo ang mga kasama nitong panganib.

Sa pamamagitan ng oxygen, mas nasusunog nang mabilis ang isang bagay. Ito ay tulad ng kung paano lumalaki ang apoy dahil sa hangin. Upang mapanatili ang kaligtasan sa bahay, dapat mong gawin ang mga sumusunod:

  • Itabi nang mabuti ang oxygen tank. Kung mahulog ito at magkaroon ng sira, maaaring magkaroon ng tagas. Ayon sa mga ulat, ang pagsabog nito ay parang isang “high-speed missile.”
  • Huwag itago ang oxygen tank sa lugar na walang sapat na bentilasyon (tulad ng aparador).
  • Ipatupad ang tuntuning “Bawal manigarilyo” sa lugar kung saan nakatago ang oxygen tank.
  • Siguraduhing kahit dalawang metro man lamang ang layo ng oxygen tank mula sa kalan, kandila, nakasaksak na kagamitan, o anomang laruan o gamit na may electric motors.
  • Mag-ingat sa pagluluto. Ang pagtalsik ng mantika ay maaaring pagsimulan ng apoy.
  • Panatilihing malayo ang oxygen tanks mula sa aerosol sprays o liquids na maaaring pagsimulan ng apoy, tulad ng langis at alkohol.
  • Tandaan na ang mga ordinaryong topical products tulad ng vapor rubs at petroleum jelly ay maaaring may masamang reaksyon sa oxygen at maaaring maging sanhi ng sunog.
  • Magkaroon ng fire extinguisher sa bahay.
  • Isaaalang-alang ang pagkakaroon ng smoke detector.

Mahalagang Paalala: Huwag Gumamit Ng Oxygen Nang Walang Reseta Ng Doktor

Mayrooon ka mang oxygen setup sa bahay, HINDI ka pa rin dapat gumamit nito nang walang reseta ng doktor.

Tulad ng ibang gamot, ang oxygen ay mayroon ding dose: Kahit papaano, dapat mong malaman kung ilang litro kada minuto ang kinakailangan. Depende sa kondisyon ng pasyente, maaari itong nasa pagitan ng 2 hanggang 40 L/min.

Kung masyadong kaunti ang oxygen na iyong natanggap, nagsasayang ka lamang dahil hindi bubuti ang iyong kondisyon. Gayundin, ang sobrang oxygen ay maaaring maging sanhi ng pagkalason.

Ang pagkakaroon ng oxygen setup sa bahay ay maaaring magbigay sa iyo ng maling seguridad. Marahil iniisip mong okay na ang lahat, ngunit ang totoo, ikaw o ang iyong mahal sa buhay ay nangangailangan na ng alagang ang makapagbibigay lamang ay ang mga properly-equipped na ospital at mga propesyunal.

Ano Naman Ang Oxygen Concentrators?

Sa ngayon, marami na rin ang naghahanap ng oxygen concentrators. Isa itong kagamitang nagtatanggal ng nitrogen sa hanging ating hinihinga, at nagbibigay ng mas maraming oxygen na kailangan para sa oxygen therapy.

Tulad ng oxygen cylinders, hindi rin dapat gumamit ng ganitong kagamitang nang walang patnubay ng doktor.

Key Takeaways

Sa unang tingin, ang pagkakaroon ng oxygen setup sa bahay ay parang isang magandang bagay na dapat gawin. Ngunit ang pagkakaroon nito ay may kaakibat na mga panganib. Bago bumili ng oxygen tanks, maraming bagay ang kailangang isaalang-alang.
Hindi ka dapat tumanggap ng oxygen maliban kung may reseta ng doktor. At dahil hindi mo malalaman ang dosage hanggang sa ibigay ito sa iyo ng doktor, hindi mo rin malalaman kung ang iyong “maraming itinago” na oxygen ay sapat.
Sa huli, ang pinakamainam na paraan upang protektahan ang sarili at ang mga mahal sa buhay ay ang pagsunod sa health protocols at ang pagpapabakuna.

Matuto pa tungkol sa Respiratory Health dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Oxygen safety, https://medlineplus.gov/ency/patientinstructions/000049.htm, Accessed September 30. 2021

Can you spot the home oxygen safety hazards?, https://www.osfhealthcare.org/blog/can-you-spot-the-home-oxygen-safety-hazards/, Accessed September 30. 2021

Pulse Oximeters and Oxygen Concentrators: What to Know About At-Home Oxygen Therapy, https://www.fda.gov/consumers/consumer-updates/pulse-oximeters-and-oxygen-concentrators-what-know-about-home-oxygen-therapy, Accessed September 30. 2021

Provision of oxygen at home, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC1113986/, Accessed September 30. 2021

Oxygen Levels, Pulse Oximeters, and COVID-19, https://www.health.state.mn.us/diseases/coronavirus/pulseoximeter.html, Accessed September 30. 2021

Kasalukuyang Version

08/30/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Effective nga ba ang UV Light para sa COVID-19?

Bakit Nakamamatay ang COVID-19? Heto ang Dapat Mong Malaman


Narebyung medikal ni

Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

General Practitioner


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement