Ang sakit ng katawan ay ang pinaka karaniwang sintomas ng trangkaso. Ngunit bakit ito nangyayari, at maaari bang magkaroon ang isang tao ng sakit ng katawan pag may trangkaso kahit walang lagnat?
Ano ang sanhi ng sakit ng katawan sa trangkaso?
Bago tayo magtungo kung bakit nagkakaroon ng sakit ng katawan sa trangkaso, kailangan muna nating maunawaan ano ang trangkaso. Ang trangkaso, o intrangkasoenza, ay isang viral na impeksyon na umaatake sa respiratory system.
Maaaring maka-infect sa mga taong ang iba’t ibang uri ng trangkaso. Kaya mahalaga ang taun-taong bakuna sa trangkaso upang makatulong na maiwasan ng mga tao ang pagkakaroon nito.
Ang flu strains ay may iba-ibang lebel sa pagiging malala. Ang ilang strains ay nagiging sanhi ng mas seryosong sintomas o maging ang pagkamatay. Habang ang ibang strains ay nagiging sanhi ng normal na sintomas na kabilang sa trangkaso — lagnat, ubo, at sipon, kabilang na dito ang sakit ng katawan.
Ngunit ano eksakto ang ginagawa ng trangkaso bakit may mga ganitong uri ng epekto sa ating katawan?
Ang ubo at sipon ay madali lang maunawaan; dahil ang influenza ay virus na nakaapekto sa respiratory system, ang ubo at sipon ay karaniwan at inaasahan na sintomas.
Sa kabilang banda, ang mga sakit na nararanasan ay hindi eksaktong sintomas na sanhi ng virus mismo, ngunit sa kung paano tumutugon ang katawan sa sakit.
Kung ikaw ay nagkaroon ng impeksyon tulad ng trangkaso, ang iyong resistensya ay ginagawa ang lahat ng makakaya upang labanan ito. Nagpapadala ang resistensya ng white blood cells na gumagawa ng cytokines at interleukins na nakatutulong na puksain ang kahit anong impeksyon.
Gayunpaman, ang mga kemikal na ito ay mayroong epekto rin sa pagkakaroon ng sakit sa kalamnan. Ito ang pinaka rason bakit karaniwang sintomas ang sakit sa kalamnan tuwing mayroong trangkaso o kahit na anong sakit.
Bakit nagkakaroon ng lagnat kung mayroong trangkaso?
Maliban sa sakit sa kalamnan, isa pang sintomas ay lagnat.
At tulad ng sakit sa katawan, ang lagnat ay hindi direktang sanhi ng virus na umiimpeksyon sa iyong katawan. Ito ay bahagi ng immune response na mayroon ang iyong katawan na makakatulong na tanggalin at puksain ang mikrobyo.
Ang nangyayari habang ikaw ay nilalagnat ay nagpapadala ang iyong katawan ng senyales upang pataasin ang temperatura ng katawan. Maaaring makatulong ito na patayin ang kahit na anong impeksyon na mayroon ka, dahil ang ibang uri ng viruses at bacteria ay namamatay sa mataas na temperatura.
Gayunpaman, ang lagnat ay maaaring magkaroon ng hindi sinasadyang epekto na pagkakaroon ng masamang pakiramdam. At dagdagan pa ng sintomas ng intrangkasoenza tulad ng sakit sa katawan, ubo at sipon. Ang pagkakaroon ng sakit ay maaaring magpasama ng iyong pakiramdam.
Maaari ka bang magkaroon ng sakit ng katawan nang walang lagnat?
Isa pang tanong na mayroon ang mga tao tungkol sa sintomas ng trangkaso ay kung posible ba sa isang tao na mayroon nito na makaranas ng limitadong sintomas. Halimabawa, posible ba sa isang tao na magkaroon ng sakit sa katawan ngunit walang lagnat?
Ito ay bihirang pangyayari, ngunit posible. Karaniwan itong nangyayari sa hindi gaanong kalalang kaso ng trangkaso. Ito ay kung saan ang katawan ay hindi na kailangan pang pataasin ang temperatura. Gayunpaman, posible rin para sa iyo na maranasan ang ibang mga sintomas tulad ng panginginig, pagpapawis, at sakit ng katawan.
Kailan dapat magpatingin sa doktor?
Kung ang iyong sintomas ay tumagal nang mas matagal na panahon, o kung ang mga sintomas ay malala, mainam na agarang magpatingin sa doktor. Para sa karamihan, maaari kang maka-recover sa trangkaso nang walang kahit na anong gamot, ngunit ang mga taong may mahinang resistensya ay maaaring mas maging suseptibo sa trangkaso.
Ano ang maaari mong gawin dito?
Habang nilalabanan ng iyong katawan ang trangkaso, mayroong ilang mga bagay na maaari mong gawin upang makatulong na lunasan ang mga sintomas ng sakit ng katawan sa trangkaso at mataas na lagnat:
Magpahinga
Kung ikaw ay may sakit, mahalaga na magkaroon ng sapat na pahinga. Ibig sabihin nito na huwag gumawa ng mga mabibigat na pisikal na gawain, at siguraduhin na magkaroon ng nasa 8 oras na tuloy-tuloy na tulog sa gabi.
Uminom ng maraming tubig
Nakakatulong din ang tubig sa pagpapagaling mula sa trangkaso. Ang pag-inom ng tubig at sariwang fruit juice ay maaaring makatulong upang manatiling hydrated. Makatutulong din ito na manatili kang cool na mahalagang bagay kung ikaw ay may trangkaso.
Makatutulong ang gamot sa trangkaso
Maaaring maging sanhi ng trangkaso ang pakiramdam na hindi komportable. Ito ang dahilan sa ibang mga kaso, mainam na uminom ng gamot upang makatulong na mawala ang mga sintomas ng trangkaso.
Maaari din itong makatulong na makatulog nang mas maayos sa gabi, dahil ang pagkakaroon ng trangkaso ay maaaring magpahirap sa iyo na magpahinga.
Kumain ng masustansyang pagkain
Mahalaga rin na kumain ng masustansyang pagkain habang may sakit. Ito ay nakatutulong na magpagaling, at manatili ang iyong enerhiya na mataas habang ang katawan ay nilalabanan ang impeksyon.
Ang pagkain ng mga pagkain tulad ng chicken soup ay maaari ding makatulong upang bumuti ang pakiramdam, at maaaring mas madali na harapin ang mga sintomas.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.