Ang flu ay isang kondisyon kung saan umaatake ang virus sa mga baga, lalamunan, at ilong. Ang mga sintomas nito ay kabilang ang lagnat, chills, sakit sa muscles, congestion, ubo, at sipon. Bagaman ang flu ay mukhang karaniwang sipon, mayroong ilang pagkakaiba na dapat tandaan sa pagitan ng dalawang ito. Isa sa pinakamalaking pagkakaiba ay walang bakuna sa karaniwang sipon, ngunit ang pagpapabakuna ng flu shot ay maaari. Gayunpaman, mahalaga na maging malay tungkol sa tiyak na maling paniniwala sa flu vaccine, at kung sino ang maaaring makatanggap nito.
Ano ang seasonal flu?
Gaya ng pangalan nito, ito ay isang viral respiratory infection na mas dumarami sa mga tiyak na panahon at dahil sa tiyak na mga kondisyon.
Ang isang tao ay mas maaaring magkaroon ng flu sa mataong mga lugar kung mayroong impeksyon doon. Ang flu o influenza ay mas nakahahawa dahil ang viruses ay malayo at mabilis na kumalat. Pinakamainam na matanggal ang viruses sa pagsasagawa ng maayos na paghuhugas ng kamay.
Ang mga taong pinaka maaaring magkaroon ng flu ay ang matatanda, at ang immunocompromised at dapat na mas maging maingat ang mga sumusunod:
- Paaralan at mga kolehiyong mag-aaral
- Mga taong sumasakay sa pampublikong sasakyan
- Staffers at call center agents
- Hotel management staff
Maliban sa mga nabanggit, kahit na sino na madalas na exposed sa maraming mga tao o bumibisita sa lugar na maraming tao nang regular ay may banta na magkaroon ng flu.
Gayundin, ang pagkakaroon ng flu shot ang pinaka ligtas at pinakamahalagang hakbang na dapat gawin.
Pagkakaiba sa pagitan ng karaniwang sipon at flu
Bagaman ang parehong karaniwang sipon at flu ay mahalagang respiratory diseases, ang pinaka pagkakaiba sa pagitan ng dalawang ito ay ang katotohanan na ang mga ito ay sanhi ng magkaibang sets ng viruses.
Ang karaniwang sipon ay maaaring sanhi ng higit sa 200 varieties ng viruses.
Isa pang basic na pagkakaiba sa pagitan ng dalawa ay ang karaniwang sipon ay milder na version ng flu, bagaman ang dalawa ay mayroong parehong mga sintomas tulad ng lagnat, chills, sipon, at iba pa. Gayunpaman, ang mga sintomas ay mas intense sa kaso ng flu.
Maling Paniniwala sa Flu Vaccine debunked
Sa kabila ng katotohanan ay mayroong maling paniniwala, ang flu ay hindi bukod dito, tulad ng ibang mga sakit.
Maraming mga maling paniniwala sa flu vaccine.
Dito, susubukan natin na pasubalian ang mga maling paniniwala sa flu vaccine para sa iyo.
1. Maling Paniniwala sa Flu Vaccine: Ito ay naglalaman ng nakasasamang sangkap
Ang pinaka karaniwang maling paniniwala sa flu vaccine ay naglalaman daw ito ng nakasasamang sangkap.
Katotohanan:
Ang flu shot ay may dalawang sangkap: formaldehyde na ginagamit upang hindi maging aktibo ang virus at thimerosal na preservative, parehong hindi nakasasama.
2. Maling Paniniwala sa Flu Vaccine: Ang mga buntis ay hindi dapat magpaturok ng flu shot
Isa pang maling paniniwala na talagang nakasasama ay hindi dapat na magpaturok ng flu shot ang mga buntis. Mayroong mga tao na pinalalala ang maling paniniwala sa punto na nakamamatay raw ito sa mga buntis.
Katotohanan: Pasubalian natin ito. Walang kahit katiting na katotohanan ang paniniwala na ito. Sa kahit na anong kaso, ang isang buntis ay maaaring magpaturok ng kahit na anong bakuna o gamot matapos magpakonsulta sa kanyang doktor. Sa ibang mga kaso, hindi magpapayo ang doktor sa hindi pagpapaturok ng flu shots.
3. Maling Paniniwala sa Flu Vaccine: Ang flu shots ay maaaring maging sanhi ng flu
Isa sa pinaka kakaibang maling paniniwala sa flu shots ay ito ay maaaring maging sanhi ng flu. Ang maling paniniwala na ito ay mula sa katotohanan na ang bakuna ay na-develop sa paggamit ng dead flu virus, at ito ay misconception.
Katotohanan: Ang virus, sa kasong ito ay ginawa sa isang lab at matapos ito ay na-deactivate upang gamitin bilang bakuna. Pakiusap na tandaan na ang inactivated o patay na virus ay walang potensyal na epektong masama sa iyong kalusugan. Sa katunayan, mas mapalalakas nito ang iyong immune system upang labanan ang flu.
4. Maling Paniniwala sa Flu Vaccine: Hindi mo kailangan ng isa kada taon
Isa pang mapanganib na maling paniniwala ay hindi mo kailangan na magpabakuna ng isang beses kada taon. Ito ay partikular na mapanganib para sabihin na ang flu shot ay isang beses lamang na bakuna sa buong buhay; kung nabakunahan na, ayos na iyon para sa buong buhay.
Katotohanan: Hindi ito ang kaso. Ang bakuna sa flu ay patuloy na nag u-update dahil sa panahon, na sakop na ang marami pang viruses o mas nagiging epektibo at potent sa bawat updated na bersyon.
Gayundin, ang flu shots ay iba-iba mula sa isang season at sa iba pa. Kung ang epektibo noong nakaraang taon ay maaaring hindi na epektibo ngayong taon, Kaya’t kailangan na kumuha pa ng panibagong bakuna.
5. Maling Paniniwala sa Flu Vaccine
Ang ilang mga tao ay nag-advance na sa potensyal na problematikong maling paniniwala na hindi na kailangan ng isang tao ang flu shot dahil siya ay hindi naman nagkaroon ng flu.
Katotohanan: Kung gayon, ito ay tulad lamang ng pagsasabi na hindi ka naman nakaranas ng aksidente sa kotse, hindi mo na kailangan ng car insurance. Ang hinaharap ay hindi matutukoy gayundin ang flu. Kaya’t mainam na magpaturok ng flu vaccine, kung papayuhan din ng doktor.
6. Maling Paniniwala sa Flu Vaccine: Ang flu ay hindi nakamamatay
Isa pang mapanganib na maling paniniwala ay nagsasabing ang flu ay hindi nakamamatay.
Katotohanan: Bagaman ito ay madalas na totoo, hindi na rin ito karaniwan dahil sa flu shots. Ilang daang taon ang nakalipas maraming mga taong namatay dahil walang kahit na anong bakuna. Pandemya pa noon.
Nakaiiwas sa mga ganitong sitwasyon ang flu shots. Kung hindi ka magpapabakuna nito, ang iyong flu ay maaaring maging malalang respiratory disease na maaaring maging sanhi ng pagkamatay sa ilang mga kaso. Madalang lamang ito ngunit posible.
7. Maling Paniniwala sa Flu Vaccine: Ang flu shots ay maaaring maging sanhi ng seryosong side effects
Ang bakuna sa flu ay maaaring humantong sa side effects na hindi masyadong seryoso. Ito ay maling paniniwala.
Katotohanan: Mayroong mga side effects, oo, ngunit ang mga ito ay labis na madalang. Ang pinaka side effect ay ang Guillain-Barre Syndrome. Ito ay kondisyon kung saan ang mga muscle ay nagiging mahina, na kalaunan ay humahantong sa paralysis. Gayunpaman, maaari lamang itong mangyari sa isa sa milyong mga kaso.
8. Maling Paniniwala sa Flu Vaccine: Kung mayroon ka nang flu shot, immune ka na sa buong buhay
Ang ilang mga tao ay nagsasabi na ang pagkakaroon ng flu shot ay makasisigurong hindi ka na magkakaroon ng flu kahit kailan. Ito rin ay maling paniniwala.
Katotohanan: Ang flu virus ay nagpapabago ng bisa nito kada panahon at pagkakataon. Gayundin, ang isang flu shot ay hindi nakasisigurong ligtas na laban sa viruses. Kung nagkaroon ng flu na sanhi ng isa pang uri ng virus, ang nakaraan mong bakuna ay hindi makatutulong sa iyo laban dito.
Gayundin, para sa parehong virus, maraming mga pagbabago at maging ang bakuna ay kailangan na ulitin sa regular na intervals. Ito rin ang rason bakit ang pagpapabakuna ng flu periodically ay labis na inirerekomenda ng mga doktor. Karagdagan, posible rin na maaari kang magka-flu kahit na nagpaturok ka na ng shot nito.
Kaya’t mainam na konsultahin ang iyong doktor tungkol sa iyong banta sa kalusugan at mga kinakailangan sa flu shot at sundin ang medikal na payo.
Mahalagang Tandaan tungkol sa Maling Paniniwala sa Bakuna sa Flu
Ang mga maling paniniwala tungkol sa bakuna sa flu ay kalat at kailangan na pasubalian. Bagaman marami ang ikinokonsidera ang influenza bilang minor na sakit, ang pagsasantabi nito ay maaaring humantong sa hospitalization at ilang mga seryosong epekto, maging ang pagkamatay sa mga madalang na kaso. Bagaman hindi ito permanenteng bakuna at ito ay periodic, kinakailangan ang flu shots sa malusog na lifestyle.
May alam ka pa bang ibang mga kakaibang paniniwala tungkol sa flu shots? Ipaalam ito sa amin sa pamamagitan ng pagkomento.
Matuto pa tungkol sa pagpapanitili ng kalusugan sa respiratory dito.