Ang pag-ubo ay natural na paraan ng katawan ng pagtatanggal ng irritants sa baga. Ngunit dapat ba mag-alala sa dry cough? Kailangan ito masasabing mapanganib?
Upang masagot ito nang tama, makatutulong kung aalamin natin kung ano ba talaga ang cough o ubo.
Kadalasang nagkakaroon ng ubo o cough kasabay ng iba pang sintomas, gaya ng sipon at pananakit ng ulo, kapag nakararanas tayo ng flu (influenza).
Ang iba’t-ibang uri ng ubo ay makatutulong magsabi kung ito ba ay sanhi ng iba pang kondisyon na kailangang gamutin muna bago mauwi sa mas seryosong kondisyon.
Nagsisimula ang ubo kapag ang isang kakaiba o mapaminsalang bagay ay pumasok sa ilong o lalamunan. Kapag nagdulot ito ng iritasyon sa lalamunan o sa daluyan ng hangin, nagpapadala ang utak ng signal sa mga kalamnan na nasa dibdib at tiyan na gumalaw. Ito ang nagdudulot ng pag-ubo.
Nakatutulong ang pag-ubo upang maprotektahan ang katawan laban sa mga impeksyong dulot ng irritants gaya ng usok, allergens, mold, at pollen.
Mahahati sa dalawa ang pangunahing uri ng ubo. Ito ang productive (wet) cough, at non-productive (dry) cough.
Wet Cough (Productive Cough)
Ang wet cough o productive cough ay kadalasang may kasamang plema. Nangyayari ito matapos ng karaniwang sipon o flu.
Malalaman mo na ito ay wet cough kapag nais mong matanggal ang plema na nasa lalamunan mo.
Ito ang pakiramdam dahil ang wet cough ay sanhi ng sobrang mucus na tumutulo sa likod ng lalamunan. Kilala ito sa tawag na “postnasal drip”. Karaniwan itong sinasabayan ng baradong ilong.
Dry, Tickling Cough (Non-Productive Cough)
Kilala rin ito sa tawag na “non productive cough” dahil wala itong nagagawang plema. Madalas mangyari ang dry cough kapag gusto lamang tanggalin ng iyong katawan ang iyong mga nalalanghap.
Kapag may dry cough ka, ang madalas na pakiramdam ay parang may kiliti o makati sa iyong lalamunan, na nagdudulot ng di mapigilang ubo o coughing reflex. Ang dry cough ay resulta ng iritasyon sa daluyan ng hangin at hindi dahil sa sobrang plema, kaya tinatawag itong “dry”.
Karaniwan mong makikita ang pagkakaiba ng dry cough sa wet cough kung may plema ito o wala. Gayunpaman, tila tunog namamalat o parang tumatahol ang dry cough. Puwede magkaroon ng pakiramdam na di maibsan ang ubo, dahil wala itong nailalabas na mucus matapos umubo.
Bagaman karaniwang walang dapat ipag-alala pagdating sa dry cough, ang tuloy-tuloy na pagkakaroon nito ay maaaring senyales ng mas malalang kundisyon o problema na kailangang gamutin. Ang mild dry cough naman ay kadalasang puwedeng gamutin ng mga gamot na walang reseta.
Magbasa pa upang malaman ang tungkol sa dry cough, at upang masagot ang tanong na “dapat ba mag-alala sa dry cough?”
[embed-health-tool-bmi]
[embed-health-tool-bmr]
[embed-health-tool-heart-rate]
Ano ang Sanhi ng Dry Cough?
Gaya rin ng pagbahing o ng biglaang lagnat, ang ubo ay senyales na sinusubukan ng katawang tanggalin ang mapaminsalang bagay sa sistema ng iyong katawan. Madalas na nagpupunta ang mga tao sa doktor upang malaman ang gamot para dito. Dapat ba mag-alala sa dry cough? Dahil napakakaraniwan ng dry cough, hindi ito dapat ipag-alala. Ang dry cough ay kadalasang sintomas lamang ng isa pang kondisyon. Minsan, puwede ring ang dry cough ay side effect ng gamutan, tulad ng ACE inhibitors o mga gamot na ginagamit para sa altapresyon.
Mahalagang tandaan na sa sitwasyong mayroon tayo ngayon, ang dry cough ay puwedeng isa sa mga sintomas ng Coronavirus disease (COVID-19), kaya dapat mag-ingat at maging mapagmatiyag.
Kung isa kang health care professional, bumiyahe kamakailan, o nakatira sa lugar kung saan laganap ang COVID-19, isa kang taong mas mataas ang chansang mahawaan ng virus. Kung may dry cough ka, mayroong COVID-19 self-checker sa Center for Disease Control and Prevention website.
May iba pang sakit o kondisyon na puwedeng maging sanhi ng dry cough, tulad ng:
1. Asthma
Ayon sa World Health Organization, 235 milyong tao sa buong mundo ang may asthma.
Nangyayari ang pag-atake ng asthma kapag ang daluyan ng hangin ay namaga. Ito ang humaharang sa pagdaan ng hangin. Ang ubong may kaugnayan sa asthma ay puwedeng productive o non-productive.
Gayunpaman, para sa karamihan ng mga taong may asthma, kadalasang dry o non-productive ang ubo.
2. Gastroesophageal reflux Disease (GERD)
Ang Gastroesophageal Reflux Disease (GERD) ay isang mas seryoso at tumatagal na anyo ng acid reflux na maaaring lumala.
Nangyayari ang GERD kapag ang laman ng iyong tiyan ay umakyat pabalik sa daluyan ng pagkain. Ito ang nagdudulot ng pakiramdam na may sakit sa dibdib. Kadalasang nakakairita ang acid sa lalamunan, na nagdudulot ng dry cough.
3. Viral Infection
Ang sipon o ang flu ay kadalasang may kasamang sintomas tulad ng pananakit ng lalamunan o baradong ilong. Madalas na nangyayari ang dry cough matapos bumuti ang iyong pakiramdam mula sa mga sintomas dahil sa sensitivity ng daluyan ng hangin matapos ng impeksyon.
Ano ang Puwede Kong Gawin Upang Mabawasan ang Dry Cough?
[embed-health-tool-due-date]
[embed-health-tool-ovulation]
[embed-health-tool-pregnancy-weight-gain]
[embed-health-tool-vaccination-tool]
Kadalasan, hindi nangangailangan ng seryosong gamutan ang dry cough at humuhupa rin kapag wala nang gaanong iritasyon sa daluyan ng hangin. Kung nagdudulot ng kawalan ng kaginhawaan ang dry cough, may ilang madadaling hakbang upang malunasan ito.
- Ang throat lozenges ay available sa mga botika at convenience store. Karamihan sa mga lozenges sa pamilihan ay maraming flavor at ang iba sa kanila ay may cooling o warming effects.
- Nakatutulong ang pag-inom ng maligamgam na inumin tulad ng tsaa o isang basong tubig na may honey upang guminhawa mula sa iritasyon sa lalamunan. Isa itong masarap at natural na alternatibo para sa gamot. Maganda ring panggamot sa dry cough ng bata ang honey. Ngunit tandaang huwag magbibigay ng honey sa mga batang wala pang isang taon.
- Subukang uminom ng tsaa na may luya, o gumawa ng sariling tsaang gawa sa luya sa pamamagitan ng pagbabad ng ugat ng luya sa mainit na tubig sa loob ng ilang minuto. Patamisin ang tsaang gawa sa luya gamit ang honey, na maaaring makatulong sa pag-impis ng pamamaga at makadagdag ginhawa.
- Ang simpleng pagmumog ng asin ay nakatutulong sa iritableng lalamunan at dry cough. Tunawin ang 1 kutsaritang asin sa isang basong maligamgam na tubig at imumog ito sa loob ng ilang minuto. Isa itong homemade saline solution na hindi matapang, at nakakatulong panlaban ng impeksyon para sa ilang kondisyon.
- Bumili ng air purifier. Makatutulong itong malinis ang hangin sa loob ng bahay mula sa anumang alikabok, usok, o irritants. Magugulat ka sa epekto ng malinis na hangin sa iyong pangkalahatang kalusugan.
Key Takeaways
Dapat ba mag-alala sa dry cough? Ang dry cough ay puwedeng simpleng reaksyon ng iyong katawan sa iyong mga nalalanghap. Gayunpaman, kung magtuloy-tuloy ang iyong dry cough at sinasabayan pa ng hindi karaniwang mga sintomas gaya ng panghihina ng katawan, kawalan ng ganang kumain o lagnat, pinakamainam na kumonsulta na sa doktor.
Matuto ng higit pa tungkol sa Respiratory health dito.