Paano nakakaapekto ang pagtanda sa ating lung capacity? Ang average kung ano ang lung capacity ayon sa edad ay nagbabago sa paglipas ng panahon. Sa edad na 20-25 ang mga baga mo ay ganap na mature na. Kapag umabot ka na sa edad na 35, magsisimula kang makaranas ng unti-unting paghina sa function ng baga. Habang tumatanda ka, mas nahihirapan kang huminga.
Ang lung capacity mo ay maaaring bumaba dahil sa ilang mga natural na pagbabago sa iyong katawan. Halimbawa, ang diaphragm ay maaaring humina sa pagtanda. Habang tumatanda ang iyong mga baga, ang tissue na nagpapanatiling bukas sa mga daanan ng hangin ay maaaring mawala ang elasticity, na nagpapaliit sa mga daanan ng hangin mo. Maaari ring mawala ang espasyo na kailangan ng iyong mga baga para mag-expand kapag lumiliit ang ribs.
Lung Capacity
Ang total lung capacity, kilala rin na TLC, ay ang dami ng hangin na maaaring mailagay sa mga baga. Ang mga adults na may malusog na lungs ay may kapasidad na humigit-kumulang 6 na litro. Mula sa kapanganakan, mabilis na tumataas kung ano ang lung capacity ng isang tao. Ito ay sa pamamagitan ng adolescence, at plateaus humigit kumulang sa edad na 25. Ang lung capacity ay nagsisimulang manghina sa edad na 35. Ito ay maaaring magpahirap sa paghinga sa paglipas ng panahon.
Kung ano ang lung capacity ng isang tao ayon sa edad ay apektado ng kasarian, komposisyon ng katawan, at etnisidad. Halimbawa, kumpara sa mga babae, ang mga lalaki ay may posibilidad na magkaroon ng mas maraming TLC. Bukod pa rito, ang mas matatangkad na indibidwal ay may posibilidad na magkaroon ng mas mataas na TLC kaysa sa mas maliliit na indibidwal.
Ang mga impeksyon at ilang mga sakit (tulad ng bronchitis at asthma) ay maaaring makaapekto sa average lung capacity. May iba pang mga kondisyon na maaaring makaapekto sa average lung capacity:
- Pagiging overweight
- Pagkakapilat sa tissues ng baga, kahinaan ng muscles
- Scleroderma
Pagtanda at ang mga Epekto Nito sa Baga
Ang mga pagbabago sa katawan ay maaaring makaapekto sa average lung capacity. Habang ang mga pagbabagong ito ay karaniwang nangyayari dahil sa pagtanda, mahalagang tandaan na magkakaiba ang bawat indibidwal. Ang mga pagbabagong dulot ng pagtanda ay maaaring magkaroon o walang makabuluhang epekto, depende sa chronic illnesses, sakit, at marami pang ibang dahilan. Narito ang ilan sa mga pagbabagong kinakaharap ng isang tao habang siya ay tumatanda:
Pagbabagong Pisikal
Ang average lung capacity ayon sa edad ay bumababa dahil sa physiological changes. Ang mga buto ng isang tao ay nagbabago ng hugis at nagiging payat habang siya ay tumatanda. Sa malalang kaso, mababawasan nito ang oxygen levels sa katawan at tataas ang carbon dioxide levels.
Kapag masyadong marami ang carbon dioxide sa katawan, mauuwi ito sa mga sintomas tulad ng fatigue at pagkahapo.
Sa pangkalahatan, habang tumatanda ang isang tao, ang muscles at tissues sa paligid ng airway structures ay humihina. Sa mga bihirang kaso, maaari itong maging sanhi ng masyadong mabilis na pagsasara ng airways.
Bilang karagdagan, ang maliliit na air sac na nagpapalitan ng oxygen at carbon dioxide sa loob ng mga baga (alveoli) ay nagiging distorted at hindi na gumana nang maayos sa pinakamasamang kaso. Kapag nangyari ito, ang mga baga ay hindi na epektibong makakapagpalit ng oxygen at carbon dioxide.
Mga Pagbabago sa Nervous System
Kung ano ang lung capacity ng isang tao ayon sa edad ay bumababa dahil ang ilang bahagi ng utak na kumokontrol sa paghinga ay hindi magiging kasing epektibo ng dati. Maaaring magresulta ito sa kakulangan ng oxygen na umaabot sa mga baga. Maaaring hindi rin makapaglabas ng sapat na carbon dioxide ang mga baga. Sa ganitong mga kaso, ang isang tao ay nakakaranas ng kahirapan sa paghinga, at pagkapagod.
Habang tumatanda ka, nagiging hindi gaanong sensitibo ang mga daanan ng hangin sa mga nagti- trigger. Ito ay nagpapahirap sa pag-ubo ng anumang mikrobyo, usok, o mga particle sa baga. Dahil dito, naiipon ang mga particle at maging ang bacteria ay maaaring naninirahan sa baga.
Mga Pagbabago sa Immune System
Apektado rin ng lung capacity ang immune system habang tumatanda. Maaaring maging mas madali kang kapitan ng impeksyon. Bilang resulta, mas mahihirapan ang katawan mo na labanan ang mga bakteria at mga virus na maaaring magdulot ng impeksyon sa baga at iba pang mga sakit.
Bukod pa rito, ang mga baga mo ay mahihirapang makabawi mula sa anumang lung infection o sakit.
Ano ang Lung Capacity: Panatilihing Malusog ang Iyong Baga
Hindi maiiwasan ang pagtanda ng iyong baga, pero may mga bagay na pwedeng gawin para mabawasan ang mga epekto nito at mapanatili ang mahusay na average lung capacity. Ang pinakasimpleng paraan para gawin ito ay protektahan ang iyong mga baga. Mapoprotektahan mo ang iyong mga baga sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tip na ito:
Huwag Manigarilyo
Ang paninigarilyo ay nakakapinsala sa tissue ng baga, na pumipigil sa kanila sa paggana ng maayos. Bukod sa mga sakit sa baga, ang paninigarilyo ay maaari ding maging sanhi ng lung cancer.
Regular na Mag-ehersisyo
Ang pagpapanatili ng malakas na muscles sa dibdib ay nangangailangan ng regular na ehersisyo. Tumataas ang daloy ng dugo sa iyong mga baga habang nag-eehersisyo, kaya nakakakuha ka ng mas maraming oxygen sa pamamagitan ng iyong mga baga.
Panatilihin ang Healthy Weight
Ang taba sa tiyan ay maaaring pumigil sa diaphragm mula sa ganap na pag-expand ng mga baga. Nagreresulta ito sa kahirapan sa paghinga. Sa pagpapanatili ng malusog na timbang, nananatili na malusog ang mga baga at pinipigilan ang pagkakaroon ng iba pang kondisyon tulad ng hypertension at diabetes.
Lumanghap ng Sariwang Hangin
Maaaring masira ng mga pollutant ang mga baga mo. Ang kombinasyon ng secondhand smoke, polusyon sa hangin sa labas, mga kemikal sa ating mga tahanan at mga lugar ng trabaho ay maaaring magdulot o magpalala pa ng sakit sa baga.
Huwag Masyadong Magtagal sa Paghiga
Maaaring mamuo sa iyong mga baga ang mucus at fluid bilang resulta ng masyadong matagal na paghiga sa kama.
Magkaroon ng Annual Checkup
Ang pag-iwas sa anumang sakit ay nagsisimula sa regular na pagbisita sa iyong doktor. Ito ay kahit na pakiramdam mo ay malusog ka. Ang malubhang problema sa baga ay maaaring hindi matukoy nang maraming taon, kaya pinakamahusay na bisitahin ang iyong doktor nang hindi bababa sa isang beses sa isang taon. Para makatiyak na hindi ka nagkakaroon ng anumang mga sakit sa baga.
Magpa-bakuna
Magkaroon ng taunang bakuna sa trangkaso. Tanungin din ang iyong doktor kung maaari kang mabakunahan para sa iba pang mga virus na maaaring magkaroon ng nakakapinsalang epekto sa iyong respiratory system.
[embed-health-tool-bmi]