backup og meta

Paano Makakaiwas sa Hika Kapag Nag-ehersisyo?

Paano Makakaiwas sa Hika Kapag Nag-ehersisyo?

Bagaman ang pag-eehersisyo ay nagbibigay ng maraming pangkalahatang benepisyo sa kalusugan, alam niyo ba na maaari din itong magdulot ng hika? Oo, ang pag-ehersisyo ay maaaring maging dahilan ng hika. Kaya’t paano mo malalaman na ang iyong workout ay nagiging sanhi ng paghingal? Paano mo malalaman ang mga sintomas ng hika habang nag-eehersisyo?

Ano ang hika habang nag-ehersisyo?

Bagaman napag-usapan na natin ito, upang malaman ang mga sintomas at karagdagan pa, unawain muna natin ano ang hika habang nag-eehersisyo. Isa itong uri ng hika kung saan ang pag-eehersisyo ay ang dahilan ng atake.

Nagiging sanhi nito ang tipikal na sintomas ng hika tulad ng kakapusan ng hininga, ubo, paghihingal, at iba pa. Ang isang malaking bagay na nangyayari habang may hika dulot ng ehersisyo ay ang pagsikip ng daanan ng hangin, na tinatawag na bronchoconstriction.

Gayunpaman, maganda kung maipagpapatuloy mo pa rin ang ehersisyo kahit na may hika na dulot ng pag-ehersisyo. Kailangan mo lamang na maging maingat at magsagawa ng routine na sistema sa gamutan sa tulong ng iyong doktor.

Alamin ang mga sintomas

Ang mga sintomas ng ehersisyo na nagdudulot ng hika ay tulad ng normal na hika. Ang isang pagkakaiba lamang ay habang mayroong iba’t ibang magiging dahilan ng atake ng hika, sa uri na ito, ang ehersisyo, at pisikal na gawain ay ang pinaka nagiging dahilan.

Ilan sa mga sintomas ng hika habang nag-ehersisyo ay:

  • Wheezing
  • Ubo
  • Pagsikip ng dibdib
  • Sakit sa dibdib
  • Pagbaba ng gawi sa pisikal na aspekto
  • Fatigue dulot ng ehersisyo
  • Kakapusan sa paghinga
  • Sakit sa lalamunan o pagkahilo
  • Pinapalala ng panahon ang iyong kondisyon

Ang karagdagang katangian sa mga bata ay ang biglaang hindi pagnanais o ayaw ng mga pisikal na gawain. Kailangan na ito ang maging warning bells sa iyo.

Lahat ng mga nasa itaas na sintomas ay maaaring makita matapos ang pag-ehersisyo.

Maliban sa mga sintomas, mayroon ding ilang mga magiging dahilan, na tiyak lamang sa hika habang nag-ehersisyo na dapat maging malay. Ang mga ito ay:

  • Malamig o tuyo na hangin
  • Polusyon sa hangin
  • Chlorine sa swimming pool
  • Ehersisyo na kabilang ang malalim na paghinga, tulad ng sa swimming o malayuang race

Sa karamihan ng mga kaso, isa o mas marami pa sa mga sintomas na ito ay nagsisimulang magpakita sa loob ng lima hanggang 20 minuto ng pag-ehersisyo. Kung nagpatuloy ang sintomas sa iyong sessions, kailangan na konsultahin ang iyong doktor.

Gayunpaman, maaari din itong maging seryosong kahalintulad ng atake sa puso. Sa parehong kaso, mahalaga na alamin ang reg flags at konsultahin ang iyong doktor bago pa lumala.

Ano ang dapat gawin kung ikaw ay may hika na dulot ng ehersisyo

Sa simula, konsultahin ang iyong doktor, gaya ng nabanggit. Kahit na hindi pa nagsasagawa ng diagnosis ang doktor, mainam na malaman kung ikaw ay may hika, lalo na kung nagpapakita ka ng mga ganitong sintomas.

Magsasagawa ang doktor ng workout plan kabilang ang mga gamot at lifestyle routine, na posible para sa mga pasyenteng may hika na magkaroon ng normal na buhay na may workout.

Ito ay karaniwang kabilang ang paggamit ng inhaler bago ang pag-eehersisyo, gaya ng reseta at payo ng doktor. Ito ay makakatulong na mapanatili ang iyong pangangatawan at mabawasan ang tsansa ng pagkakaroon ng hika habang nag-ehersisyo.

Tatlong uri ng gamot

Mayroong tatlong uri ng gamot na karaniwang nairereseta para sa hika.

  • Cromolyn sodium dosage, ito ay karaniwang inirerekomenda na inumin 15-20 minuto bago ang simula ng ehersisyo. Ito ay mas preventive measure at hindi aktuwal na gamot kung magsimula na magpakita ang sintomas.
  • Ang long-acting bronchodilator ay ipinapayo na ikonsumo ng 1-2 oras bago ang pagsisimula ng ehersisyo at kinokontrol nito ang sintomas ng hika habang nag-ehersisyo sa loob ng 12 oras. Muli, ito ay relief at pag-iwas at hindi aktuwal na gamot.
  • Short-acting bronchodilators, ito ay maaaring ikonsumo 10-15 minuto bago ang ehersisyo. Hindi tulad ng long-acting na counterpart nito, ito ay nagkokontrol ng sintomas hanggang 4 na oras. Gayunpaman, ito ay nakagagamot at nakapagre-reverse ng sintomas ng hika.

Maliban sa mga ito, maaari kang magsagawa ng mga tiyak na hakbang bilang paghahanda. Halimbawa, maaari kang gumamit ng masks o scarves na magpoprotekta sa iyo mula sa allergens at irritants.

Maaari ka ring magsagawa ng maayos na warm-up bago gawin ang kabuuang ehersisyo. Nakasisiguro ito na ang iyong katawan ay magiging handa sa gagawin at hindi mabibigla, na dahilan upang maiwasan ang pagsisimula ng hika. Gayundin, isulat at irekord ang estado ng iyong naga at paghinga, bago at matapos ang ehersisyo.

Sa paggawa nito, mas madali na lamang na matukoy ang mga sintomas ng hika, at i-diagnose at ma-manage kinalaunan.

Sports: Oo o Hindi?

Sa kabutihang palad, oo! Ang ehersisyo na nagdudulot ng hika sa mga pasyente ay maaaring magsagawa ng sports at ehersisyo kung gagawin nila ang mga pag-iingat kaugnay ng kanilang lifestyle at routine na isinagawa ng kanilang doktor.

Gayunpaman, ipapayo na iwasan ang sports na nilalaro sa hindi magandang kondisyon ng panahon, tulad ng ice, hockey, snowboarding, at iba pa. Gayunpaman, ang mga sports na nangangailangan ng short bursts ng paghinga ay inirerekomenda dahil hindi ito nagtri-trigger ng hika. Kabilang dito ang mga sports tulad ng cricket, volleyball, leisure biking, maging ang swimming sa mainit na lugar.

Maaaring mag-enjoy sa pagiging sportsperson, atleta, o sa ehersisyo kahit na mayroong hika na dulot ng ehersisyo. Kailangan lamang nilang maging maingat at ang kanilang asthma ay mama-manage ng maayos. Kung nasusunod nila ang mga sinasabi ng doktor, maaari silang maglaro ng sports at mag-ehersisyo. Gayunpaman, ang labis sa kahit na anong bagay ay hindi mainam sa kalusugan at kailangan itong tandaan.

Mayroon ka bang action plan para sa hika habang nag-ehersisyo? Paano mo ito isinasagawa? Ibahagi ito bilang komento. Naniniwala ang aming komunidad sa pagbabahagi at pagpapakalat ng kaalaman, at mainam na maidagdag ang iyong kaalaman.

Matuto pa tungkol sa asthma management tips dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Exercise-induced asthma/https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/exercise-induced-asthma/symptoms-causes/syc-20372300/Accessed on 17/04/2020

Exercise-Induced Bronchoconstriction (EIB)/https://acaai.org/asthma/types-asthma/exercise-induced-bronchoconstriction-eib/Accessed on 17/04/2020

ASTHMA AND EXERCISE/https://www.aaaai.org/conditions-and-treatments/library/asthma-library/asthma-and-exercise/Accessed on 17/04/2020

What is exercise induced asthma/https://www.aafa.org/exercise-induced-asthma/Accessed on 17/04/2020

Exercise-induced asthma

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/4174-exercise-induced-asthma Accessed September 27, 2021

 

Kasalukuyang Version

09/03/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Nawawala At Bumabalik Ba Ang Asthma? Bakit Ito Nangyayari?

Bawal Kainin Ng May Hika: Ano-ano Ito?


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement