Malamang sa malamang, narinig mo na dati ang mga anekdota na ganito: “May asthma ako noong bata ako. Pero ngayong matanda na ako, hindi na ako inaatake ng asthma. Sa tingin ko, magaling na ako.” Narinig nating lahat ang mga kuwento tulad nito, ngunit posible ba talaga ito? May mga paraan ba kung paano gamutin ang asthma? Maaari mo bang malampasan ang hika? Bagaman pamilyar ang mga kaso tulad nito, hindi pa rin maliwanag ang siyensya tungkol dito. Ang asthma ay isang lifelong chronic condition na walang lunas; gayunpaman, hindi ito gaanong simple.
Ano Ang Asthma?
Ang asthma ay tumutukoy sa isang kondisyon na nagdudulot ng pamamaga at pagpapaliit ng mga airways sa baga. Bilang resulta ng ilang partikular triggers (karaniwan ay mga allergy, karamdaman, o mga salik sa kapaligiran gaya ng lagay ng panahon), ang mga indibidwal na may hika ay maaaring makaranas ng pag-ubo, wheezing o kahirapan sa paghinga. Ang mga sintomas na ito ay karaniwang tinutukoy bilang asthma attacks, at ang mga ito ay maaaring banayad o malubha.
Katulad ng nabanggit, ang hika ay itinuturing bilang chronic condition, na nangangahulugang habambuhay itong bibitbitn sa pang-araw-araw. Nakakaapekto ito sa mga tao sa lahat ng edad, ngunit madalas na nagsisimula sa panahon ng pagkabata.
Hindi pa rin malinaw kung ano ang eksaktong sanhi ng hika. Ngunit ito ay maaaring sangkot ng isang malakas na immune response sa isang sangkap na pumapasok sa mga baga (karaniwan ay mga allergens). May papel din ang mga gene, kaya kung may taong mayroong hika sa iyong pamilya, mas malaki ang posibilidad na magkaroon ka rin nito.
Paano Gamutin Ang Asthma: Posible Ba Ito?
Sa kasalukuyan ay walang pa rin paraan kung paano gamutin ang asthma.
May tatlong bagay na maaaring mangyari kapag mayroon kang hika:
- Pagkakaroon ng pamamaga sa loob ng daanan ng hangin (o airways)
- Labis na mucus na bumabara sa mga airways
- Paninikip at paghihigpit ng mga muscles sa paligid ng airways
Kahit na wala pang paraan kung paano gamutin ang asthma, ang mga naturang sintomas ay maaarinng mapamahalaan sa pamamagitan ng mga gamot.
Maaari Mo Bang Malampasan Ang Pagkakaroon Ng Asthma?
Kung hindi lubusang nagagamot ang hika, paano naman ang mga kaso ng mga taong nagsasabing “na-outgrow” na nila ang kanilang hika?
Ang isang posibilidad ay hindi talaga sila kailanman ay nagkaroon ng hika. Tinitiyak ng mga doktor na nagsasagawa sila ng tamang diagnosis, ngunit ang isang maling pagsusuri ay nananatiling mababang posibilidad sa mga bihirang kaso.
Posible rin na nakararanas na sila ng makabuluhang pagbawas sa mga sintomas. Ngunit kahit na maaaring wala na silang mga pag-atake, ang pinagbabatayan na pamamaga ay naroon pa rin sa kanilang mga baga. At maaari, sa isang punto sa hinaharap, makaranas sila muli ng mga sintomas. Ipinakita ng isang pag-aaral sa Taiwan ang posibilidad na ang mga Asyano ay makaranas ng second peak ng asthma attacks o mga sintomas sa kanilang 30s.
Maaari Bang Magkaroon Ng Asthma Remission?
Ayon sa isang pagsusuri sa pananaliksik, ang hika ay nasa remission kung lumipas ang 12 buwan nang walang anumang makabuluhang sintomas at walang paggamit ng corticosteroids.
Ang naturang estado ay nangangahulugan lamang na nae-enjoy mo na ang panahon kung saan wala ng pagatake ng hika at hindi ka umaasa sa mga gamot para rito. Subalit, hindi ibig sabihin na tuluyan ka ng gumaling.
Paano I-Kontrol Ang Asthma
Hindi lahat ng asthmatics ay may parehong mga gamot o paraan ng paggamot. Pinakamainam na kumunsulta sa iyong doktor tungkol sa kung anong klaseng paggamot ang maaaring magkaroon ng pinakamahusay na mga resulta para sa iyong kondisyon.
Sa pangkalahatan, ang paggamot para sa hika ay nahahati sa tatlong bahagi: pag-iwas sa mga tiggers, pag-inom ng preventive medicines, at paggamot sa mga asthma attacks kung mangyaring mahirapan ka huminga dahil dito.
1. Iwasan Ang Mga Triggers
Lagi’t laging sinasabi na ang pag-iwas ang pinakamahusay na paraan upang magamot ang isang kondisyon. Para mapigilan ang pag-atake ng asthma, mainam na maiwasan mo ang anumang bagay na maaaring mag-trigger ng iyong hika, ito man ay airborne allergens o polusyon. Maraming mga attacks ang nangyayari sa panahon o pagkatapos ng mga viral infections. Kung kaya, dapat mo ring iwasan ang mga nakahahawang sakit tulad ng sipon o trangkaso. Kumunsulta sa iyong doktor upang makakuha ng mas mahusay na ideya kung ang mga possibleng triggers mo.
2. Uminom Ng Mga Preventive Medicines
Maaaring magreseta ang iyong doktor ng gamot na makatutulong upang maiwasan ang mga pag-atake. Ito ay karaniwang mga steroids na nanggagaling sa isang inhaler. Ngunit, kung ikaw ay nakararanas na ng asthma attack, maaaring hindi na makatulong sa iyo ang mga preventive medicines tulad nito.
Maaaring mahirapan ang mga bata na gumamit ng inhaler at mangailangan sila ng spacer kasabay ng paggamit ng inhaler.
3. Gamutin Ang Mga Asthma Attacks
Kapag nangyari ang pag-atake ng hika, nararapat na ang iyong prayoridad ay nakatuon sa iyong paghinga. Upang matulungan kang huminga habang ikaw ay inaatake, magrereseta ang iyong doktor ng bronchodilator na kasama rin sa isang inhaler.
Ang mga gamot na ito ay kadalasang may mga side effects tulad ng pagtaas ng tibok ng puso o nagiging sanhi ng panginginig. Mahalagang mabawasan ang paggamit ng mga inhaler na ito upang maiwasan ang mga naturang side effects.
Key Takeaways
Walang paraan kung paano gamutin ang asthma. Hindi rin ito maaaring ma-outgrow. Gayunpaman, kung minsan, depende sa kalubhaan ng iyong hika, maaari mong matamasa ang mahabang panahon kung saan wala kang mga sintomas at pag-atake.
May mga paraan upang kontrolin ang hika. Upang gawin ito, mahalagang iwasan ang mga triggers at uminom ng mga gamot na inireseta ng iyong doktor.
Alamin ang iba pa tungkol sa Hika dito.