Karamihan sa mga tao ay kinokonsidera ang asthma bilang onset na sakit na normal na nagkakaroon sa mga bata habang lumalaki. Gayunpaman, ang kaso ng asthma sa matanda ay tumataas. Ang artikulo na ito ay binubuod ang lahat ng dapat mong malaman tungkol dito at paano i-manage ang asthma sa matanda.
Pagtukoy sa Asthma sa Matanda
Taliwas sa kilalang paniniwala, ang asthma ay maaaring umatake sa kahit na anong edad. Ilan sa mga tao ay maaaring magpakita ng senyales sa kanilang early adulthood, habang ang ilan ay maaaring makaranas ng sintomas sa kanilang pagtanda, tulad ng mga taong nasa 50 ang edad pataas.
Ang adult-onset asthma, o asthma sa matanda ay nagpapakita ng mga sintomas na patuloy sa mga matatandang indibidwal. Ito ay kumpara sa bata na karaniwang mayroong mga periodic na sintomas na reaksyon sa allergy o ibang sakit sa respiratory.
Kung ikaw ay may asthma, ang loob na lining ng iyong airways ay nagiging sensitibo, iritable, at maging namamaga kung exposed sa tiyak na triggers. Dahil dito, ito ay nag ge-generate ng labis na dami ng mucus.
Karagdagan, ang malambot na muscle sa paligid ng airways ay sumisikip. Ito ay nagsasanhi sa airways na lumaki (ang proseso na tinatawag na bronchoconstriction), na nagpapahirap na huminga.
Ang mga matatanda na may asthma ay kailangan na uminom ng gamot araw-araw upang kontrolin ito.
Karaniwang Sanhi ng Asthma sa Matanda
Ang karaniwang sanhi ng asthma ay normal na umiikot sa pinaghalong mga salik na maaaring sa paligid, namamana, at maging ang occupational na aspekto.
Bilang matanda, ang posibilidad na magkaroon ng asthma ay tumataas kung:
- May asthma noong pagkabata na walang sintomas sa loob ng maraming mga taon.
- Exposed sa allergens o triggers (hal, sigarilyo, ibang matatapang na amoy, o maging ang mga alagang hayop).
- May allergy (hal, hay fever)
- Mayroon sa loob ng bahay na may asthma rin.
- Labis ang timbang (tumataas ang banta ng asthma).
- Babae (ang asthma ay mas madalas sa mga babae kaysa sa lalaki, partikular na sa mga edad na 20 dahil sa pagbabago ng hormones).
- Mayroong sakit o infection (sipon, flu, o kahit anong respiratory viral infection).
Senyales at Sintomas ng Asthma sa Matanda
Tulad ng ibang sakit, ang sintomas ng asthma ay maaaring iba-iba sa bawat tao. Ngunit sa pangkalahatan, maaari mong maranasan ang mga sumusunod:
- Paninikip ng dibdib
- Hirap sa paghinga
- Wheezing (sipol na tunog)
- Kawalan ng hininga
- Tuyot na ubo
- Sipon
- Patuloy na pag-ubo (lalo na sa gabi o sa umaga)
Ang hernia, gastrointestinal issues, sakit sa puso, pneumonia, rheumatoid arthritis, at chronic obstructive pulmonary disease ay iba pang mga sakit na maaaring manggaya sa asthma.
Diagnosis sa Asthma sa Matanda
Maaaring magsagawa ang doktor ng pagtatanong at mga test upang matukoy ang iyong kondisyon.
Ang ilang test sa paghinga ay kabilang ang:
Spirometry
Ang spirometry ay isang gamit na maaaring gamitin upang matukoy kung gaano karaming hangin ang maaaring i-exhale sa ibibigay na oras.
Bronchodilator reversibility (BDR)
Dalawang spirometry test ang kailangan bago at matapos ang isang dose ng bronchodilator na gamot upang makita kung ang lunas ay epektibo. Ang diagnosis sa asthma ay karaniwang kinukumpirma sa pamamagitan ng positibong BDR test.
Peak expiratory flow (PEF) monitoring
Tinutukoy nito kung gaano kabilis na maaari kang mag-exhale. Sa loob ng dalawa hanggang apat na oras, maaari kang bigyan ng panuto na i-monitor ang iyong PEF (kilala rin sa tawag na peak flow) sa bahay.
Fractional exhaled nitric oxide (FeNO)
Ang FeNo ay nagtataya ng lala ng pamamaga sa iyong airways.
Bronchial challenge
Ang bronchial challenge ay test na tumutukoy kung gaano tumutugon ang iyong airways sa inilagay na irritant (histamine o methacholine). Ang specialized na test na ito ay isinasagawa sa ospital na may medikal na gabay.
Maaaring magsagawa rin ang doktor ng allergy test upang matukoy ang potensyal na triggers.

Lunas at Management sa Asthma sa Matanda
Bagaman ang asthma ay pangmatagalang sakit, maaari pa rin itong epektibong i-manage sa pamamagitan ng tamang gamutan.
Nasa ibaba ang ilan sa mga bagay na maaaring ikonsidera upang makatulong na mamuhay sa kabila ng pagkakaroon nito:
- Patuloy na inumin ang gamot sa asthma tulad ng preventers o relievers na inireseta ng iyong doktor.
- Talakayin ang kahit na anong sintomas o alalahanin sa iyong doktor upang mapanatili at mapabuti ang pagkontrol sa asthma, maging ito ay short term o long term.
- Magsagawa ng pamamaraan sa gamutan sa asthma kasama ng iyong doktor.
- Ikonsidera ang pagbabago ng lifestyle at kapaligiran upang mabawasan ang triggers at magpatingin sa doktor nang regular upang imodipika ang plano.
Mahalagang Tandaan
Hindi dapat maging sagabal sa iyong buhay ang asthma sa matanda. Maghanda ng mga kinakailangang impormasyon at maaari kang matulungan ng payo ng doktor upang mamuhay nang walang sagabal.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.














