backup og meta

Gamot Sa Hika, Maaari Bang Nakasalalay Ito Sa Breathing Exercises?

Gamot Sa Hika, Maaari Bang Nakasalalay Ito Sa Breathing Exercises?

Ang mga taong may hika ay maaaring makinabang mula sa breathing exercises para sa pag-atake ng nito. Ang pag-atake ng hika ay ang biglaang paglala ng mga sintomas ng hika. Sa oras ng pag-atake nito, ang mga daanan ng hangin ay namamaga at nagiging inflamed, na nagreresulta sa labis na paggawa ng mucus. Maaaring hadlangan nito ang supply ng oxygen sa mahahalagang bahagi ng katawan. Alamin kung paano nakakatulong ang breathing exercises para sa gamot sa hika.

Maaaring may asthma attack kung maranasan mo ang mga sintomas na ito:

  • Breathlessness
  • Labis na pag-ubo
  • Malubhang paghinga na may tunog
  • Nakararanas ng presyon sa mga kalamnan ng dibdib at leeg
  • Masyadong humihingal para magsalita, kumain, o matulog
  • Nagkakaroon ng panic attack o pagkabalisa
  • Maputla, pawisan ang mukha
  • Asul na labi o mga kuko 
  • Lumalalang sintomas sa kabila ng paggamit ng gamot

Ang asthma ay isang pangkaraniwang long-term na sakit sa baga na nagdudulot ng kahirapan sa paghinga. Ito ay ang pagliit ng mga daanan ng hangin sa mga baga. Pinipigilan nito ang daloy ng oxygen sa mga daanan ng hangin. 

Mga Palatandaan at Sintomas ng Hika

Tinatayang 300 milyong indibidwal ang dumaranas ng sakit na ito sa buong mundo. Inirerekomenda ng mga medikal na eksperto na subukan ng mga pasyente ang mga ehersisyo sa paghinga para mapabuti ang pag-atake ng hika. 

Maaaring makaranas ang taong may hika:

  • Paninikip ng dibdib
  • Malubhang paghinga na may tunog
  • Kawalan ng hininga
  • Pag-ubo
  • Pagtaas ng mucus production

Kung mangyari at lumala ang mga sintomas na ito, maaaring inaatake ka ng hika. 

Maaaring kailangang magtungo sa pinakamalapit na ospital kung may pag-atake ng hika para sa tulong medikal. 

Ano ba ang gamot sa hika? Maraming mga diskarte sa paghinga para sa pag-atake ng hika. Ang mga ito ay maaari ding gawin nang ligtas sa bahay.

Breathing techniques para sa Asthma Attacks

Dahil sa kinakapos na paghinga, ang mga may hika ay posibleng maging mas mabilis ang paghinga kumpara sa mga taong walang hika. 

Sila ay may tendency na huminga sa bibig para makuha ang dami ng oxygen na kailangan nila.

Gayunpaman, sinasabi ng mga doktor na ang paghinga sa pamamagitan ng bibig ay nagdadala ng mas mataas na panganib na mag-trigger ng atake ng hika. Ito ay dahil ang mas malamig at tuyo na hangin ay maaaring makairita sa mga daanan ng hangin at maging sanhi ng pamamaga.

Ang isang taong may hika ay maaaring resetahan ng mga preventive na gamot tulad ng mga medicated inhaler para buksan ang kanilang mga daanan ng hangin. Kung gusto ng isang tao na bawasan ang paggamit ng mga gamot sa hika, may breathing exercises para mapabuti ang pag-atake ng hika.

Ipinakita ng mga kamakailang pag-aaral na ang mga ehersisyo sa paghinga ay makabuluhang nagpapabuti sa kalidad ng buhay ng mga pasyente ng hika.

Narito ang anim na pamamaraan ng paghinga para sa mga pag-atake ng hika.

Diaphragmatic breathing

Ito ang pinakamadaling paraan na makakatulong na matutunang muli kung paano gamitin ang iyong diaphragm. Karaniwan, ginagamit ng mga tao ang kanilang dibdib kapag humihinga. Ang ehersisyong ito ay nagpapabagal sa iyong paghinga at maaaring makapag-regulate ng daloy ng dugo.

Para gawin ito, humiga at ibaluktot ang tuhod, o umupo nang tuwid sa isang upuan. Ilagay ang isang kamay sa ibabaw ng iyong dibdib at ang isa pa sa iyong tiyan. Mag-focus sa paghinga. Mas mainam na huminga sa pamamagitan ng iyong ilong.

Kapag nag-inhale ka, ang kamay sa iyong tiyan ay dapat gumalaw, habang ang kamay sa iyong dibdib ay hindi. Kapag nag-exhale naman, huminga nang dahan-dahan sa pamamagitan ng iyong bibig, habang bahagyang nakasara.

Nasal breathing

Kapag huminga ka sa pamamagitan ng iyong ilong, binabawasan nito ang pagkakataong magkaroon ng atake sa hika. Dahil ang hangin na iyong nalalanghap ay dumadaan sa nasal mucosa. Pinipigilan nito ang pagpasok ng mga allergens sa iyong mga baga, kaya binabawasan ang panganib. Kapag huminga ka sa pamamagitan ng iyong bibig, walang sumasala sa hangin na pumapasok sa iyong mga baga.

The Papworth Method

Ang paraan ng Papworth ay halos kapareho sa diaphragmatic breathing at Buteyko method. Ito ay nagreresulta sa mas banayad at mas nakakarelaks na paghinga mula sa diaphragm, sa pamamagitan ng ilong. Ito din ay mas epektibo kapag pinagsama sa mga gamot sa hika, at maaari ring mabawasan ang pangangailangan para dito kung gagawin araw-araw.

Buteyko breathing

Noong 1952, ang Buteyko Breathing exercise ay binuo ni Ukrainian Dr. Konstantin Pavlovich Buteyko. Ang Buteyko Breathing ay nakatuon sa pagtulong sa mga asthmatics na may problema sa paghinga sa mabagal na galaw.

Ang pamamaraan, kapag ginawa nang maayos, ay nakakatulong na bawasan ang bilang at kalubhaan ng mga pag-atake ng hika. Maaari din itong makatulong na bawasan ang dose ng gamot sa hika.  

Dito, kailangan ng isang indibidwal na mag-breathe in at out sa ilong, dahan-dahan at malalim, habang nakatuon sa paggamit ng diaphragm. Para malaman kung gumagana ang pamamaraan o hindi, maaaring gawin ang isang espesyal na pagsubok sa paghinga na tinatawag na Control Pause.

Pursed lip breathing

Ito ay isang karaniwang ginagamit na ehersisyo kapag ang isang tao ay nakakaranas ng atake ng hika. Ang pursed lip breathing ay naglalabas ng hangin na nakulong sa iyong mga baga upang maibsan ang kakulangan ng paghinga. 

Upang gawin ito, kailangan mong huminga sa pamamagitan ng iyong ilong sa 2 bilang. Itago ang iyong mga labi, na parang sisipol ka. Dahan-dahang huminga sa pamamagitan ng iyong mga labi, 2 bilang na mas mahaba kaysa sa paglanghap. Ulitin ang proseso hanggang sa umayos ang pattern ng iyong paghinga.

Yoga breathing

Batay sa isang pag-aaral, ang mga asthmatic na pasyente na nagsasanay ng yoga ay nakakaranas ng mas kaunting pag-atake ng hika sa araw at gabi. Ang yoga breathing ay nagbibigay din sa ilang mga pasyente na mabawasan ang mga gamot sa hika. Palaging kumunsulta sa iyong doktor tungkol sa mga pagbabago sa iyong gamot. 

Sa kombinasyon ng mga pisikal na paggalaw at malalim na paghinga, maaaring makatulong ang yoga na mapabuti ang pangkalahatang kalusugan ng baga.

Key Takeaways

Ang mga breathing exercise na ito ay maaaring makatulong sa mga dumaranas ng hika.
Ang regular na pagsasanay sa mga ito ay maaaring makatulong sa iyo na pamahalaan ang mga pag-atake ng hika at bawasan ang mga pagkakataon na maging mas malala.
Maaari rin itong makatulong sa pagbabawas ng paggamit ng inhaled medications o gamot sa hika.  Gayunpaman, ang mga exercise na ito ay maaaring hindi ganap na maibalik ang iyong kabuuang kalusugan sa paghinga.  
Siguraduhin na kapag ginagawa ang mga ito, ang iyong mga gamot ay nasa kamay kung sakaling may mga emergencies. Mahalagang kumunsulta sa iyong doktor bago subukan ang alinman sa mga exercises na ito para matiyak ang iyong kaligtasan.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Asthma https://www.who.int/news-room/q-a-detail/asthma Accessed July 10, 2020

Asthma attack https://www.nhs.uk/conditions/asthma/asthma-attack/ Accessed July 10, 2020

Asthma – Symptoms and causes https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/asthma-attack/symptoms-causes/syc-20354268 Accessed July 10, 2020

Learning Diaphragmatic Breathing https://www.health.harvard.edu/lung-health-and-disease/learning-diaphragmatic-breathing Accessed July 10, 2020

Breathing exercises help asthma patients with quality of life https://www.sciencedaily.com/releases/2017/12/171214101446.htm?fbclid=IwAR1xt51n7k_58LCoEpzQ8dz8Y9o14Tt16ZtfxC0e6m1Dvolp2-Qb6AOnDUE Accessed July 10, 2020

Effect of Buteyko breathing technique on patients with bronchial asthmahttps://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S0422763812000520#b0040 Accessed July 10, 2020

Kasalukuyang Version

04/07/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

7 Pagkain Na May Vitamins Na Pampalakas Ng Baga

Bawal Kainin Ng May Hika: Ano-ano Ito?


Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement