backup og meta

Acute Bronchitis: Mga Sintomas, Sanhi, At Gamutan

Acute Bronchitis: Mga Sintomas, Sanhi, At Gamutan

Ang bronchitis ay ang  ang pamamaga ng bronchial tubes na nagreresulta sa ubo na kadalasang may ng plema. Ang pinakakaraniwang uri ng bronchitis ay ang acute bronchitis na kadalasang kusang gumagaling. Alamin sa artikulong ito ang mga sintomas at sanhi ng bronchitis at kung paano ito gamutin.

Ano Ang Acute Bronchitis?

Ang acute bronchitis o chest cold isang panandaliang kondisyong pangkalusugan. Ito ay nangyayari kung may pamamaga sa bronchial tubes ng baga, maging pagdami ng produksyon ng mucus.

Ang isang taong may acute bronchitis ay nakararanas ng mga problema sa paghinga at hindi gaanong malubha hanggang malubhang ubo dahil sa pamumuo ng mucus sa tubes. Karaniwang tumatagal ang acute bronchitis ng mas mababa sa tatlong linggo at ganap na nagagamot sa bahay.

Mga Sintomas Ng Bronchitis

Ang mga sintomas ng bronchitis na maaaring maaaring maranasan ay ang mga sumusunod:

  • Hindi gaanong malubha hanggang sa malubhang ubo (tuyong ubo sa simula ngunit kalaunan ay nagkakaroon ng plema)
  • Tumutulong sipon at naluluhang mga mata
  • Pananakit ng lalamunan
  • Pananakit ng ulo at pagkapagod
  • Kakapusan ng paghinga
  • Pananakit ng muscle at/o katawan
  • Pananakit ng dibdib
  • Sinat
  • Paghingal

Tandaang ang mga sintomas ng bronchitis ay iba-iba sa bawat tao. Ang isang indibidwal ay maaaring makaranas ng mas maraming sintomas kaysa sa iba pa o kaya naman ay kabaliktaran. Gayundin, ang mga sintomas na ito ay maaaring indikasyon ng iba pang mga problema sa kalusugan. Kaya, iminumungkahing kumonsulta sa doktor para sa tamang diagnosis.

May mga pagkakataong ang Isang taong may acute bronchitis ay hindi gumagaling pagkalipas ng tatlong linggo. Iminumungkahing agad na humingi ng medikal na tulong kung nakararanas ng mga sumusunod:

  • Ang sinat (37.5 ℃ hanggang 38.3 ℃) ay biglang tumataas at naging lagnat (39.4 ℃ pataas)
  • Hindi nawawalang ubo o paghingal na tumatagal ng higit sa tatlong linggo
  • Paglabas ng dugo o pagkakaroon ng madugong plema kapag umuubo
  • Paulit-ulit na acute bronchitis (maaaring isang senyales ng chronic bronchitis)
  • Matinding kakapusan sa paghinga
  • Paglubha imbis na pagbuti ng mga sintomas ng acute bronchitis

Mga Sanhi Ng Bronchitis

Karaniwang nangyayari ang acute bronchitis dahil sa impeksyong dulot ng virus. Kadalasan, ang mga parehong virus na dahilan ng karaniwang sipon at trangkaso ang sanhi rin ng acute bronchitis.

Kung minsan, ang mga impeksyong dulot ng bakterya mula sa Mycoplasma pneumoniae, Streptococcus pneumoniae, at Bordetella pertussis ay maaari ding mag-trigger ng acute bronchitis.

Bukod sa mga virus at bacteria, ang mga sumusunod ay maaari ding maging sanhi ng acute bronchitis:

  • Respiratory irritants tulad ng usok ng sigarilyo, alikabok, malakas na usok mula sa mga kemikal sa trabaho o sangkap ng mga panlinis ng bahay 
  • Bihirang impeksyon dulot ng fungus na karaniwang sanhi ng yeast fungus candida Albicans
  • Ang Gastroesophageal Reflux Disease (GERD) ay maaaring makairita at makasira sa mga daanan ng hangin, na nagreresulta sa acute bronchitis

Nakahahawa Ba Ang Acute Bronchitis?

Ang mga tiyak na kondisyon tulad ng impeksyong dulot ng virus ay nagiging dahilan upang maging nakahahawa ang acute bronchitis. Ang respiratory droplets na inilalabas ng katawan kung ang taong may acute bronchitis ay nagsasalita, umuubo o bumabahing ay maaaring makahawa sa mga taong malapit sa may sakit. Maaari ding mahawa ng virus na nagdudulot ng acute bronchitis sa pamamagitan ng direktang kontak sa balat tulad ng pakikipagkamay.

Paano Nada-Diagnose Ang Acute Bronchitis?

Madaling ma-diagnose ng mga doktor ang acute bronchitis sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pisikal na pagsusuri. Gayundin, natutuklasan ang kondisyong ito sa tulong ng tiyak na tests tulad ng chest x-ray, pulse oximetry, at sputum culture. Ang tests na ito ay hindi lamang ginagamit sa pag-diagnose ng bronchitis, ngunit nakatutulong din ang mga ito sa mga doktor upang alisin ang hinala na ang pasyente ay may pulmonya at iba pang mga malulubhang kondisyong respiratory.

Gamutan At Pagkontrol Sa Acute Bronchitis

Kadalasan, ang acute bronchitis ay kusang gumagaling at karaniwang hindi nangangailangan ng pag-inom ng antibiotics dahil ang pinakakaraniwang sanhi nito ay impeksyong dulot ng virus.

Upang makatulong na maibsan ang mga sintomas at mas mabilis na gumaling, narito ang ilang tips kung paano gamutin sa bahay ang acute bronchitis:

  • Manatiling hydrated sa pamamagitan ng pag-inom ng maraming tubig.
  • Magkaroon ng sapat na tulog at pahinga.
  • Limitahan o iwasan ang pag-inom ng kape at alak, dahil maaari nitong mapalubha ang mga sintomas.
  • Tumigil sa paninigarilyo at/o umiwas sa usok ng sigarilyo.
  • Iwasan ang iba pang respiratory irritants tulad ng alikabok at malakas na usok sa pamamagitan ng pagsusuot ng face mask.
  • Gumamit ng humidifier sa bahay upang lumuwag at matanggal ang naipong mucus.
  • Uminom ng mga gamot na walang reseta tulad ng mga gamot para sa ubo at pain reliever.
  • Iwasan ang pagpipigil sa ubo at ilabas ang plema hangga’t maaari.
  • Gumamit ng saline sprays, inhalers, o steam upang maibsan ang pagbabawas ng ilong.
  • Siguraduhing magpabakuna ng seasonal flu shot o magtanong sa doktor kung kailangan i-update ang iyong pneumococcal vaccine.

Key Takeaways

Isang karaniwang kondisyong pangkalusugan ang acute bronchitis na maaaring maranasan ng sinoman. Bagama’t karaniwan itong gumagaling sa maikling panahon, ipinapayo pa rin na gamutin ito kaagad upang maiwasan ang mga karagdagang komplikasyon.
Tandaang ang acute bronchitis ay nakakahawa at maaaring maipasa sa ibang tao. Kaya naman, mahalagang magkaroon ng kamalayan sa paligid upang maiwasang  ang ibang tao ay magkaroon ng parehong kondisyon.

Matuto pa tungkol sa Bronchitis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Acute Bronchitis, https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?contenttypeid=85&contentid=P01299, Accessed October 25, 2020

Chest Cold (Acute Bronchitis), https://www.cdc.gov/antibiotic-use/community/for-patients/common-illnesses/bronchitis.html, Accessed October 25, 2020

Acute Bronchitis, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/acute-bronchitis, Accessed October 25, 2020

Acute Bronchitis, https://familydoctor.org/condition/acute-bronchitis/, Accessed October 25, 2020

Acute Bronchitis, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK448067/, Accessed October 25, 2020

What Causes Acute Bronchitis? https://www.health.harvard.edu/diseases-and-conditions/what-causes-acute-bronchitis, Accessed October 25, 2020

Kasalukuyang Version

03/03/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Jeans Daquinag, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Masama Bang Mag-Ehersisyo Kapag May Bronchitis?

Chronic bronchitis at emphysema: Ano ang Pagkakaiba?


Narebyung medikal ni

Jeans Daquinag, MD

Pulmonology · Makati Medical Center


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement