Pag-ehersisyo kapag may bronchitis: Masama ba ito?
Ang pag-eehersisyo araw-araw ay magandang habit para sa malusog na katawan at isip. Gayunpaman, ligtas bang magpatuloy sa pag-eehersisyo kapag tayo ay may sakit? Dapat bang ituloy ang normal at aktibong mga gawain habang may mga simpleng health conditions tulad ng lagnat o mas malubhang mga kondisyon? Alamin dito kung ligtas ba ang pag-ehersisyo kapag may bronchitis.
Pag-eehersisyo na may Bronchitis: Ang Mga Panuntunan sa Above-the-neck at Below-the-neck
Kadalasang inirerekomenda ng mga medical expert ang rules sa above-the-neck and below-the-neck. Ito ay para magpasya kung dapat ba ang workout session kung hindi maganda ang pakiramdam. Tingnan natin kung ano ang ibig sabihin ng mga panuntunang ito.
Above-the-neck Rule
Sa rule na ito, ligtas na mag-ehersisyo na may health conditions na limitado sa mga bahagi ng katawan na nasa itaas ng leeg. Sa katunayan, maaaring mapabuti ng ehersisyo ang sirkulasyon ng dugo at maalis ang bara ng mga sinuses. At maramdaman na ikaw ay flexible at rejuvenated– pangkalahatang pakiramdam ng kagalingan.
Nasa ibaba ang mga pinakakaraniwang sintomas ng above-the-neck health conditions:
- Problema sa sinus
- Sakit ng ulo
- Lagnat
- Sakit sa tenga
- Sakit sa lalamunan
- Sipon o barado ang ilong
Kaya lang, may ilang mga hindi kasali sa rule na ito. Naniniwala ang ilan na ang pag-ehersisyo kapag may runny nose, sipon, o pagbahing ay ligtas. Gayunpaman, ang iba ay naniniwala na pinakamainam na umiwas sa pag-eehersisyo kapag may mga ganitong sintomas, at gayundin kung lagnat. Ito ay lalo na kapag ang temperatura ng katawan ay higit sa 38 degrees C. Maaaring tumaas pa ang temperatura ng katawan mo sa pag-ehersisyo na may lagnat. Magpapalala ito sa health condition mo.
Below-the-neck Rule
Sa kaso ng mga health condition na nauugnay sa mga bahagi ng katawan sa ibaba ng leeg, karaniwang pinapayuhan na ipagpaliban mo ang iyong fitness session.
Ang mga sintomas na dapat bantayan na dapat hindi ka mag-ehersisyo ay:
- Lagnat na may panginginig
- Pagduduwal
- Pagsusuka
- Pagtatae
- Pakiramdam ng paninikip sa dibdib
- Pamamaga o iritasyon sa dibdib
- Hinihingal
- Sakit ng katawan
- Pagod na muscles
Pag-Ehersisyo Kapag May Bronchitis
Kailan ligtas bumalik sa pag-ehersisyo kapag may bronchitis?
Ang pag-eehersisyo na may bronchitis ay hindi dapat dahil ito ay kondisyon sa ibaba ng leeg. Ngunit kung gaano ka katagal hindi mag-eehersisyo ay depende kung gaano kalubha ang kondisyon mo. Karaniwan, ang mga sintomas ng bronchitis ay tumatagal ng hindi bababa sa 2 linggo upang gumaling. Ang mas seryosong kondisyon, o kulang sa paggamot ay pwedeng magpatagal ng mga sintomas nito. Ikaw ang pinakamahusay na makapagsasabi kung kailan ang tamang oras para bumalik sa pang-araw-araw na aktibong pamumuhay. Kapag bumuti na ang iyong pakiramdam, maaari kang unti-unting bumalik sa pag-eehersisyo sa halip na biglaan.
Pag-eehersisyo na may Bronchitis: Exercise-induced Bronchoconstriction
Ang pag-eehersisyo na may mga sintomas ng sakit sa ibaba ng leeg ay pwedeng magpalala sa kondisyon mo. Masasayang din ang ginagawang treatment. Ang iba pang bronchial diseases ay maaaring mangyari kung ginagawa mo ang pag-ehersisyo kapag may bronchitis o hika.
Ang exercise-induced bronchoconstriction, o EIB, ay nangyayari kapag ang bronchial airways ay lumiit resulta ng mga pisikal na aktibidad. Exercise-induced asthma ang tawag sa kondisyong ito. Karamihan sa mga taong may hika ay mayroon ding EIB. Gayunpaman, hindi lahat ng may exercise-induced bronchoconstriction ay may hika. Kung sakaling gusto mo pa ring mag-ehersisyo na may bronchitis o EIB, maaaring magrekomenda ng diet at treatment plan ang isang medical expert. Upang makapag-ehersisyo ka nang hindi napipinsala sa iyong sarili.