backup og meta

Chronic bronchitis at emphysema: Ano ang Pagkakaiba?

Chronic bronchitis at emphysema: Ano ang Pagkakaiba?

Ang mga sakit na nakakaapekto sa mga baga ay maaaring magdulot ng kapansin-pansing pagbaba sa kalusugan ng isang tao. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang chronic obstructive pulmonary disease (COPD) ay kasalukuyang pang-apat na nangungunang sanhi ng kamatayan sa mundo. Ang dalawang pangunahing katangian ng COPD ay ang bronchitis at emphysema, mga kondisyon sa baga na maaaring nahihirapan ang ilang mga tao na matukoy ang pagkakaiba. Sa artikulong ito, tatalakayin ang mga pagkakaiba sa pagitan ng chronic bronchitis at emphysema. 

Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD)

Ang chronic obstructive pulmonary disease (COPD) ay sakit na nagiging sanhi ng pamamaga ng mga baga. Ito ay may mga link sa pinsalang dulot ng mahabang panahon ng paninigarilyo. 

Maraming tao ang hindi alam na may ganito silang kondisyon hanggang sa makaranas sila ng mga sintomas. Ang mga ito ay magsisimulang magpakita kapag ang baga ay nagkaroon na ng matinding pinsala. May dalawang pangunahing katangian ang COPD: chronic bronchitis at emphysema. Bagaman ang dalawang sakit na ito ay kadalasang nangyayari nang magkasama bilang bahagi ng COPD, may pagkakaiba ang mga ito sa mga sintomas at mga bahagi ng baga na kanilang naaapektuhan. 

Chronic Bronchitis

Ang chronic bronchitis ay pangunahing nakakaapekto sa bronchial tubes. Bronchi ang tawag dito kung minsan. Ang mga tubong ito ang nagpapahintulot sa hangin na makapasok at makalabas sa mga baga. Dahil sa pamamaga ng mga daanan ng hangin at sobrang produksyon ng mucus kapag may chronic bronchitis, ang mga baga ay nahihirapang kumuha ng oxygen at maglalabas ng carbon dioxide.

Ang katangiang ito ng COPD ay kadalasang nakikita sa mga naninigarilyo, ngunit maaaring mangyari rin sa mga taong matagal na na-expose sa mga irritant. Ang mga karaniwang sintomas ng chronic bronchitis ay:

Emphysema

Ang katangiang ito ng COPD ay sanhi ng pinsala sa alveoli o air sac ng mga baga. Mahalaga ang papel ng alveoli sa paghinga dahil pinapagana nito ang mga baga at dugo na magpalitan ng oxygen at carbon dioxide. Maaring banayad ang mga sintomas ng emphysema. Ngunit ang pangunahing sintomas ng sakit sa baga na ito ay hirap sa paghinga dahil sa pinsala sa alveoli.  

Chronic Bronchitis at Emphysema: Mga Sintomas 

Dahil ang emphysema at chronic bronchitis ay mga katangian ng COPD, maaari magkaroon sila ng parehong mga sintomas. Ang isang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng bronchitis at emphysema ay kakapusan ng paghinga.   

Ang isang taong may emphysema ay maaaring magpakita ng isang sintomas lang, ang kinakapos na paghinga. Malamang na wala ang mga sintomas ng chronic bronchitis ( tulad ng productive cough) sa isang taong dumaranas ng emphysema. Bukod dito, ang emphysema ay maaaring ilarawan na chronic disease. Ibig sabihin ang paglitaw ng mga sintomas ay unti-unti at maaaring magpatuloy nang walang paggamot. Ang mga sintomas ng malalang bronchitis ay pasumpong-sumpong. At maaaring may mga panahon ng flare-ups at paghina ( panahon ng kawalan ng aktibidad).

Ang isa pang malaking pagkakaiba sa pagitan ng bronchitis at emphysema ay ang uri ng pagkapagod na maaaring maranasan ng isang tao. Ang bronchitis at emphysema ay maaaring maging sanhi ng fatigue at pagkapagod. Gayunpaman, ang isang taong may emphysema ay maaaring mukhang pagod na pagod hanggang sa puntong hindi na niya magawa ang mga gawain o trabaho na karaniwan nilang ginagawa nang walang kahirap-hirap.

Maaaring maranasan din ng isang taong may emphysema ang pagkakaroon ng asul na kulay sa kanilang kuko. Ito ay dahil sa kakulangan ng oxygen sa daluyan ng dugo. Ito ay hindi pangkaraniwan sa mga pasyente na may chronic bronchitis.

Chronic Bronchitis at Emphysema: Mga Sanhi

Pareho ang mga sanhi ng mga sakit sa baga na ito. Tulad ng paninigarilyo o patuloy na pagkakalantad sa irritants (mga halimbawa ay kinabibilangan ng secondhand smoke at fumes). Gayunpaman, naiiba ang mga ito sa bahagi ng baga na pangunahin nilang naaapektuhan. Ang emphysema ay pangunahing nakakaapekto sa alveoli, habang ang chronic bronchitis ay pangunahing nakakaapekto sa bronchi.

Sa mga pasyenteng may emphysema, ang matinding pinsala sa air sac ay pwedeng magpahina sa walls ng air sacs. At nagiging sanhi ng pag-collapse o pagputok. Maaari itong humantong sa paggawa ng mga baga ng mas kaunting oxygen kaysa dati. Nagreresulta ito sa pagkakapos ng paghinga. Malaki rin ang epekto ng pinsala sa alveoli sa kalidad ng oxygen sa mga baga.

Samantala, ang chronic bronchitis ay ang pamamaga o pangangati ng bronchi sa mga baga. Ang bronchi ay daanan ng mga hangin kung saan ang hangin ay maaaring pumasok at lumabas sa katawan. Kapag ang bronchi ay namamaga, sila ay nagiging makitid at gumagawa ng labis na uhog. Ito ang dahilan kung bakit ang chronic bronchitis ay nagdudulot ng kahirapan sa paghinga, paninikip ng dibdib, at ubo na may mucus (produktibong ubo). 

Chronic Bronchitis at Emphysema: Paggamot

Malaki ang pagkakaiba ng emphysema at chronic bronchitis. Ito ay dahil ang emphysema ay irreversible condition samantalang ang chronic bronchitis ay hindi. Para sa chronic bronchitis, ang treatment options ay kinabibilangan ng pagtugon sa pamamaga at iritasyon sa bronchi.

Sa kabilang banda, ang mga pasyenteng may emphysema ay maaari lamang pamahalaan ang kanilang kondisyon. Kasama dito ang pagpapabuti ng mga sintomas na maaaring humadlang sa pang-araw-araw na gawain ng isang tao. Ito ay tulad ng kinakapos sa paghinga at pagkapagod.

Key Takeaways

Ang chronic bronchitis at emphysema ay dalawang kondisyon ng baga na nauugnay sa COPD. Sa kabila ng maraming pagkakatulad, ang dalawa ay may pagkakaiba sa mga sintomas, sanhi, at paraan ng paggamot. Habang ang chronic bronchitis ay nagagamot, ang emphysema naman ay panghabambuhay na kondisyon na nangangailangan ng pamamahala.      

                  

Matuto pa tungkol sa Respiratory Health dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

The Global Impact of Respiratory Disease
https://www.who.int/gard/publications/The_Global_Impact_of_Respiratory_Disease.pdf

COPD
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/copd/symptoms-causes/syc-20353679#:~:text=Chronic%20obstructive%20pulmonary%20disease%20

Definition: Bronchial Tubes
https://kidshealth.org/en/teens/bronchial-tubes.html#:~:text=When%20a%20person%20breathes%2C%20air,to%20as%20bronchi%20or%20airways

alveoli
https://www.cancer.gov/publications/dictionaries/cancer-terms/def/alveoli

Emphysema
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/emphysema/symptoms-causes/syc-20355555#:~:text=Emphysema%20is%20a%20lung%20condition,instead%20of%20many%20small%20ones

Kasalukuyang Version

03/02/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Masama Bang Mag-Ehersisyo Kapag May Bronchitis?

Acute Bronchitis: Mga Sintomas, Sanhi, At Gamutan


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement