backup og meta

Ano ang Dapat Gawin sa Bronchitis ng Buntis?

Ano ang Dapat Gawin sa Bronchitis ng Buntis?

Ang bronchitis ay komplikasyon sa kalusugan na nakaaapekto sa respiratory system, ito ay karaniwang lumalabas bilang resulta ng sipon o iba pang infection sa respiratory. Ang infection sa pinaka daluyan ng hangin ay tinatawag na acute bronchitis, at ito ay kadalasang hindi nangangailangan ng medikal na atensyon dahil kusa itong nawawala matapos ang 10 linggo. Noon pa man, ang bronchitis ay maaaring magdulot ng problema sa kalusugan sa malulusog na tao, at maging tiyak na alalahanin sa buntis. Ano ang dapat gawin sa bronchitis ng buntis? Maaapektuhan ba nito ang sanggol? Alamin dito. 

Habang ang acute bronchitis ay hindi nangangailangan ng paggagamot, kung ang bronchitis ay bumalik, ito ay magiging chronic bronchitis kondisyong ito ay nangangailangan ng atensyong medikal. Ang sintomas na lumalabas sa chronic bronchitis ay mas malala at maaaring humantong sa matagalang hirap sa paghinga.

Maaari bang Uminom ng OTC ang mga Buntis? 

Kapag ang babae ay nagbubuntis, ang kanilang katawan ay sumasailalim sa ilang pagbabago. Bilang karagdagan, ang buntis ay kinakailangang mag-ingat sa mga bagay na kanilang iniinom o kinakain, tulad ng gamot, dahil ang mga ito ay maaaring makaapekto sa kanilang sanggol. 

Ang over-the-counter (OTC) na mga gamot ay karaniwang ginagamit upang alisin ang ilang uri ng hindi maginhawang pakiramdam. Ang mga gamot na ito ay ligtas at hindi kailangan ng reseta mula sa doktor; gayunpaman, kung ang buntis ang iinom ng over-the-counter na gamot, ligtas pa rin ba ito? 

Upang masiguro ang kaligtasan ng sanggol sa loob ng tiyan, mayroong ilang mga alituntunin na kailangang sundin ng mga buntis. Maaaring uminom ng mga OTC na gamot ang mga buntis, ngunit kailangan munang alamin kung anong gamot ang ligtas na inumin at dapat iwasan. Upang masiguro, palaging komunsulta sa doktor bago uminom ng anumang gamot. 

Ang mga OTC na gamot para sa mga karaniwang sakit tulad ng lagnat at ubo ay maaaring gamitin ng buntis. Narito ang tala ng ilang gamot na maaari nilang inumin: 

Ang mga buntis ay dapat umiwas sa pag-inom ng mga gamot na naglalaman ng mataas na alcohol, phenylephrine, at naglalaman pseudoephedrine.

Bronchitis at Iba pang Problema sa Respiratory habang Nagbubuntis 

Habang nagbubuntis, ang respiratory system sa sumasailalim sa pagtanggap sa physiological tulad ng mataas na pangangailangan sa oxygen. Ang pulmonary resistance ay bumababa rin, ito ay maaaring dulot ng pagtaas ng lebel ng progesterone. Tumataas ang volume ng dugo, na karaniwang nagreresulta sa anemia kung ang buntis ay hindi nakakakuha ng sapat ng iron. 

Ang mga sumusunod na problema sa respiratory ay nangyayari din sa buntis: 

  • Sinusitis – Ang pamamaga ng mga tissue sa sinuses
  • Bronchitis – Infection sa bronchi, ang pinaka daluyan ng hangin sa baga.
  • Pneumonia – Impeksyon at pamamaga ng air sacs ng baga na dulot ng viruses, bacteria o fungi.
  • Tuberculosis – Isang bacterial na impeksyon na karaniwang nakakaapekto sa baga, ngunit maaari ding kumalat sa iba pang bahagi ng katawan. 

Paano Gamutin ang Bronchitis at iba pang Respiratory Issues Habang Nagbubuntis 

Ang bronchitis ay pamamaga na nakaaapekto sa bronchial mucous membranes. Kadalasang lumalabas ang acute bronchite sa buntis dulot ng rhinovirus, influenza, at adenovirus. Pati ang paninigarilyo ay kadalasang nagsasanhi ng acute bronchitis, Maliban pa ang pagiging kilala nito bilang sa mga sanhi ng pagkakaroon ng problema sa panganganak at problema sa kalusugan ay maaaring mabuo sa sanggol. 

Kung ang buntis ay na-diagnose na may acute bronchitis, mag-uumpisa na nilang maranasan ang ubo na may kasamang sputum production (paglalabas ng mucus) at sinat. Sa kabilang banda bihira lamang lumabas ang chronic bronchitis sa buntis. 

Sa ilang kaso, maaaring magreseta ang doktor ng antibiotics sa acute bronchitis sa buntis. Ngunit kadalasan, ang sintomas ng acute bronchitis ay nawawala nang kusa matapos ang ilang araw. Gayunpaman, ang ubo ay maaaaring mas tumagal; ng buwan bago ito tuluyang mawala. Ang doktor ay maaaring magreseta ng gamot upang ma-manage ang hindi maginhawang pakiramdam. Palaging sundin ang payo ng doktor at komunsulta muna sa mga ito bago uminom ng anumang gamot. 

Para sa ibang respiratory issues, tulad ng sinusitis, pneumonia, at tuberculosis, ang paraan ng paggagamot ay iba-iba. Ang doktor ay maaaring magreseta ng antibiotics o ibang gamot. Bago uminom ng anumang gamot, mainam na komunsulta muna sa doktor kung paano nakakaapekto ang mga ito sa pagbubuntis. Sa anumang malalang sakit sa respiratory, lubos na makakatulong ang mga espesyalista upang pangalagaan ang iyong kalusugan at ng sanggol.

Key Takeaways

Normal lamang sa buntis na mag-alala sa anumang komplikasyon na maaaring maranasan habang nagbubuntis dahil walang sinuman ang nais na negatibong maapektuhan nito ang sanggol sa sinapupunan. Ang doktor ay nasa posisyon upang magreseta ng pinakamainam at pinakaligtas na gamot sa anumang sakit sa respiratory. Kinakailangan din ng buntis na aralin sa kanilang sarili kung anong gamot ang ligtas.

Matuto pa tungkol sa Respiratory Health dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Bronchitis, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/bronchitis/symptoms-causes/syc-20355566, July 15, 2021

The Management of Respiratory Infections During Pregnancy, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7118874/, July 15, 2021

Medicine Guidelines During Pregnancy, https://my.clevelandclinic.org/health/drugs/4396-medicine-guidelines-during-pregnancy, July 15, 2021

OTC medicines that are okay during pregnancy, https://intermountainhealthcare.org/blogs/topics/live-well/2017/03/otc-medicines-that-are-okay-during-pregnancy/, July 15, 2021

Pregnancy and Pulmonary Conditions, https://www.brighamandwomens.org/obgyn/maternal-fetal-medicine/pregnancy-and-medical-conditions/pulmonary, July 15, 2021

Kasalukuyang Version

11/16/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Hindi Gumagaling Na Ubo, Ano Ang Posibleng Sanhi? Alamin Dito!

Ano ang Respiratory Depression o Mabagal na Paghinga?


Narebyung medikal ni

Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement