backup og meta

Arteries, Veins, Capillaries: Anu-Ano Ang Mga Pagkakaiba Ng Mga Ito?

Arteries, Veins, Capillaries: Anu-Ano Ang Mga Pagkakaiba Ng Mga Ito?

Ang network ng mga blood vessels sa iyong katawan ay higit sa 60,000 milya ang haba, at ito ay binubuo ng tatlong magkakaibang uri ng mga daluyan ng dugo: ang mga arteries, capillaries, maging ang mga ugat sa katawan. Mahalaga ang bawat isa para sa tamang paggalaw ng dugo sa buong katawan. 

Ano Ang Pagkakaiba Ng Arteries, Veins, At Capillaries?

Paano mo malalaman kung ang daluyan ng dugo ay isang artery, vein, o capillary? Gaya ng iminumungkahi ng pangalan, ang mga blood vessels ay tumutukoy sa mga maliliit na tube-like structures na nagdadala ng dugo sa loob ng iyong katawan. Maaari mong maunawaan ang pagkakaiba ng mga ito base sa kanilang mga natatanging katangian. 

Ano Ang Arteries?

Ang mga arteries ay ang pinakamalaking uri ng mga blood vessels sa iyong katawan, na nagdadala ng oxygenated blood palayo sa iyong puso. May makakapal itong mga pader at isang muscular layer na nagpapanatili sa dugo na dumaloy.

Kinikilala bilang aorta ang pinakamalaking arterya sa iyong katawan, na siyang nagdadala ng dugo mula sa iyong puso patungo sa iyong mga organ. Nagbabago ang laki ng arteries at arterioles upang mapanatili ang isang malusog na antas ng presyon ng dugo sa iyong katawan.

Mayroon ang mga ito ng mga sumusunod na katangian:

  • Malalim na naka-embed sa muscle
  • Pagkakaroon ng napakapal na pader
  • Nagdadala ng oxygenated blood mula sa puso patungo sa mga organ
  • Pagkakaroon ng malaking layer ng muscle tissue sa loob
  • Kakulangan ng mga valves (maliban sa pulmonary artery)

Maliban sa mga pulmonary blood vessels, ang mga arteries ay nagdadala rin ng oxygenated blood palayo sa puso. Samantala, ang veins naman ang siyang nagdadala ng deoxygenated blood patungo sa puso. Ngunit, ang kaibahan ng mga ito sa arteries ay mayroon itong mga maninipis na pader. Ang mga ugat sa katawan ay nangangailangan din ng mga vales upang panatilihing dumadaloy ang iyong dugo.

Matatagpuan ang mga arteries sa loob ng  muscle, habang ang capillaries naman ay makikita sa mga tissue sa buong katawan.

Ano Ang Mga Ugat Sa Katawan?

Dahil ang mga veins ay kulang sa muscle layer hindi tulad ng mga arteries, umaasa sila sa mga valves upang panatilihing dumadaloy ang dugo. Nagsisimula ang mga ugat sa katawan bilang maliliit na daluyan ng dugo na tinatawag na mga venule. Lumalaki ang mga ito habang papalapit sila sa iyong puso. Ang mga ugat na ito ay nagdadala ng deoxygenated blood patungo sa iyong puso at madalas na matatagpuan malapit sa iyong balat.

Narito ang iba’t ibang katangian ng mga ugat sa katawan:

  • Compressible, hindi tulad ng arteries
  • Mas kaunting muscle at elastic tissue
  • Nagtataglay ng malawak na lumen
  • Mayroong makikitid na mga pader
  • Kabilang ang mga valves sa nagpapanatili ng daloy ng dugo
  • Karaniwan mababang presyon

Ang mga walls ng veins ay mas maninipis kaysa sa mga arteries. Nagdadala ang mga ugat ng dugo mula sa iyong mga organ patungo sa iyong puso. Ito ay kasabay ng pagpapadala ng mga arteries ng dugo palayo sa iyong puso. Samantala, mas malapit sa ibabaw ng iyong katawan ang mga ugat kaysa sa mga arteries sa loob ng iyong mga muscles.

Ang pagkakaiba sa pagitan ng ugat at capillary ay ang mga ugat ay may mas makakapal na pader kaysa sa mga capillary. Ngunit, ang mga capillary ay walang mga valves at nagpapakalat lamang ito ng dugo at mga sustansya sa pagitan ng mga arteries at veins.

Ano Ang Capillaries?

Kung mayroong pinakamalaki, mayroon din namang pinakamaliit na uri ng blood vessel. Ang capillaries ang siyang responsableng magkonekta ng mga arteries sa iyong mga ugat sa katawan. Maaari silang maging kasing liit ng 5 micrometer, o mas mababa sa isang third ng lapad ng isang buhok.

Ang mga endothelial cells ay bumubuo ng capillary wall, na isang cell lamang ang kapal at nagpapahintulot sa oxygen, nutrients, at waste na lumipat papunta at mula sa mga tissue cells.

Narito naman ang ilan sa mga katangian ng mga capillaries:

  • Matatagpuan ang mga ito sa loob ng bawat tissue
  • Nagtataglay ng manipis na pader
  • Nagdadala ng dugo sa pagitan ng arteries at ugat sa katawan
  • Nagdadala parehong oxygenated at deoxygentaed blood
  • Walang mga muscular tissues
  • Walang mga valves

Kung ikukumpara ito sa mga arteries, na malalaking muscular blood vessels na matatagpuan sa loob ng iyong mga muscles, ang mga capillaries ay medyo maliliit na daluyan ng dugo na naipapamahagi sa buong katawan.

Ang parehong mga capillaries at veins ay makikita paminsan-minsan sa balat. Ngunit ang mga ugat sa katawan ay mas malaki at mas makapal kaysa sa mga capillaries. Habang ang karamihan sa mga ugat  na ito ay nagdadala lamang ng deoxygenated blood, ang mga capillaries ay maaari ring magdala ng oxygenated blood.

Paano Mapapanatiling Malusog Ang Mga Blood Vessels?

Panatilihing matatag ang iyong mga blood vessels sa pamamagitan ng malusog na pamumuhay. Makatutulong ang mga ito na maiwasan ang mga problema sa daluyan ng dugo tulad ng altapresyon at mga namuong dugo.

Narito ang maaari mong gawin:

Ang iyong mga arteries, veins, at capillaries ay nagsisilbing mahalagang road map para sa paggalaw ng iyong dugo. Kumunsulta sa iyong doktor kung paano mapapabuti o mapanatili ang mabuting kalusugan ng puso.

 Alamin ang iba pa tungkol sa Kalusugan sa Puso dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

How does blood flow through your body, https://my.clevelandclinic.org/health/articles/17059-how-does-blood-flow-through-your-body, Accessed September 10, 2022

Blood vessels, https://www.fi.edu/heart/blood-vessels#:~:text=There%20are%20three%20kinds%20of,allows%20blood%20to%20flow%20easily, Accessed September 10, 2022

Anatomy blood vessels, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK470401/, Accessed September 10, 2022

Arteries, https://my.clevelandclinic.org/health/body/22896-arteries#:~:text=Arteries%2C%20a%20critical%20part%20of,nutrients%20they%20need%20to%20function, Accessed September 10, 2022

Classification & Structure of Blood Vessels, https://training.seer.cancer.gov/anatomy/cardiovascular/blood/classification.html, Accessed September 10, 2022

Kasalukuyang Version

10/25/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Lauren Labrador, MD, FPCP, DPCC

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Maintenance Sa High Blood: Heto Ang Dapat Mong Tandaan

Ikaw Ba Ay Nasa Panganib ng Atherosclerosis?


Narebyung medikal ni

Lauren Labrador, MD, FPCP, DPCC

Cardiology


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement