Nakakaapekto sa paggana ng katawan ang iyong mga kinakain, kabilang na ang iyong puso. Kaya naman maaaring makatulong ang pagbabago sa paraan ng iyong pagkain para mapababa ang iyong panganib sa isa pang atake sa puso. Narito ang breakdown ng mga diet na makatutulong sa iyo, at mga pagkain na dapat iwasan pagkatapos atakihin sa puso. Nakatuon ang treatment ng atake sa puso sa pag-iwas sa isa pang atake sa puso o iba pang kaparehas na komplikasyon gaya ng stroke. Ano ang pinakamahusay na pagkain para sa pag-iwas sa atake sa puso?
Mga Pagkaing Dapat Kainin: Pinakamahusay na Pagkain para sa Pag-iwas sa Atake sa Puso
Bahagi ng diet na mabuti para sa puso ang mga mani at buto, beans, munggo, whole grains, mga plant-based na oil, gaya ng olive oil, mga itlog (maaaring kumain nito ng hanggang anim na piraso bawat linggo), mga karne na walang balat, manok na walang balat, at iba pang mga pagkain na mababa sa saturated fat, sodium, at mga added sugar. Hindi rin natin maiaalis ang mga prutas at gulay, isda, at tubig.
Mga sariwang prutas at gulay
Kung makakaya, kainin nang hilaw ang mga gulay at prutas para mas makuha ang mga benepisyo nito. Maaari din ipalit sa sariwang gulay at prutas ang mga de-lata o frozen na uri nito. Ngunit maging maingat sa anumang dinagdag na sangkap tulad ng sodium, butter, o asukal.
Isda
Isa ang isda sa mga pinakamahusay na uri ng pagkain para sa pag-iwas sa atake sa puso. Partikular na ang ilang uri ng oily na isda. Dahil siksik sa omega-3 fatty acids ang mga oily na isda, nakatutulong ito sa pagpapababa ng triglyceride, paglaban sa inflammation, at pagsuporta sa kalusugan ng vascular. Pumili ng de-latang isda na nakalagay sa tubig. Subukang kumain ng hindi bababa sa dalawang serving ng isda bawat linggo. Isa ring magandang alternatibo ang mga de-latang isda. Kabilang sa mga halimbawa ang salmon, sardinas, trout, herring, at mackerel.
Tubig
Tubig ang pinakamahusay na pagpipilian pagdating sa mga inumin. Kung hindi nagugustuhan ang lasa ng plain water, subukang lagyan ito ng lasa. Para sa natural na lasa, maghiwa ng lemon, pipino, o berry, at ihalo ito sa tubig.
Mga Pagkaing Dapat Iwasan: Pinakamasamang Pagkain para sa Pag-iwas sa Atake sa Puso
Mga inuming may caffeine
Kumonsulta sa doktor para malaman kung ligtas para sa iyong puso ang pag-inom ng mga inuming may caffeine, tulad ng kape at tsaa. Kung ligtas ito, kaunti lamang, at walang cream o asukal ang inumin.
Sugar, Salt, Fat
Kung nag-aalala sa iyong puso, gugustuhin mong iwasan ang regular na pagkain ng mga pagkaing mataas sa salt, sugar, saturated fat, at refined carbohydrates. Gayunpaman, mas mahusay na pagtuunan ng pansin ang kabuuang diet kaysa mahumaling sa mga hindi masustansyang pagkain dahil maaari mo pa rin magustuhan ang mga pagkaing ito kung pipiliin ang diet na mayaman sa prutas na mabuti para sa puso, gulay, whole grains, lean protein, at mga produkto ng dairy na low-fat.
Bacon
Kung kasalukuyang nagpapagaling, huwag patagalin ang iyong paggaling sa pamamagitan ng pagkain nito. Hindi ito mabuti para sa pag-iwas sa atake sa puso. Higit sa kalahati ng calories ng bacon ang galing sa saturated fat, na maaaring magpataas ng panganib sa atake sa puso o stroke, at magpababa ng iyong good cholesterol (LDL). Konektado rin ang mga karagdagang preservative ng bacon sa stroke, sakit sa puso, at pagpalya ng puso. Puno ito ng sodium, ang pangunahing sangkap ng asin na nagpapataas ng presyon ng dugo at nagiging sanhi ng paghirap kumilos ng puso.
Soda at Iba pang mga Inumin na Pinatamis ng Asukal
Hindi nakakapinsala ang maliit na halaga ng added sugar, ngunit naglalaman ng maraming added sugar ang isang lata ng soda na higit pa sa pinapayo ng doktor para sa isang araw. At habang hindi pa malinaw ang siyensya sa diet drinks, nauugnay sila ng ilang pag-aaral sa pagtaas ng timbang at stroke. Ang plain, carbonated, o unsweetened flavored na tubig ang pinakamagandang opsyon para sa iyo. Maaaring mas tumaba ang mga umiinom ng soda, mas malaki din ang posibilidad na maging obese, at magkaroon ng type 2 diabetes, mataas na blood pressure, at sakit sa puso.
Baked Goods at iba pang Matamis
Gumawa ng mas masustansyang meryenda sa halip na cookies, cake, at muffin, na karaniwang gawa sa puting harina at karaniwang mayaman sa added sugar, na maaaring magpataas ng triglyceride level sa dugo at mapataas ang iyong panganib sa sakit sa puso. Paminsan-minsan lamang kinakain ang mga pagkaing ito. Palitan ng whole-wheat na harina ang butter o shortening, bawasan din ang dami ng asukal, at gumamit ng mga liquid plant oil.
Mga Processed Meat
Iwasan ito para maiwasan ang atake sa puso. Pagdating sa mga deli meat, mas mabuti ang turkey para sa iyo kaysa sa salami. Walang saturated fat ang turkey, ngunit mayroon pa rin itong sapat na dami ng sodium. Hindi ito kasing sustansya sa puso gaya ng sariwa at hiniwang turkey breast. Ang mga hot dog, sausage, salami, at lunch meat ang mga pinakamasamang uri ng karne para sa iyong puso dahil naglalaman ito ng maraming salt, at karamihan sa mga ito ang mataas sa saturated fat.
Refined Grains at Starches, gaya ng White Rice, Tinapay, at Pasta
Maaaring magdulot ng taba sa tiyan ang diet na mataas sa refined grains, na inuugnay ng mga pag-aaral sa sakit sa puso at type 2 diabetes. Sa halip, kuhanin ang halos kalahati ng iyong grains sa whole grains gaya ng brown rice, oats, at whole wheat. Kulang ang white rice, tinapay, pasta, at snacks sa healthy fiber, vitamins, at minerals. Mabilis din nagiging asukal ang refined grains, na ginagawang taba ng iyong katawan. Hanapin ang nakasulat na “100% whole grain” kapag namimili.
Pizza
Posibleng maging masustansya ang pizza kung maayos itong hinanda, ngunit karamihan sa mga takeout at frozen na pie ang mataas sa sodium, fat, at calories, na maaaring magpataas sa posibilidad na atakihin sa puso. Kapag nag-order ng takeout, pumili ng manipis na crust (whole wheat kung maaari), humiling ng mas kaunting keso, damihan ang gulay, at alisin ang maalat na pepperoni o sausage. Gumawa ng sariling pizza bilang pinakamabuting pagpipilian.
Alak
Hindi masama ang katamtamang pag-inom para sa iyong puso, maliban kung mayroon kang mataas na blood pressure o mataas na triglycerides, isang uri ng taba sa dugo na maaaring magpapataas ng panganib sa sakit sa puso. Sa kabilang banda, maaaring magdulot ng pagtaas ng timbang, pagpalya ng puso, mataas na presyon ng dugo, at stroke ang labis na pag-inom ng alak. Kaya pinapayong huwag subukan uminom kung hindi pa umiinom ng alak.
Butter (Mantikilya)
Maraming saturated fat ang butter, na maaaring magpataas ng bad cholesterol at panganib sa pagkakaroon ng sakit sa puso. Mas mabuti ang olive oil o spread na gawa sa vegetable oil, na naglalaman ng mono at polyunsaturated fats na mabuti para sa puso kaysa sa butter. Mas mabuti rin ang spread na naglalaman ng stanol kung may mataas na cholesterol. Maaaring bumaba ang LDL cholesterol level sa pagkain palagi nito.
Flavored, Full-Fat Yogurt
Isang magandang mapagkukunan ng sustansya ang yogurt. Maaaring magpababa ng panganib sa mataas na blood pressure ang regular na pagkain nito. Ngunit tignan ang iyong bibilhin. Maraming added sugar ang mga yogurt na may flavor, na nauugnay naman sa inflammation, sakit sa puso, mataas na blood pressure, at mataas ng timbang. Kumuha ng plain na low-fat yogurt, at lagyan ito ng sariwang prutas, cinnamon, o vanilla para sa mas masustansyang pagpipilian.
French Fries
Hindi mabuti para sa iyong puso ang mga piniritong patatas sa restaurant at fast food dahil mataas ito sa fat at salt. Ayon sa isang pag-aaral, mas mataas ang panganib mula sa pagkamatay sa murang edad ang mga kumakain ng hash browns o french fries nang dalawa hanggang tatlong beses bawat linggo. Kung planong kumain, bawasan ang dami nito. Mas mabuting gumawa ng sariling oven-baked fries na may kasamang olive oil na masustansya sa puso. Mas magiging masustansya pa ito kung gagamit ka ng kamote.
Pritong manok
Tumataas sa calories, fat, at sodium ang masustansyang pagkain na manok kapag piniprito ito. Pinapataas ng pritong manok ang iyong panganib mula sa sakit sa puso, ayon sa mga pag-aaral. Sa halip na magprito, mas masustansya din ang bread skinless chicken breast na binalot sa whole-wheat flour para maging malutong.
De-latang Sabaw
Magiging madali ang pagkain ng mga gulay, protina, at fiber sa tulong ng sabaw. Ngunit mag-ingat sa mga sangkap na hindi masustansya. Maraming de-latang sabaw ang mataas sa sodium. Ito ang nagpapataas ng blood pressure at panganib sa atake sa puso, stroke, at pagpalya ng puso. Bukod pa dito, naglalaman din ng nakakasamang saturated fat ang mga sabaw na cream-based. Ang pagluto ng sariling sabaw sa bahay na mababa sa sodium ang pinakamabuting gawin. Suriin ang label para sa mas hindi maalat at mataba na sabaw kung magpasya na bumili na lamang ng sabaw. Alisin ito sa listahan ng mga pagkain para sa pag-iwas sa atake sa puso o masustansyang pagkain.
Ranch Dressing
Karaniwang naglalaman ng buttermilk, asin, at asukal ang pinakagustong dressing na ito. Mataas ito sa fat, salt, at calorie content bilang resulta. Walang alin man sa mga ito ang mabuti para sa puso. Sa pagsasama-sama ng low-fat sour cream o cottage cheese na may low-fat buttermilk at sariwang halamang damo tulad ng dill, tarragon, o chives, maaari kang makagawa ng mas masustansyang bersyon ng paboritong creamy dressing.
Ice Cream (Sorbetes)
Ipagpaliban ang ice cream para sa mga mahalagang okasyon dahil mataas ito sa calories, asukal, at saturated fat. Nakakapagpataba ang mga pagkain na mataas sa fat at sugar. Dagdag pa dito, maaari ito magpataas ng triglycerides at magsanhi ng atake sa puso. Sa pagpili ng sorbetes, maaari mong mapababa ang iyong calorie at fat intake sa low-fat o non-fat frozen yogurt, o frozen fruit bar. Makikita sa label ang pinakamababang dami ng sugar at saturated fat.
Potato Chips
Isa ang potato chips sa listahan ng mga nagpapataas ng timbang. Bukod pa dito, nababalot ito sa asin na nauugnay sa sakit sa puso, pati na rin mataas sa saturated fat. Umiwas sa mga low-fat o low-sodium potato chips. Magugutom ka lang uli dito. Naglalaman ng lean protein, complex carbohydrates, at healthy fats ang mga pinakamasustansyang snack. Halimbawa nito ang mga handmade popcorn na nilagyan ng olive oil o mga whole grain crackers na may low-fat na keso.
Key Takeaways
Makipag-usap sa doktor, isang rehistradong dietitian, o isang nutritionist tungkol sa mga paraan para maayos ang paraan ng pagkain. Gawin din ito upang magkaroon ng lifestyle na mabuti para sa puso na makatutulong sa iyong iwasan ang isa pang atake sa puso, para bumuti ang iyong pamumuhay, at para magkaroon ng magandang epekto sa iyong ugali. Gumawa ng listahan ng mga pagkain para sa pag-iwas sa atake sa puso at dalhin ito kapag pupunta sa grocery para sa susunod na meal planning.
Matuto pa tungkol sa Sakit sa Puso dito.