backup og meta

Puwede bang Sumobra ang Good Cholesterol?

Puwede bang sumobra ang good cholesterol? Maraming tao ang nag-iisip na ang cholesterol ay isang bagay na dapat panatilihing mas mababa hangga’t maaari. Bakit nga naman hindi kung ang mataas na kolesterol ay isang risk factor para sa sakit sa puso. Sinasabi ng Centers for Disease Control and Prevention na nagpapataas ng panganib ng sakit sa puso at stroke ang mataas na cholesterol. 

Gayunpaman, ang mga antas ng cholesterol ay komplikado dahil ang iba’t ibang uri ay may iba’t ibang epekto. Ang high-density lipoprotein o HDL cholesterol ay kadalasang kilala bilang good cholesterol. Ito ay tumutulong na alisin ang bad, low-density lipoprotein o LDL cholesterol mula sa katawan. Para sa kadahilanang ito, itinuturing ng mga doktor na ito ay kapaki-pakinabang.

Mataas na good cholesterol

Oo ang sagot sa tanong kung puwede bang mataas ang good cholesterol, ngunit dapat tandaan na may hangganan ang taas ng HDL na makakabuti sa katawan. Kapag nalagpasan ang narerekomenda na levels ng HDL, maaari paring itong makaama sa kabuoan ng kalusugan.

Pagdating sa HDL cholesterol, mataas na numero kaysa sa LDL cholesterol ang karaniwang layunin. Ito ang nagwawalis ng LDL cholesterol mula sa mga daluyan ng dugo. Dinadala nito ang bad cholesterol sa iyong atay, kung saan ay sinisira ito at inaalis sa iyong katawan. Ang mga antas ng cholesterol ay isang mahalagang sukatan ng kalusugan ng puso. 

Nauugnay ang mas mataas na antas ng good cholesterol (HDL) sa mas mababang panganib ng sakit sa puso. Ang cholesterol ay matatagpuan sa lahat ng iyong mga selula at may ilang mga kapaki-pakinabang na tungkulin. Kabilang dito ang pagtulong sa pagbuo ng mga selula sa katawan. Dinadala ito sa daluyan ng dugo na nakakabit sa mga protina na kung tawagin ay lipoproteins.

Gaano kataas puwede bang sumobra ang good cholesterol

Narito ang dapat na antas ng good cholesterol sa katawan ayon sa mga eksperto:

  • Lalaki:  40 hanggang 60 milligrams bawat deciliter 
  • Babae: 50 hanggang 60 milligrams bawat deciliter 

Ang sapat na antas ng good cholesterol ay nagpoprotekta sa iyo laban sa sakit sa puso at stroke. Subalit maaaring makapinsala rin kapag sumobra ang antas nito. Ayon sa isang pag-aaral, ang mga taong may mga antas ng HDL cholesterol na higit sa 60 mg/dL ay halos 50% na mas malamang na magka-atake sa puso o mamatay mula sa sakit sa puso kumpara sa may HDL na 41 at 60 mg/dL.

Puwede bang sumobra ang good cholesterol? Panganib na dulot nito

Hindi sigurado ang mga mananaliksik ngunit mayroon silang ilang mga ideya kung bakit may panganib na dala ang sobrang taas na good cholesterol. Noong 2010, napag-alaman ng ilang mga mananaliksik ang panganib na dulot nito. Sinabi nila na ang mga taong inatake sa puso at may mataas na antas ng HDL at C-reactive protein ay mas mataas ang panganib na magkaroon ng isa pang cardiac event. Ang atay ay gumagawa ng C-reactive na protina kapag may pamamaga sa katawan. 

[embed-health-tool-heart-rate]

Sa ilang partikular na kondisyon, ang mga HDL ay maaaring magkaroon ng mga katangian ng nagpapasiklab ng pamamaga. Ayon sa mga mananaliksik, ang proteksiyon na dala ng HDL ay nakadepende hindi lamang sa kung gaano karaming HDL ang nasa katawan. Mahalaga din kung paano gumagalaw ang good cholesterol sa katawan.

Puwede bang sumobra ang good choletesrol: Hakbang sa kalusugan

Ang unang hakbang sa malusog na antas ng cholesterol ay ang regular na pagpapasuri ng antas nito at pagkonsulta sa doktor. Sinusukat ng mga pagsusuri sa kolesterol ang dami ng iba’t ibang uri ng cholesterol tulad ng HDL, LDL, at kabuuang cholesterol. Upang makahanap ng kabuuang marka ng kolesterol, pagsasama-samahin ng doktor ang mga antas ng HDL at LDL cholesterol ng isang tao at 20% ng kanilang antas ng triglyceride.

Karamihan sa mga nasa hustong gulang ay dapat magpasuri ng cholesterol tuwing apat hanggang anim na taon ngunit mas madalas kung mayroon silang:

  • Diabetes
  • Sakit sa puso
  • Kasaysayan ng pamilya na may mataas na kolesterol

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Can good cholesterol be too high?

https://www.webmd.com/cholesterol-management/good-cholesterol-too-high#:~:text=a%20good%20thing.-,How%20High%20Is%20Too%20High%3F,41%20and%2060%20mg%2FdL.

HDL cholesterol: how to boost your good cholesterol

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/high-blood-cholesterol/in-depth/hdl-cholesterol/art-20046388

Can my HDL be too high?

https://www.medicalnewstoday.com/articles/319275

HDL cholesterol: the good cholesterol

https://www.webmd.com/cholesterol-management/guide/hdl-cholesterol-the-good-cholesterol

Ask the doctor: Can HDL be too high?

https://www.health.harvard.edu/heart-health/ask-the-doctor-can-HDL-cholesterol-be-too-high

Too much of a good thing. Very high level of good cholesterol may be harmful

https://www.escardio.org/The-ESC/Press-Office/Press-releases/Too-much-of-a-good-thing-Very-high-levels-of-good-cholesterol-may-be-harmful

High HDL cholesterol

https://www.heartuk.org.uk/genetic-conditions/high-hdl-cholesterol

Kasalukuyang Version

01/24/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Ikaw Ba Ay Nasa Panganib ng Atherosclerosis?

Ano Ang Tamang Cholesterol Level, Ayon Kay Dr. Willie Ong?


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement