backup og meta

Ano Ang Tamang Cholesterol Level, Ayon Kay Dr. Willie Ong?

Ano Ang Tamang Cholesterol Level, Ayon Kay Dr. Willie Ong?

Itinuturing na isang fatty substance ang kolesterol, kung saan ginagawa ito ng ating atay na matatagpuan din sa ilang mga pagkain. Sa katunayan, nangangailangan din ng kolesterol ang ating katawan upang gumana ito nang maayos. Gayunpaman, ang mataas na antas ng kolesterol sa dugo ay maaaring magpataas ng panganib ng mga problema sa kalusugan, gaya ng sakit sa puso, at stroke. Habang ang pagkakaroon naman ng mababang antas ng kolesterol sa katawan ay pwedeng maging sanhi ng sakit sa atay, hormonal imbalance, at iba pa.

Kaugnay ng mga nabanggit tungkol sa mga posibleng epekto ng mataas at mababang kolesterol, makikita natin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tamang cholesterol level ng katawan sa pagpapabuti ng ating kalusugan.

Kaya naman patuloy na basahin ang article na ito, para malaman ang tamang cholesterol level na dapat taglayin.

Ano Ang Tamang Cholesterol Level Ang Best Para Sa Iyo?

Isa si Dr. Willie Ong sa mga Pilipinong doktor at eksperto sa kalusugan na madalas na nagbabahagi ng impormasyon sa kalusugan sa pamamagitan ng kanyang mga social media platform. Ayon kay Dr. Willie Ong, ang normal na antas ng kolesterol para sa mga bata at matatanda ay ang mga sumusunod:

Para sa mga bata:

  • total cholesterol: mas mababa sa 170 mg/dL
  • LDL cholesterol (kadalasang tinatawag na “bad” cholesterol): mas mababa sa 100 mg/dL
  • HDL cholesterol (madalas na tinatawag na “good” cholesterol): higit sa 45 mg/dL
  • Triglycerides: mas mababa sa 75 mg/dL

Para sa mga matatanda:

  • total cholesterol: mas mababa sa 200 mg/dL
  • LDL cholesterol: mas mababa sa 100 mg/dL
  • HDL cholesterol: higit sa 40 mg/dL para sa mga lalaki at higit sa 50 mg/dL para sa mga babae
  • triglycerides: mas mababa sa 150 mg/dL

Gayunpaman, mahalagang tandaan na ang mga ito ay general guidelines, at ang ideal cholesterol levels ay maaaring mag-iba depende sa overall health status ng isang indibidwal, medical history, at iba pang mga risk factor para sa sakit sa puso. Kaya naman pinakamahusay na kumunsulta sa isang healthcare professional para malaman kung anong mga antas ng kolesterol ang pinakamainam para sa iyo — at sa ibang tao.

6 Tips Para Ma-Regulate Ang Iyong Cholesterol

Narito ang ilang mga tips na maaari mong gawin para makontrol ang iyong cholesterol level:

  1. Panatilihin ang isang malusog na timbang

Ang pagiging sobra sa timbang o obese ay maaaring maging dahilan para tumaas ang iyong LDL cholesterol, at mabawasan ang iyong HDL cholesterol. Kaya ang pagpapanatili ng isang malusog na timbang ay pwedeng lubhang makatulong sa pag-regulate ng ating cholesterol level.

  1. Magkaroon ng masustansyang diet

Ayon sa mga datos, pag-aaral, at article, ang diet na mababa sa saturated at trans fats, at mataas sa prutas, gulay, whole grains, at lean proteins ay makakatulong sa pag-regulate ng mga antas ng kolesterol. Habang ang mga pagkaing mataas sa kolesterol, tulad ng red meat, at pula ng itlog ay dapat ubusin o kainin sa katamtaman na paraan.

  1. Regular na mag-ehersisyo

Tandaan mo na ang regular physical activity ay maaaring makatulong sa pagtaas ng high-density lipoprotein (HDL) o “good” cholesterol, na makakatulong sa pag-alis ng low-density lipoprotein (LDL) o “bad” cholesterol mula sa iyong daluyan ng dugo.

  1. Limitahan ang pag-inom ng alak

Ang pag-inom ng sobrang alak ay maaaring magpataas ng iyong triglyceride levels, na pwedeng mag-ambag sa pagkakaroon mo ng mataas na kolesterol.

  1. Tumigil sa paninigarilyo

Mas mainam na tumigil ka sa paninigarilyo dahil maaaring makapinsala ito sa mga wall ng iyong mga daluyan ng dugo. Ito ay nagiging sanhi para mas magkaroon ka ng cholesterol buildup.

  1. Uminom ng gamot ayon sa inireseta ng doktor

Kapag mataas o mababa pa rin ang cholesterol level sa kabila ng mga ginawa mong pagbabago sa pamumuhay, maaaring magreseta ang iyong doktor ng gamot para makatulong na makontrol ang iyong mga antas ng kolesterol.

Sa madaling sabi, mahalagang makipagtulungan sa iyong doktor para bumuo ng isang plano na gumagana para sa iyo at makatulong na i-regulate ang iyong cholesterol level.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

High Cholesterol: Overview, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK279318/#:~:text=The%20following%20levels%20are%20considered,1.3%20mmol%2FL)%20in%20women Accessed May 24, 2023

Cholesterol Numbers and What They Mean, https://my.clevelandclinic.org/health/articles/11920-cholesterol-numbers-what-do-they-mean Accessed May 24, 2023

Cholesterol Levels: What You Need To Know, https://medlineplus.gov/cholesterollevelswhatyouneedtoknow.html Accessed May 24, 2023

LDL and HDL Cholesterol and Triglycerides, https://www.cdc.gov/cholesterol/ldl_hdl.htm Accessed May 24, 2023

Cholesterol Level, https://www.nhs.uk/conditions/high-cholesterol/cholesterol-levels/ Accessed May 24, 2023

High Cholesterol, https://www.nhsinform.scot/illnesses-and-conditions/blood-and-lymph/high-cholesterol Accessed May 24, 2023

Kasalukuyang Version

06/13/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Puwede bang Sumobra ang Good Cholesterol?

Pagkain Na Walang Cholesterol, Mas Masustansya Nga Ba?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement