Palaging paalala sa atin ang mga ad ng alak na uminom ng katamtaman. Pero, paano kung may underlying condition ka tulad ng high blood pressure? Maaari ka pa rin bang uminom ng alak? Narito ang dapat mong malaman tungkol sa pag-inom ng alak at high blood.
Ang Rule, Uminom ng Moderate, Dapat Pa rin sa Mga Taong may Hypertension
Kung ikaw ay hypertensive, malamang, sinabi ng iyong doktor na iwasan ang alak o, kahit papaano, siguraduhing hindi ka umiinom ng sobra.
Ang sobrang pag-inom ay nagpapataas ng presyon ng dugo sa hindi malusog na mga level.
Halimbawa, ang tatlong drinks sa isang upuan ay maaaring pansamantalang magpataas ng iyong BP. Pero, kung paulit-ulit kang umiinom, maaaring magkaroon ng pangmatagalang pagtaas.
Ang bottom line ay, ang moderate drinking ay isang panuntunan na dapat pa rin sa mga taong may high blood.
Ang Pag-inom ng Katamtaman
Hindi maaaring pag-usapan ang tungkol sa pag-inom ng alak at high blood nang hindi tinutukoy kung ano ang ibig sabihin ng pag-inom ng katamtaman. Sa tuwing umiinom ka ng alak, tandaan ang mga sumusunod na alituntunin:
- Katamtamang pag-inom- katumbas lamang ng isang inumin bawat araw para sa mga babae o hanggang dalawang inumin araw-araw para sa mga lalaki
- Labis na pag-inom- apat o higit pang inumin sa loob ng dalawang oras para sa mga babae o lima o higit pang inumin sa loob ng dalawang oras para sa mga lalaki
- Heavy drinking- higit sa sa tatlong inumin araw-araw para sa mga babae o higit sa apat na inumin sa isang araw para sa mga lalaki
Karagdagang Paliwanag sa Kung Ano ang Itinuturing na One Drink
Maaaring mukhang may negatibong koneksyon sa pagitan ng pag-inom ng alak at high blood, ngunit para sa maraming eksperto, ito ay tungkol sa moderation.
Ngunit ang pag-inom ng katamtaman ay maaaring maging lubos na nakalilito, lalo na kung hindi mo alam kung gaano karami ang isang karaniwang inumin.
Tandaan na ang isang inumin ay hindi katumbas ng isang baso. Upang malaman ang dami ng isang karaniwang inumin, kailangang malaman kung gaano karaming alkohol ang nilalaman ng iyong inumin. Karaniwan, ang ibig sabihin ng one drink ay:
- 5 ounces (148 ml) ng alak, na naglalaman ng humigit-kumulang 12% alcohol
- 12 ounces (355 ml) ng regular na beer, na may humigit-kumulang 5% alcohol
- 1.5 ounces (44 ml) ng distilled spirit, na naglalaman ng humigit-kumulang 40% alcohol
Kapag gusto mo ng inumin, kailangan mo munang malaman ang alcohol content.
Paano ang Red Wine?
Ang negatibong koneksyon ba sa pagitan ng alkohol at high blood ay nababawasan kung ang inuming pinag-uusapan ay red wine?
Ang sagot ay hindi. Bagama’t itinuturo ng maraming pag-aaral na ang red wine ay may maraming benepisyo dahil sa nilalaman nitong antioxidant, kailangan mo pa rin inumin ito ng katamtaman.
Mga Karagdagang Bagay na Dapat Malaman Tungkol sa pag-inom ng alak at high blood
Bukod sa pag-inom ng katamtaman, tandaan na may iba pang risks sa pag-inom ng alak kung ikaw high blood.
Isa pa, ang pag-inom ng alak ay maaaring magresulta sa pagtaas ng timbang, na isang pangunahing kadahilanan ng risk sa hypertension. Siyempre, ang alak ay maaaring may interaction sa iyong hypertensive medications.
Upang maiwasan ang mga negatibong kahihinatnan ng pag-inom ng alak at high blood, kausapin ang doktor sa uri ng alak na maaaring inumin. Ito ay kung gaano karami ang dapat inumin, at kung kailan ito dapat inumin.
Finally, huwag kalimutan na ang controlled liquor consumption ay isang factor lamang para maabot ang iyong target blood pressure.
Ang heart-healthy diet at regular na ehersisyo ay mahalaga din. Bukod dito, kung may maintenance medicines, kailangan mong inumin ang mga ito ayon sa inireseta.
Key Takeaways
Bilang isang general rule, ang mga kababaihan ay hindi dapat uminom ng higit sa one drink bawat araw. Ang mga lalaki ay dapat lamang may hanggang two drinks araw-araw. Tandaan na ang dami ng isang inumin ay nag-iiba dahil depende ito sa alcohol content ng inumin.
[embed-health-tool-bmi]