backup og meta

Paano Maiiwasan ang High Blood? Narito ang Dapat mong Tandaan

Paano Maiiwasan ang High Blood? Narito ang Dapat mong Tandaan

Mas mainam na maiwasan kaysa gamutin. Ang katagang ito sa medical maxim ay tiyak na akma sa maraming mga sakit, at ang hypertension ay hindi exception.

Nangungunang sanhi ng pagkamatay sa buong mundo ang hypertension, kasama ng ibang mga cardiovascular diseases. Ang World Health Organization ay na-estimate na 12.8% ng lahat ng pagkamatay sa kasaysayan ay dahil sa kondisyong ito. Sa Estados Unidos lamang, nasa 100 milyon na Amerikano, o 1 sa 3 mga tao ay pinaniniwalaan na may hypertension.

Mas nakababahala na kumpara sa ibang mga sakit, ang hypertension ay madalang na magpakita ng mga sintomas hanggang sa huli na ang lahat, kaya’t tinatawag itong “silent killer.” Ang lebel ng pressure ng high blood ay karaniwan na humahantong sa nakamamatay na medikal na kondisyon, tulad ng atake sa puso at stroke. Mula rito, kapaki-pakinabang na malaman paano maiiwasan ang high blood.

Gaya ng lahat ng mga sakit, ang susi ay pag-iwas dito, at ang pag-alam paano maiiwasan ang high blood pressure ay napakahalaga. Kung ikaw ay may banta na magkaroon nito, may mga tiyak na bagay rin na maaari mong gawin upang i-manage ang hypertension. Ang ilang pagbabago sa iyong lifestyle at diet ay maaaring maging paraan para sa mas malusog na lifestyle sa hinaharap.

Ano ang nangyayari kung ikaw ay hypertensive?

paano maiiwasan ang high blood

Ang hypertension, o high blood pressure ay long-term na kondisyon sa kalusugan na nangangahulugan na pagtaas ng lebel ng dugo na nagpu-pump sa iyong arterties.

Isipin na ang iyong arteries ay isang water hose. Kung pinisil mo maigi ang water hose, ang dami ng tubig na dadaan sa water hose ay kokonti, habang ang pressure ng water sa hose ay tataas.

Ganoon sa high blood pressure at sa arteries.

Sa pagtaas ng blood pressure, ang daloy ng dugo sa iyong organs, tulad ng sa utak, puso, at bato ay bumababa. Karagdagan, ang high blood pressure ay maaari ding mag-rupture o pumutok ang arteries. Ang kondisyon na ito ay humahantong sa atake sa puso, heart failure, at maging ang stroke kung hindi gagamutin nang maayos.

Ano ang Sanhi ng Hypertension?

Ang high blood pressure ay long-term na kondisyon, at maaari mong maranasan ito sa loob ng maraming taon na walang nararamdamang sintomas. Mas at risk na magkaroon ang mga matatanda ng kondisyon na ito, dahil sa mabagal na metabolism. Kaya’t mahalaga na magkaroon ng regular na checkups sa iyong doktor, na magbibigay ng payo paano maiiwasan ang hypertension. Kung inaalala mo ang iyong blood pressure, maaari mo rin itong tingnan sa bahay sa pamamagitan ng specialized device na tinatawag na sphygmomanometer.

Maraming mga salik ang sanhi ng hypertension:

Genes

Kung ang iyong pamilya ay may history ng cardiovascular na mga sakit, may banta na maaaring magkaroon ka rin ng mga ganitong kondisyon. Gayunpaman, maaaring ito ay dahil sa shared family environment, tulad ng diet at lifestyle, hindi lamang namamanang sakit.

Lifestyle

Ang hindi malusog na lifestyle ay humahantong sa hypertension. Halimbawa, ang labis na paninigarilyo at pag-inom ng alak ay maglalagay ng dagdag na pressure sa iyong puso at arteries. Maaari din nitong maapektuhan ang iyong bato at baga, na nakapagpapataas ng tsansa ng high blood pressure.

Diet

Ang diet ay malaking bahagi sa pagtukoy ng lebel ng blood pressure. Ang asin o mas tiyak sa tawag na sodium ay malaki ang gampanin sa kalusugan ng arteries sa ating katawan. Sa kabilang banda, ang labis na pagkonsumo ng sugar ay humahantong sa diabetes at obesity. Ang pagkonsumo ng marami sa kahit na ano sa dalawa ay maaaring magpataas ng banta ng hypertension.

Edad

Tumataas ang blood pressure sa pagtanda, at mas tumataas ang banta kung ikaw ay nasa 50s pataas. Sa puntong ito, mas babagal ang metabolism ng katawan. Mahihirapan ang puso at ibang mga organs na mag-function nang mas maayos.

Hindi pagkilos

Ang hindi pagkilos ay nagpapataas ng banta ng hypertension. Sa kabaliktaran, ang ehersisyo ay epektibong nakapagpapababa ng blood pressure. Mas marami pa nito sa ibaba.

Paano Maiiwasan ang High Blood Pressure?

paano maiiwasan ang high blood

Narito ang ilang mga paraan paano maiiwasan ang high blood pressure at i-manage ito:

Ehersisyo

Ang pagiging aktibo sa pisikal na aspekto ay magandang paraan upang simulan ang paraan kung paano maiiwasan ang high blood pressure, maging ang iba pang mga sakit.

Ang pananatiling aktibo ay nagbibigay sa iyo ng kontrol sa iyong heart rate at blood pressure.

Espesyal na may benepisyo rin ito sa katawan sa mahabang panahon, lalo na kung ikaw ay nabawasan ng timbang. Kailangan mo lang ng nasa 150 minuto kada linggo (na nasa 30 minuto kada araw, lima o mas marami pang araw kada linggo) ng moderate-intense ng pisikal na gawain upang maging malusog ang blood pressure.

Panatilihin ang Malusog na Diet

Ang pag-alam kung anong ikokonsumo ay mahalaga upang malaman kung paano maiiwasan ang high blood pressure.

Ang malusog at balanseng diet ay mayroong hindi mabilang na benepisyo. Mainam na pinagmumulan ng mahahalagang bitamina at mineral ang mga prutas at gulay.

Upang maiwasan ang hypertension, magsagawa ng diet na mayaman sa potassium, magnesium, calcium, protina, at fiber ngunit mababa sa saturated fat at cholesterol.

Magbawas ng Timbang,kung Kailangan

Ang timbang ng katawan ay malaki ang gampanin sa pag-iwas sa hypertension. Nagpapataas ng banta ng high blood pressure ang obesity.

Sa kabaliktaran, ang pagbawas ng timbang ay nakapagbabawas ng banta nito. Ang nasa walong pounds ng pagbawas ng fat ay nakababawas na sa banta ng hypertension na nasa 50 porsyento.

Bawasan ang Konsumo ng Asin at Asukal

Ang pagbawas ng konsumo ng asin at asukal ay mabilis na nakapagpapababa ng banta ng hypertension. Sa pamamagitan ng pagbawas ng asin at asukal, ang mga artery ay mapapadala ang dugo nang mas mainam. Bababa rin ang tsansa ng atake sa puso at stroke.

Bawasan ang Stress

Ang pamumuhay sa stressful na kapaligiran ay nakapagdadagdag ng banta ng high blood pressure. Ang mental na benepisyo ng pananatili sa mapayapang lugar ay hinahayaan kang makapag-relax ng lebel ng heart rate. Nakatutulong din ang magandang tulog sa gabi.

Iwasan ang Alak

Ang labis na pagkonsumo ng alak ay humahantong sa mas mataas na lebel ng blood pressure. Ang mga babaeng kumokonsumo ng dalawa o mas maraming alak kada araw at ang mga lalaki na umiinom ng tatlo o marami pa kada araw ay mataas ang banta na magkaroon ng hypertension kumpara sa mga hindi umiinom ng alak. Napapagod ang arteries kung isa o dalawang baso ng alak ang kinokonsumo. Ang pagbawas ng pag-inom ay nakakapag-relax ng daraanan. Mas madali ang pagpapadala ng dugo at mas kaunting pressure sa puso.

Key Takeaways

Magandang paraan ang pagtukoy sa iyong kasalukuyang gawain upang matuto paano maiiwasan ang hypertension. Makatutulong ang pagbabago ng lifestyle upang maiwasan ang hypertension. Ngunit sa kaso ng mas mataas na lebel ng blood pressure, kakailanganin mong uminom ng mga gamot gaya ng payo ng doktor. Gaya ng binabanggit sa medikal na payo, mas mainam na konsultahin ang iyong doktor at pumunta sa ospital upang magpatingin kung kailangan.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Noncommunicable diseases: Risk factors, https://www.who.int/gho/ncd/risk_factors/blood_pressure_prevalence_text/en/

More than 100 million Americans have high blood pressure, AHA says, https://www.heart.org/en/news/2018/05/01/more-than-100-million-americans-have-high-blood-pressure-aha-says

Know Your Risk for High Blood Pressure, https://www.cdc.gov/bloodpressure/risk_factors.htm

Hypertension: What You Need to Know as You Age, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/high-blood-pressure-hypertension/hypertension-what-you-need-to-know-as-you-age

10 ways to control high blood pressure without medication, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/high-blood-pressure/in-depth/high-blood-pressure/art-20046974

 

 

 

Kasalukuyang Version

08/23/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Paano Gamitin Ang BP Monitor Na Digital? Alamin!

Paano Nangyayari Ang Hypertensive Crisis?


Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement