backup og meta

Paano Gamitin Ang BP Monitor Na Digital? Alamin!

Paano Gamitin Ang BP Monitor Na Digital? Alamin!

Ang paggamit ng digital blood pressure monitor ay isang madaling paraan upang malaman ang BP. Hindi tulad ng manual device, hindi kailangang pakinggan ang tunog ng Korotkoff — ang tapping na tunog na naririnig habang dahan-dahang nawawalan ng hangin ang cuff. Gayunpaman, upang magkaroon ng tamang resulta, kailangang gamitin nang wasto ang device. Narito ang mga paraan kung paano gumamit ng BP monitor na digital.

Paano gumamit ng BP monitor na digital?

Narito ang mga paraan kung paano gumamit ng BP monitor na digital:

Magpahinga sa loob ng 30 minuto bago magpa-BP

Kalahating oras bago magpa-BP, magpahinga muna. Huwag gumawa ng anomang pisikal na gawain, manigarilyo, o uminom ng inuming may sangkap na kape. Gayundin, pumunta sa palikuran upang umihi.

At huli, 5 minuto bago magpa-BP, maupo lamang.

Gawin ang tamang posisyon

Maupo nang nakatuwid ang likod. Sumandal sa upuan. Kung maaari, gumamit ng pantay na upuan at hindi ng sofa. Tiyaking nakalapat ang mga paa sa sahig.

Suotin nang wasto ang cuff

Ilagay ang braso sa pantay, matibay na bagay, tulad ng lamesa. Tiyaking ang itaas na bahagi ng braso ay kasing lebel ng puso.

Sikipan ang cuff sa braso na walang damit — hindi dapat ito masyadong mahigpit, ngunit hindi masyadong maluwag. Dapat ay makapagpapasok ng dalawang daliri sa taas na dulo ng cuff.

Gayundin, ang baba ng cuff ay dapat 1 pulgada ang taas mula sa siko, at ang tube ay dapat nakalagay nang direkta sa gitnang bahagi ng harap ng braso.

Magpa-BP nang hindi bababa sa dalawang beses

Maghintay ng ilang saglit bago pindutin ang ‘start’ na button. Kapag pinindot na ito, ang cuff ay magkakaroon ng hangin at saka mawawalan ng hangin upang malaman ang resulta. Ang resulta ng blood pressure (kasama ng pulso) ay makikita sa panel.

Paano gumamit ng BP monitor? Mahalaga na magpa-BP 2 hanggang 3 beses na may 1 hanggang 2 minutong pagitan. Ito ay upang malaman kung wasto ang resulta. Tandaan, ang resulta ay hindi kailangang makatulad, ngunit dapat ay magkalapit sa isa’t isa. (Halimbawa: 112/68 mmHg, 110/66 mmHg).

Itala ang resulta

At huli, huwag kalimutang itala ang resulta sa isang tracker. Sa pamamagitan ng tracjer, madaling malalaman kung ang BP ay tumataas, bumababa, o nananatili lamang sa target na range. Gagamit din ng tracker ang doktor upang malaman kung kailangang baguhin ang gamot o diet ng pasyente.

Paano kung masyadong mataas ang resulta?

Ayon sa mga eksperto, ang isang resulta na bahagya o katamtamang mas mataas kaysa sa normal ay kadalasang hindi sanhi ng alalahanin. Ang pinakamainam na gawin ay alamin ang BP ng mas maraming beses at itanong sa doktor kung ito ay isang alalahanin o problema sa device.

Kung ang systolic blood pressure (numero sa taas) ay mas mataas sa 180 mmHg o kung may mas mataas kaysa sa normal na BP at nakararanas ng mga sintomas tulad ng pagsakit ng ulo, panlalabo ng paningin, pagsusuka, pagduduwal, o pagkawala ng malay, pumunta agad sa ospital dahil marahil ito ay hypertensive crisis

Paano gumamit ng BP monitor? Mga karagdagang paalala

Matapos malaman ang paraan kung paano gumamit ng BP monitor na digital, narito ang mga mahahalagang paalala:

  • Alamin ang blood pressure dalawang beses sa isang araw sa parehos oras kada araw. Sa umaga, maaaring magpa-BP bago kumain at uminom ng gamot; maaaring magpa-BP bago matulog sa gabi.
  • Ingatan ang cuff at device. Laging tingnan kung may sira ang cuff at regular na palitan ang mga baterya.
  • Iwasang magpa-BP sa tuwing dismayado at nababahala.

Key Takeaways

Paano gumamit ng BP monitor na digital? Bilang konklusyon, kailangang magpahinga sa loob ng kalahating oras bago magpa-BP, gawin ang tamang posisyon, sikipan ang pagsusuot ng cuff, magpa-BP nang hindi bababa sa dalawang beses, at itala ang resulta.

Matuto pa tungkol sa Altapresyon dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

How to use a home blood pressure monitor, https://www.heart.org/en/health-topics/high-blood-pressure/understanding-blood-pressure-readings/monitoring-your-blood-pressure-at-home, Accessed July 19, 2021

Video: How to measure blood pressure using an automatic monitor, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/high-blood-pressure/multimedia/how-to-measure-blood-pressure/vid-20084749, Accessed July 19, 2021

High Blood Pressure: Checking Your Blood Pressure at Home, https://www.uofmhealth.org/health-library/zp2624, Accessed July 19, 2021

Blood pressure monitors for home, https://medlineplus.gov/ency/article/007482.htm, Accessed July 19, 2021

Hypertensive Emergencies, https://www.msdmanuals.com/professional/cardiovascular-disorders/hypertension/hypertensive-emergencies, Accessed July 19, 2021

Kasalukuyang Version

03/16/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Ano Nga Ba Ang Epekto Ng Pagpupuyat Sa Kalusugan Ng Puso?

Paano Nangyayari Ang Hypertensive Crisis?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement