Alam mo ba na ang hindi sapat na tulog ay maaaring magkaroon ng masamang epekto sa iyong kalusugan? Sa katunayan, maaari itong magkaroon ng epekto sa iyong puso. Ngunit paano nakaaapekto ang pagtulog sa kalusugan ng puso? At gaano karaming tulog ang dapat mong makuha araw-araw? Ano ang epekto ng pagpupuyat sa puso? Alamin ang mga sagot sa mga tanong na ito at higit pa, sa ibaba.
Paano Nakaaapekto ang Pagtulog sa Kalusugan ng Puso?
Ang pagtulog ay isang bagay na isinasantabi ng maraming tao. Lalo sa panahon ngayon, parang karaniwan na lamang ang pagpupuyat. Gayunpaman, bukod sa nagdudulot pakiramdam na pagod o mainit ang ulo, ang kakulangan sa pagtulog ay maaaring magkaroon ng mas malubhang epekto sa iyong kalusugan.
Upang masagot ang tanong na “Paano nakaaapekto ang pagtulog sa kalusugan ng puso?”, kailangan nating maunawaan kung ano ang nangyayari sa katawan tuwing tayo ay natutulog.
Sa tuwing tayo ay natutulog, ang ating blood pressure ay nagsisimulang bumaba. Ito ay dahil hindi talaga tayo gumagawa ng anumang aktibidad kapag natutulog, kaya pinababa ng ating katawan ang ating blood pressure sa humigit-kumulang 10%-20% na mas mababa kaysa sa normal. Dahil bumababa ito kapag tayo ay natutulog, nangangahulugan ito na napapanatiling mataas ang blood pressure kapag nagpupuyat. Ito ay lalong problema kung ang tao ay may high blood pressure na simula pa lang.
Ang pagtulog ay nagpapahintulot din sa puso na makabawi mula sa patuloy na pagbomba ng dugo sa buong katawan. Habang bumababa ang presyon ng ating dugo kapag natutulog tayo, bumababa rin ang tibok ng ating puso. Binibigyan nito ang puso ng sapat na oras upang “magpahinga” at makabawi, upang kapag nagising tayo, handa na ito para sa isa pang abalang araw.
Napag-alaman din na ang kakulangan sa tulog ay nagpapataas ng panganib ng atherosclerosis ng isang tao. Ito ay ang pagbuo ng plaque sa loob ng mga arterya. Ang pagpupupuyat ay maaaring humantong sa chronic inflammation, na maaaring magpapataas ng pagbuo ng plaque sa mga arterya.
Ilan lamang ito sa mga dahilan kung paano nakaaapekto ang pagtulog sa kalusugan ng puso.
Mas Maaapektuhan ng Pagtulog ang Iyong Puso
Paano nakaaapekto ang pagtulog sa kalusugan ng puso? Bukod sa puso, ang pagtulog ay maaari ding magkaroon ng iba pang masamang epekto sa katawan. Una, ang kakulangan sa tulog ay maaaring maging sanhi ng pagkapagod, at maaaring mag-ambag sa stress. Mas nagiging iritable ang isang tao dahil sa pagpupuyat na nakadaragdag muli sa stress.
Siyempre, kung kulang ka sa tulog, maaaring makaramdam ka ng pagod o kawalan ng lakas sa buong araw. Nangangahulugan ito na maaaring hindi ka gaanong maging produktibo sa trabaho, o maaaring wala kang lakas na gawin ang mga bagay na gusto mong gawin sa araw na iyon.
Maaari ding makaapekto ang pagpupuyat sa metabolismo ng isang tao. Ang pagkagambala sa metabolismo ng isang tao ay maaari ding mag-ambag sa pagtaas ng timbang, na maaaring magpataas ng panganib ng mga problema tulad ng diabetes at mga problema sa cardiovascular.
Ang isa pang epekto ng pagpupuyat ay maaaring pahinain ang iyong immune system. Mas madaling makakapitan ng sakit, at maaaring maging mas malubha sa paglipas ng panahon.
Ilan lamang ito sa mga dahilan kung bakit kailangan mong makakuha ng sapat na tulog bawat gabi. Bilang karagdagan, ang pagkakaroon ng sapat na tulog ay maaari ding magkaroon ng maraming benepisyo sa iyong kalusugan.
Paano Ka Makakatulog nang Mas Maayos?
Paano nakaaapekto ang pagpupuyat sa kalusugan ng puso? Ngayong alam na natin kung paano nakaaapekto ang pagtulog sa kalusugan ng puso, paano ka naman magkakaroon ng sapat na tulog?
Ang maaari mong gawin muna ay subukan at dahan-dahang matulog. Kung madalas kang matulog ng 6 na oras lamang sa isang araw o mas kaunti, subukang dagdagan ito ng isang oras. Kapag nagawa mo na iyon sa loob ng isang linggo, maaari mong subukang dagdagan ang tagal ng iyong pagtulog hanggang sa makatulog ka ng buong 8 oras.
Ang pag-iwas sa mga inuming may caffeine, paggamit ng iyong smartphone, at pagdidilim ng mga ilaw ay maaari ding gawin upang mabilis na makatulog. Para sa ilang tao, ang pag-inom ng tsaa, pag-amoy ng mahahalagang langis ng lavender, at pagmumuni-muni ay maaaring gawin.
Sa alinmang paraan, pagdating sa kung paano nakaaapekto ang pagtulog sa kalusugan ng puso, ang mahalagang bagay na dapat tandaan ay huwag masiraan ng loob. Maaaring tumagal ng ilang oras upang ayusin ang iyong body clock, at sa huli ay malalaman mo na kung ano ang iyong kailangan.
Matuto pa tungkol sa Hypertension dito.
[embed-health-tool-bmi]