Ang high blood pressure, kung hindi natugunan, ay maaaring humantong sa ilang mga nakakapanghinang komplikasyon. Narito kung epekto ng high blood sa katawan.
Ang high blood pressure, kung hindi natugunan, ay maaaring humantong sa ilang mga nakakapanghinang komplikasyon. Narito kung epekto ng high blood sa katawan.
Mayroong negatibong epekto ng high blood sa katawan dahil sa pagkapinsala sa mga daluyan ng dugo tulad lalo, na ang mga arteries. Ang malusog na mga artery ay matibay, nababaluktot, at makinis, na nagpapahintulot sa dugo na maluwag na dumaloy sa buong katawan nang walang problema. Ngunit, kapag mayroon kang altapresyon, napipinsala nito ang mga lining ng mga artery, nababanat at lumilikha ng mga punit.
Kapag ang mga artery ay nagtamo ng mga pinsala o punit, mas madali silang kapitan ng mga fat deposit. Ang buildup ng mga fatty plaque ay maaaring makabawas sa tibay, lakas at elasticity ng mga daluyan ng dugo. Bilang resulta, maaaring magkaroon ng matigas, makitid, o baradong mga artery na humahadlang sa daloy ng dugo. Mapanganib ito dahil maaari kang magkaroon ng mga pamumuo ng dugo, na maaaring humantong sa mga malubhang cardiovascular disease tulad ng atake sa puso at stroke.
Dahil hindi na makadadaloy ang dugo tulad ng nakasanayan, susubukan ng puso na magbomba nang mas malakas. Sa katagalan, mapapagod at manghihina ang mga muscle ng puso dahil sa sobrang pagtatrabaho. Ito ay maaaring magresulta sa pagpalya ng puso. Bukod dito, ang humihinang mga artery ay maaaring humantong sa aneurysm, isang kondisyon kung saan ang mga artery ay lumolobo. Nararapat na matandaan mo na ang aneurysm ay maaaring magbanta sa buhay mo dahil maaari itong pumutok at magdulot ng malalang internal bleeding o stroke.
Malaki ang epekto ng high blood sa katawan marahil ito ay nakakapinsala ng mga bato, dahil nangangailangan sila ng malusog na mga daluyan ng dugo upang mapanatiling malinis ang ating dugo at ma-filter ang mga toxin at mga dumi. Gayunpaman, sa high blood pressure, ang maliliit na artery na humahantong sa pagpapatagal at pagpapalala ng mga pinsala sa mga bato. Ang mga ito ay maaaring magresulta sa mga sumusunod:
Blood vessel scarring. Kapag nagkakaroon ng mga peklat ang maliliit na daluyan ng dugo, hindi sila magiging kasing epektibo sa pagsala ng mga toxin sa dugo.
Renal failure. Kapag hindi na ma-filter ng bato ang dugo nang kasing epektibo ng dati, ang mga dumi at likido ay naiipon sa katawan. Dahil dito, mapipilitan ang mga bato na mas magtrabaho, na maaaring humantong sa kidney failure.
Ang altapresyon ay isa sa mga pangunahing kadahilanan ng panganib sa kidney failure, kaya ang pagtitiyak na ang iyong BP ay mananatili sa healthy range ay dapat maging isang priyoridad.
Kabilang ang vision problems sa epekto ng high blood sa katawan. Ang pagtaas ng blood pressure ay masyadong mabigat para sa mga maliliit, at maseselan na mga daluyan ng dugo sa mga mata. Sa pangkalahatan, ang mga vision problem na nauugnay sa altapresyon ay nangyayari dahil sa:
Retinal damage. Kapag ang light-sensitive retina ay napinsala, maaaring mangyari ang pagdurugo. Kalaunan, ito ay maaaring humantong sa panlalabo ng mata o kung minsan pa ay kabuuang pagkawala ng paningin.
Nerve damage. Isa sa epekto ng high blood sa katawan ay ang posibilidad ng pagkapinsala ng optic nerve, na nagiging sanhi ng pagkawala ng paningin.
Fluid buildup. Maaari ring maging epekto ng high blood sa katawan ang pagkakaroon ng likido sa mga mata na maaaring maging dahilan upang lumabo ang paningin. Mas malaki ang panganib ng pagkawala ng paningin kung magkaroon ng peklat sa bahagi ng ugat ng mata.
May mga kaso kung saan ang pagbaba ng BP ay binabaliktad din ang mga problema sa paningin. Gayunpaman, kung hindi pa rin napapamahalaan nang maayos ang high blood pressure, malaki ang posibilidad ng permanenteng kapansanan sa paningin.
Isa ang panghihina ng cognitive abilities sa maaaring epekto ng high blood sa katawan. Ang panganib ng cognitive impairment tulad ng vascular dementia ay tumataas dulot ng limitadong daloy ng dugo sa utak. Ito ay nangyayari kapag ang mga daluyan ng dugo sa utak ay dumaranas ng pinsala, na nagreresulta sa mahinang sirkulasyon ng dugo at pagbaba ng supply ng oxygen.
Kung hindi naman vascular dementia, ang altapresyon ay maaaring magresulta sa mild cognitive impairment, kung saan nakompromiso ang abilidad ng iyong memorya at ang kakayahan mong maglutas ng mga problema.
At panghuli, ang hypertensive crisis ay isang epekto ng high blood sa katawan.
Ang hypertensive crisis ay nagiging sanhi ng na mabilis na paglampas ng blood pressure sa 180/120 mmHg. Ito ay itinuturing na isang medical emergency dahil maaari itong makapinsala sa iyong mga organ at humantong sa nakamamatay na mga komplikasyon.
Kung makaranas ka ng alinman sa mga sumusunod na sintomas, humingi kaagad ng tulong medikal:
Alamin ang iba pa tungkol sa altapresyon dito.
[embed-health-tool-bmi]
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Vascular Dementia
https://www.nhlbi.nih.gov/health-topics/vascular-dementia
Accessed October 22, 2020
High blood pressure dangers: Hypertension’s effects on your body
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/high-blood-pressure/in-depth/high-blood-pressure/art-20045868#:~:text=Uncontrolled%20high%20blood%20pressure%20can%20lead%20to%20stroke%20by%20damaging,and%20potentially%20causing%20a%20stroke.
Accessed October 22, 2020
Health Threats From High Blood Pressure
https://www.heart.org/en/health-topics/high-blood-pressure/health-threats-from-high-blood-pressure
Accessed October 22, 2020
High Blood Pressure (Hypertension)
https://www.texasheart.org/heart-health/heart-information-center/topics/high-blood-pressure-hypertension/
Accessed October 22, 2020
High Blood Pressure
https://www.nhlbi.nih.gov/health-topics/high-blood-pressure
Accessed October 22, 2020
8 Negative Effects of Uncontrolled High Blood Pressure
https://www.pinnaclehealth.org/wellness-library/blog-and-healthwise/blog-home/post/8-negative-effects-of-uncontrolled-high-blood-pressure
Accessed October 22, 2020
Kasalukuyang Version
12/22/2022
Isinulat ni Fiel Tugade
Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD
In-update ni: Regina Victoria Boyles