Milyun-milyong tao sa buong mundo ang naghahanap ng diet para sa high blood. Sapagkat, ang pagiging high blood ay isa sa mga problemang pangkalusugan ng mga Pilipino.
Ang pagkakaroon ng mataas na presyon sa dugo, ang karaniwang dahilan ng outpatient visit. Napatunayan rin na ang pagkontrol ng presyon ng dugo ay hindi laging sapat sa pagpapanatili ng kalusugan.
Dagdag pa rito, ang anti-hypertensive medications ay pwedeng maging magastos, at hindi gumana nang maayos para sa lahat. Kaya’t ipinapayo, ang pagbabago sa diet ng isang tao. Para sa mas maingat at magandang pagharap sa mataas na presyon ng dugo (BP).
Kung ang isang tao ay kayang kontrolin ang sariling pagkain. Lumalabas na pwede nilang bantayan ang kanilang food intake, para sa kanilang personal health. Pumapasok na dito ang “self-motivation”, ito ang pagkain nang mas mabuti upang mapababa ang blood pressure.
Ang DASH Diet
Bukod sa ehersisyo, ang Dietary Approaches to Stop Hypertension (DASH) diet ay inirerekomenda para sa BP reduction ng mga taong overweight. Masasabi na ang DASH diet ay mataas sa low-fat dairy products at fiber— kabilang na dito ang prutas at gulay. Makikita sa patients ng diyetang ito, ang pagkakaroon ng pagbawas sa systolic blood pressure (SBP) at diastolic blood pressure (DBP). Ang reduction ay nasa 5.5 at 3.0mm Hg, kumpara sa mga nasa standard diet.
Sa mga healthy option tulad ng prutas, gulay, whole grains, isda, manok, mani, munggo, at low-fat dairy. Makikita na ang DASH diet ay isang popular choice para sa pagpapababa ng hypertension. Sinasabi na ang mga pagkaing ito ay may mataas na sustansya, tulad ng potassium, magnesium, calcium, fiber, at protein.
Ang DASH diet ay pwedeng magpababa ng presyon ng dugo. Dahil mayroon itong mas kaunting asin at asukal kaysa sa karaniwang diyeta. Sa DASH diet kina-cut out din ang mga dessert, matamis na inumin, taba, pulang karne, at processed meats.
Paano Magsisimula sa DASH Diet Para sa High Blood
Para simulan ang DASH diet, ito ang mga rekomendasyon nakabatay sa 2,000 calories a day na ipinapayo.
- Grains: 7-8 araw-araw na servings (serving sizes: 1 slice ng tinapay, 1/2 tasa ng kanin o pasta, 1 ounce ng dry cereal)
- Mga gulay: 4-5 araw-araw na servings (1 tasa ng hilaw na madahong gulay, 1/2 tasa ng lutong gulay)
- Mga Prutas: 4-5 araw-araw na servings (1 medium fruit, 1/2 cup fresh o frozen fruit, 1/4 cup dried fruit, 6 ounces fruit juice)
- Low-fat o fat-free dairy products: 2-3 araw-araw na servings (8 ounces na gatas, 1 tasang yogurt, 1.5 ounces cheese)
- Lean meat, manok, at isda: 2 o mas kaunting serving sa isang araw (3 ounces na nilutong karne, manok, o isda)
- Mga mani, buto, at munggo: 4-5 servings bawat linggo (1/3 cup nuts, 2 tablespoons seeds, 1/2 cup cooked dry beans o peas)
- Mga taba at langis: 2-3 araw-araw na servings (1 kutsarita ng vegetable oil o soft margarine, 1 kutsarang low-fat mayonnaise, 2 kutsarang light salad dressing)
- Sweets: hindi hihigit sa 5 servings bawat linggo. (1 kutsarang asukal, jelly, o jam)
Iminumungkahi ng mga ebidensya na ang pagbaba sa BP ay nauugnay sa improvements ng left ventricular structure, at function— at peripheral vascular health. Ang exercise training at weight loss ay nakakatulong sa pagbawas ng left ventricular mass at wall thickness. Pwede rin nitong bawasan ang paninigas ng arterial at pagbutihin ang endothelial function.
Pagbabawas ng Timbang sa Pagbaba ng High Blood Pressure
Bukod sa pagbabago sa diyeta, ang pagbabawas ng timbang ng katawan ay maganda sa pagpapababa ng mataas na BP. Ang reduction sa presyon ng dugo ay nangyayari sa pagbaba ng timbang. Lalo na kung regular kang nag-eehersisyo. Sa maraming mga kaso, ang pagbaba ng timbang sa mga taong hypertensive ay kapansin-pansin. Dahil nababawasan at naiaalis pa kung minsan, ang antihypertensive medication requirements Sa hanggang 50% ng mga nasa hustong gulang sa US na umiinom ng gamot para sa hypertension. Ang katamtamang pagbawas sa timbang ng katawan ay pwedeng magpagaan sa pangangailangan para sa drug therapy.
Para sa mga overweight o obese na may above-normal BP— ang pagdaragdag na ehersisyo at weight loss sa DASH diet ay nagreresulta sa malaking pagbawas ng BP. Nagdudulot din ito ng greater improvement sa vascular at autonomic function, at nababawasan ang left ventricular mass.
Ang high blood pressure reduction ay posible. Dahil na rin sa tulong mga inireresetang gamot ng doktor. Dagdag pa rito, ang kombinasyon ng diet changes at exercise regimen para sa pagbaba ng timbang ay napatunayang epektibo rin. Sa madaling sabi, ang DASH diet ay gumagana para sa mga taong kinakaharap ang hypertension.
Matuto pa tungkol sa Masustansyang Pagkain dito.
[embed-health-tool-bmi]