backup og meta

Bakit bawal ang asin sa high blood? Mas masama ba ito kaysa asukal?

Bakit bawal ang asin sa high blood? Mas masama ba ito kaysa asukal?

Mas masama ba ang asin kaysa sa asukal sa high blood? Bakit bawal ang asin sa high blood? 

Ang hypertension, na kilala rin bilang high blood pressure, kapag hindi natugunan ay nagiging isang malubhang kondisyon sa kalusugan na nakakaapekto sa maraming tao sa buong mundo. 

Sa United States pa lamang, 103 milyong Amerikano ang nagdurusa sa medical condition na ito. Ito ay ayon sa isang kamakailang pag-aaral ng American Heart Association.

Ang hypertension ay isang pinakakaraniwang uri ng cardiovascular disease (mga sakit na nakakaapekto sa puso ng tao). Ito rin ang sanhi ng tinatantya ng World Health Organization na nasa 12.8% o 7.5 milyon ng lahat ng pagkamatay sa kasaysayan. Ang mga cardiovascular diseases, sa pangkalahatan, ay ang nangungunang sanhi ng kamatayan sa buong mundo.

Ngayon, ano nga ba ang hypertension? Ano ang mga dahilan sa likod ng hypertension? At ano ang mga sanhi nito?  May kaugnayan ba ang pagkonsumo ng maaalat o matamis na pagkain at mas mataas na risk ng hypertension? Mas masama ba ang asin kaysa sa asukal sa bagay na ito?

Alamin natin ang tungkol sa lahat ng ito at iba pa sa ibaba.

Ano ang Hypertension? 

Ang hypertension, o mataas na presyon ng dugo, ay isang pangmatagalang  health condition na naglalarawan sa mapanganib, mataas na antas ng pagpump ng dugo sa iyong arteries.

Para sa mas malinaw na ideya kung ano ang nangyayari sa iyong katawan na may hypertension, tingnan ang analogy na ito: Kapag pinipiga mo ang hose ng tubig nang masyadong mahigpit, bumibilis ang daloy ng tubig sa loob. Pareho din ito para sa dugo at arteries.

Ang high blood pressure ay maaaring humantong sa mga atake sa puso, heart failure, at kahit na stroke kung hindi ginagamot nang maayos. 

Ang mataas na presyon ng dugo ay isang pangmatagalang kondisyon, at maaari kang magkaroon nito sa loob ng maraming taon nang hindi agad nagpapakita ng mga panlabas na sintomas.

Ito ay sanhi ng iba’t ibang mga kadahilanan, tulad ng genes, lifestyle, at syempre, ang pagkain na ating kinokonsumo, kabilang ang mga maalat at matatamis na pagkain. Ito ay nagdudulot ng tanong: Bakit bawal ang asin sa high blood? Ang asin ba ay masama kaysa sa asukal?

Ang mga mas matatanda ay mas nasa panganib na magkaroon ng kondisyong ito. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang laging magkaroon ng personal check up sa iyong doktor.

Para ma-manage ang hypertension, maaari mo ring suriin ang iyong blood pressure  sa bahay gamit ang isang espesyal na aparato na digital sphygmometer. 

Ano ang Nagdudulot ng Hypertension?

Ang hypertension mismo ay bihirang magkaroon ng mga sintomas, ngunit kadalasan ay may kasabay na:

  • Sakit ng ulo at batok
  • Vertigo
  • Tinnitus (ringing of the ears)
  • Nahihimatay
  • Pagdurugo ng ilong
  • Mga pagbabago sa paningin 
  • Pananakit ng dibdib 
  • Panginginig ng kalamnan

Kung hindi ginagamot o hindi nababantayan, ang hypertension ay maaaring humantong sa mga sumusunod:

Salt Versus Sugar: Alin ang Nagdudulot ng Hypertension?

Bakit bawal ang asin sa high blood? Maraming mga pag-aaral ang isinagawa para malaman kung alin ang mas malala sa pagtaas ng hypertension risk. Hanggang ngayon ay pinagde-debatehan pa ito. Habang walang tiyak na katibayan kung alin ang higit na nagpapataas ng hypertension, ang dalawa ay malamang na mga salarin sa sanhi ng kondisyon.

Ang Kaso ng Asukal

Malala pa ba ang asukal kaysa sa asin?  Ayon sa isang pag-aaral noong 2014 ng grupong medikal na Open Heart, ang asukal, mas partikular ang fructose, ay maaaring maging sanhi ng hypertension. Ang mga processed foods ay maaaring maglaman ng mataas na antas ng asukal, na direktang nakakaapekto sa cardiometabolic na estado ng puso.

Ang sobrang paggamit ng asukal ay maaaring magresulta sa pagtaas ng blood pressure, myocardial demand, pamamaga, at pagtaas ng insulin demand. 

Malawakang tinatanggap na ang obesity ay isang karaniwang dahilan sa pagtaas ng hypertension risk. Ang mga trans fats at fatty tissue ay nagpapahirap sa puso na mag pump ng dugo. Ang arteries ay maaari ring magbara dahil dito, na humaharang sa pagdaloy ng dugo sa utak, at ito ay nagiging sanhi ng stroke.

Kaya ang pagtaas ng pagkonsumo ng asukal ay maaaring humantong sa parehong obesity at diabetes. Parehong maaaring madagdagan ang panganib ng hypertension.

Kaya, bawal ba ang asin sa high blood? Alamin natin.

Ang Kaso ng Asin

Ang asin ba ay mas masama pa sa asukal, o ito ba ay kabaligtaran? Kung ikukumpara sa asukal, mas maraming pag-aaral ang ginawa para malaman ang kaugnayan ng asin at hypertension.

Ang World Health Organization mismo ay nagpayo na sa pamamagitan ng pagbabawas ng paggamit ng asin na mas mababa sa 5-6 grams sa isang araw, ang mga gastos sa healthcare sa buong mundo ay bababa rin.

Ang asin, o higit na partikular ang sodium sa loob nito, ay pinapanatili ang moisture sa ating mga katawan at nagpapanatili ng mahalagang balanse sa pagitan ng tubig at mga mineral. Gayunpaman, ang sobrang paggamit ng asin ay nangangahulugan na ang katawan ay nagpapanatili ng mas maraming tubig upang palabnawin ang concentration ng sodium. Bilang resulta, ang mga daluyan ng dugo ay nagiging matigas at overworked. 

Sa madaling salita, mas maraming moisture ang mayroon ka, mas mahirap para sa dugo na magbomba ng tumaas na volume nito. Dahil dito, ang labis na sodium sa dugo ay maaaring humantong sa hypertension.

Pinapayuhan ng mga doktor na gumamit ng mas mababa sa 2, 500 milligrams ng sodium o asin sa isang araw. Maaaring mahirap ito dahil ang asin at asukal, ay nasa halos lahat ng processed food.

Kaya, mas masama ba ang asin kaysa sa asukal? Kung ikukumpara sa asukal, ang pagbabawas ng paggamit ng asin ay nagdudulot ng mga agarang resulta, nagpapababa ng presyon ng dugo at risk ng hypertension sa araw-araw.

Ano ang Magagawa Mo Upang Bawasan ang Panganib?

Narito ang ilan sa mga bagay na maaari mong gawin upang mabawasan ang panganib ng hypertension: 

  • Bawasan ang pag-inom ng alak
  • Iwasan ang paninigarilyo
  • Bawasan ang pagkonsumo ng mga pagkaing matamis
  • Bawasan at i-manage ang pagkonsumo ng asin
  • Kumain ng mas maraming sariwang prutas at gulay, lalo na ang mga may potassium
  • Magbawas ng timbang

Key Takeaways

Kaya, ang tanong: Bakit bawal ang asin sa high blood? Mas masama ba ito kaysa asukal? Tungkol sa immediate risk, ang sagot ay oo. Ang asin, o sodium, ay agad na nagpapataas ng heart rate levels at pwersa ng pag pump ng dugo, kaya nagpapataas ng risk ng hypertension. Ngunit ang asukal ay isa ring may malaking kontribusyon sa high blood pressure. Ang pagkonsumo ng labis na asukal, sa katagalan, ay nagpapataas din ng panganib ng hypertension. Kaya ang tanong na “mas masama ba ang asin kaysa sa asukal?” ay nasagot na sa wakas. 
Ano ang mga pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang hypertension? Ang pagsasaayos at pagma-manage ng iyong diet, paggawa ng ilang ehersisyo, at pagkakaroon ng regular na check-up sa iyong doktor ay mahusay at madaling mga paraan upang magsimula.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

More than 100 million Americans have high blood pressure, AHA says https://www.heart.org/en/news/2018/05/01/more-than-100-million-americans-have-high-blood-pressure-aha-says Date accessed: March 26, 2020

What Can Raise Your Blood Pressure? https://www.webmd.com/hypertension-high-blood-pressure/guide/what-can-raise-blood-pressure#1 Date accessed: March 26, 2020

Salt and sugar: their effects on blood pressure. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/25547872 Date accessed: March 26, 2020

High blood pressure (hypertension) https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/high-blood-pressure/symptoms-causes/syc-20373410 Date accessed: March 26, 2020

Effective Control of Hypertension https://www.mayoclinicproceedings.org/article/S0025-6196(12)65537-2/fulltext Date accessed: March 26, 2020

More than 100 million Americans have high blood pressure, AHA says https://www.heart.org/en/news/2018/05/01/more-than-100-million-americans-have-high-blood-pressure-aha-says Date accessed: March 26, 2020

Hypertension https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/hypertension Date accessed: March 26, 2020

The wrong white crystals: not salt but sugar as aetiological in hypertension and cardiometabolic disease https://openheart.bmj.com/content/1/1/e000167 Date accessed: March 26, 2020

Obesity-Related Hypertension https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3096270/ Date accessed: March 26, 2020

Dietary Salt Intake and Hypertension https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4105387/ Date accessed: March 26, 2020

Kasalukuyang Version

06/10/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Paano Gamitin Ang BP Monitor Na Digital? Alamin!

Paano Nangyayari Ang Hypertensive Crisis?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement