Nakakita ka na ba ng iba’t ibang uri ng blood pressure equipment? May mga manual at automatic device na madalas gamitin sa bahay at sa mga medikal na setting. Paano tayo makatitiyak na ang mga ito ay maaasahan at may eksaktong pagsukat ng ating blood pressure? Paano malalaman ang blood pressure gamit ang mga device na ito para makuha ang pinakamagandang resulta?
Mga Uri at Paggamit ng Iba’t ibang Blood Pressure Equipment
Iba’t ibang blood pressure equipment ang magagamit sa merkado dahil karamihan ay portable, digital, at automatic. Samakatuwid, ang mga ito ay madaling gamitin. Talakayin natin ang iba pang mga device, ang kanilang paggamit, at ang kanilang accuracy.
Para sa mga klinika at ospital
Mercury sphygmomanometer
Ito ay may inflatable cuff at bulb, tubing, at gauge kung nasaan ang mercury. Inilalagay ito sa isang flat surface at ang gauge ay nasa tuwid na posisyon. Ang cuff ay ibinabalot sa braso habang ang pagsukat ay nagsisimula sa pamamagitan ng pagpisil sa inflating bulb.
Gumagamit ang device na ito ng mercury para sukatin ang presyon ng dugo. Noon, ang device na ito ang gold standard para sa pagsukat ng blood pressure. Ngayon, ang mga mercury sphygmomanometer ay inalis na. Ito ay upang palitan ng mas ligtas na mga alternatibo ang mapanganib na device na naglalaman ng mercury.
Aneroid sphygmomanometer
Ito ay medyo katulad ng mercury sphygmomanometer na may pagkakaiba sa gauge. Ang mga aneroid sphygmomanometer ay hindi na gumagamit ng mercury sa halip ay isang dial gauge. Dahil ang mercury sphygmomanometer ay ipinagbabawal, ang aneroid na ito ang naging kapalit.
Natuklasan sa ilang pag-aaral na may iba’t ibang rate ng error na naiiba sa clinical settings. Gayunpaman, maaasahan pa rin ito at may parehong function kulad ng pinalitan nito.
Blood Pressure Equipment: Para sa self-monitoring sa bahay
Dahil ang paggamit ng mercury sphygmomanometers ay pinipigilan dahil sa panganib ng mercury, ang mga electronic device ang naging kapalit. Kasama nito, magagamit ng mga tao ito sa bahay dahil madali itong gamitin at portable.
Ang ilan sa mga monitoring device na inirerekomenda para magamit sa bahay ay:
Wrist monitors
Ang digital monitoring device na ito, ayon sa payo ng doktor, ay maaaring magbigay ng tumpak na resulta. Sensitibo ang posisyon ng digital monitoring device na ito, dahil sa hydrostatic effect.
Sa ibang mga kaso, ang blood pressure ay hindi nadi-detect kapag isinusuot sa biceps.
Ang wrist monitoring device ay sumailalim sa pagsusuri sa mga matatanda, edad 75 hanggang 80. Walang pagkakaiba ang mga resulta, maaaring ito ay sa mga braso o pulso.
Digital automatic blood pressure monitor
Nag-iiba-iba ang ganitong uri ng device, ngunit karaniwang may inflatable cuff at monitor ito. May dalawa itong cuff variations, isang wristband o armband. Matapos na ibalot ang cuff sa iyong braso, bahagyang mag-bend pataas, may button na pipindutin para mag-inflate ang cuff. Automatic ang pagbabasa nito.
Ang bentahe sa paggamit ng digital at automatic blood pressure equipment sa bahay ay pwede mong ulitin ng higit sa isang analysis sa oras na gusto mo. Pwede mo ring dalahin ito kahit saan dahil ito ay portable at madaling gamitin. Kailangan mo lang alamin ang tamang paggamit para makuha ang pinakatumpak na resulta.
Para sa pangmatagalang monitoring
Gumawa ang Korea ng naisusuot na device na kayang mag-monitor ng blood pressure mo sa buong araw habang o pagkatapos ng mga aktibidad. Ang device na ito ay may sensor na inilalagay sa dibdib na konektado sa cuff na nakabalot sa daliri. Nakaisip sila ng ideyang ito na maaari itong maging mas portable at kumportableng gamitin sa halip na malaking cuff ng iba pang mga automated device.
Pagkatapos ng mga trial at pagsusuri, ang disente at naisusuot na sensor na ito para sa pangmatagalang monitoring ng blood pressure ay kinumprima na tumpak para sa pagsukat ng blood pressure.
Sa ngayon, ang sistemang ito ay hindi ang pamantayan sa Philippines healthcare setting. Sa halip, ginagamit ang mga conventional blood pressure monitoring device tulad ng aneroid sphygmomanometer o digital blood pressure monitor upang suriin ang blood pressure sa buong araw.
Para sa mga pasyenteng may long-term o resistant hypertension
Ang Minnesota ay bumuo ng isang aparato na kayang mag-regulate ng blood pressure. Ito ay ang Rheos system, at ang function nito ay tinatawag ng Rheos therapy. Ito ay device na implanted para bigyan ng signal ang nervous system para sa high blood pressure.
Bilang tugon, magbibigay ng signal ang utak sa puso na palawakin ang mga daluyan ng dugo at bawasan ang heart rate, na magreresulta sa pagpapababa ng presyon ng dugo.
Ang device na ito ay gumagana sa pamamagitan ng isang generator na implanted sa ilalim ng collarbone at konektado sa dalawang sinus lead na implanted sa bahagi ng leeg. Pagkatapos ng mga trial at pagsusuri, ang Rheos system bilang blood pressure equipment ay accurate at epektibo. Pinipigilan din nito ang mga karagdagang komplikasyon, tulad ng diabetes, kidney failure, sakit sa puso, at kamatayan.
Bukod dito, ang Rheos therapy ay isang opsyon para sa mga taong may hindi makontrol na hypertension sa pamamagitan ng mga gamot o resistant hypertension. Gayunpaman, ang Rheos system ay hindi karaniwang ginagamit sa mga pasyente na may mahusay na kontroladong hypertension.
Key Takeaways
Gayunpaman, higit na inirerekomenda ang pag-konsulta at pagtatanong sa mga doktor kaysa sa pagsukat ng blood pressure mo nang mag-isa.
[embed-health-tool-bmr]