backup og meta

Ano ang ibig sabihin kapag mataas ang systolic?

Ano ang ibig sabihin kapag mataas ang systolic?

Madalas nating itinuturing ang hypertension bilang pagkakaroon ng mataas na systolic o numero sa itaas (systolic) at ibabang numero (diastolic). Pero, alam mo ba na ang reading kung saan ang systolic number lamang ang mataas ay itinuturing ding hypertension? Tinatawag ito ng mga doktor na isolated systolic hypertension (ISH), at ito ang pinakakaraniwang uri ng hypertension sa mga taong may edad na 65 pataas.

Isolated Systolic Hypertension

Nangyayari ang isolated systolic hypertension kapag ang ibabang numero ay mas mababa sa 80 mmHg, pero ang nasa itaas na numero o systolic pressure ay mas mataas sa 130 mmHg. 

Kaya, sabihin nating mayroon kang madalas na reading sa mga linya ng 133/65 mmHg, 140/70 mmHg, o 150/75 mmHg, maaaring mayroon kang isolated systolic hypertension.

Isang paper ang inilathala sa The American Journal of Medicine na tinatawag ng isolated hypertension na isang “mabilis na lumalagong pag-aalala ng publiko,” at ang pamamahala nito ay nananatiling isang hamon sa pagsasanay ng mga doktor. 

Mga Posibleng Dahilan

Naniniwala ang mga eksperto na ang ISH ay nagreresulta mula sa kumbinasyon ng mga pagbabago sa pisyolohikal na nauugnay sa pagtanda at modifiable risk factors. Gayundin, ang isang underlying health condition ay maaari ring humantong sa mataas ang systolic.

Nasa ibaba ang mga posibleng kundisyon na nag-uudyok sa iyo na maging mataas ang systolic:

Paninigas ng Arterya o Mga Problema sa Balbula ng Puso

Ang paninigas ng arterya ay karaniwan sa mga taong may atherosclerosis, isang kondisyon kung saan nagiging makapal at makitid ang mga arterya dahil sa buildup ng mga fatty deposit.

Sa kabilang banda, ang problema sa valve o balbula sa puso ay nagpapahiwatig ng isyu sa isa sa apat na mga balbula. Ang mga balbula ay mga istruktura na nagpapanatili ng daloy ng dugo sa tamang direksyon. Maaaring makagambala sa normal na daloy ng dugo sa puso, na nagreresulta sa mga problema sa paglipas ng panahon ang sakit sa balbula. 

Ang mga sintomas ng atherosclerosis at heart valve disease ay maaaring mag-overlap. Kumunsulta sa iyong doktor kung nakakaranas ka ng:

  • Pananakit sa dibdib
  • Kinakapos na paghinga
  • Panghihina o pagkapagod

Obesity

Ang labis na katabaan ay tumutukoy sa pagkakaroon ng body mass index (BMI) na 30 o higit pa. Matuto pa tungkol sa BMI dito. Maaari mo ring gamitin ang aming BMI tool dito:

Tandaan na mismong ang obesity ay isa ring risk factor para sa maraming sakit, hindi lamang ang mataas ang systolic. Ang mga obese ay nasa mas mataas na panganib ng stroke at mga sakit sa cardiovascular.

Diabetes

Ang ibig sabihin ng diabetes ay maaaring may problema ka sa pagkontrol sa blood sugar levels mo. Tulad ng obesity, ang diabetes ay isa ring risk factor para sa maraming sakit. Bukod dito, ang hindi makontrol na diabetes ay pwede ring mauwi sa iba’t ibang mga komplikasyon.

Alamin pa ang tungkol sa diabetes, uri nito, sintomas, at paggamot dito. 

Overactive Thyroid

Ang sobrang aktibong thyroid o hyperthyroidism ay isa ring risk factor para maging mataas ang systolic. At ang hindi ginagamot na hyperthyroidism ay maaaring magdulot ng mga sumusunod na sintomas: pagkabalisa o nerbiyos, mabilis o hindi regular na tibok ng puso, at hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang.

Kailan Dapat Kumunsulta sa isang Doktor

Napakahalagang mag-set ng appointment sa doktor mo kapag palagi mong naobserbahan na matataas ang systolic at normal na mga numero sa ibaba sa measurements mo. Pinapataas ng matagal na isolated systolic hypertension ang iyong panganib para sa stroke, cardiovascular diseases, at chronic kidney disease.

Sa madaling salita, mahalagang i-monitor ang blood pressure mo. Suriin ang iyong BP dalawang beses araw-araw, mas mabuti sa parehong oras. Maaari mong suriin ito bago mag-almusal at muli sa gabi bago matulog. Itala ang iyong mga resulta at ipakita ang mga ito sa iyong doktor.

Malamang na magrekomenda ang doktor mo ng mga pagbabago sa pamumuhay at diet para makontrol ang blood pressure mo. Halimbawa: Maaari ka nilang hikayatin na magbawas ng timbang o sundin ang DASH diet. Maaari rin silang mag-order ng mga gamot na antihypertensive, gaya ng mga calcium channel blocker, ACE inhibitor, o beta-blocker.

Key Takeaways

Ang ISH ay nangyayari kapag ang iyong diastolic (ibabang numero) ay mas mababa sa 80, ngunit mataas ang systolic reading na mas mataas sa 130 mmHg. Ito ay karaniwan sa mga taong may edad na 65 pataas at maaaring sanhi ng kumbinasyon ng physiological changes at modifiable risk factors. Ang underlying health problems, tulad ng obesity, diabetes, at hyperthyroidism, ay maaari ring humantong sa isolated systolic hypertension.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Isolated Systolic Hypertension: An Update After SPRINT
https://www.amjmed.com/article/S0002-9343(16)30919-6/fulltext
Accessed July 21, 2021

Isolated systolic hypertension: A health concern?
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/high-blood-pressure/expert-answers/hypertension/faq-20058527
Accessed July 21, 2021

Isolated Systolic High Blood Pressure
https://www.healthlinkbc.ca/health-topics/aa46579
Accessed July 21, 2021

Arteriosclerosis / atherosclerosis
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/arteriosclerosis-atherosclerosis/symptoms-causes/syc-20350569
Accessed July 21, 2021

Symptoms of Heart Valve Disease
https://www.heart.org/en/health-topics/heart-valve-problems-and-disease/heart-valve-disease-risks-signs-and-symptoms/symptoms-of-heart-valve-problems
Accessed July 21, 2021

Kasalukuyang Version

09/09/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Paano Gamitin Ang BP Monitor Na Digital? Alamin!

Paano Nangyayari Ang Hypertensive Crisis?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement