backup og meta

Pag-aalaga ng Mata: Huwag Kalimutan ang mga Tip na Ito

Pag-aalaga ng Mata: Huwag Kalimutan ang mga Tip na Ito

Bumubukas ang mundo sa oras na imulat natin ang ating mga mata. Ito ang ating mga mata na nagtatrabaho kada paggising. Sa pamamagitan ng mga ito, nakikita natin ang kagandahan ng kalikasan at nakikita natin ang kamangha-manghang tanawin sa mundo. Kahit na ganito, natural na binabalewala lang natin at hindi masyadong pinapansin ang ating paningin. Ngunit kailangan ng ating mga mata ng pagmamahal at atensyon. At isa itong mainam na paalala para sa ating lahat. Ang artikulo na ito ay nagbabahagi ng mga praktikal na paraan sa pag-aalaga ng mata sa mga darating na panahon. Basahin upang malaman.

Pag-aalaga sa iyong mata 

Kung ikaw ay nasa iyong twenties o thirties, marahil hindi mo masyadong pinag-iisipan ang kalusugan ng iyong mata. Sa kabaligtaran, sa iyong buhay ngayon mahalaga na gumawa ng hakbang upang mapanatili ang kalusugan ng mata.

Ayon sa pagsusuri na inilabas ng The Lancet, tinatayang 895 na milyong mga indibidwal sa buong mundo ang nagkaroon ng sakit sa mata sa 2050. Ito ay 150% na paglaki sa susunod na 30 taon.

Maraming paraan na maaaring gawin sa pag-aalaga ng mata at sa paningin na mayroon ka na.

Magkaroon ng Taon-taon na Konsultasyon ng Mata

Ang masinsinang pagsusuri sa mata ay maaaring magbunyag ng kalusugan ng iyong mata. Ang optometrist o ophthalmologist ay maaaring suriin ang iyong mata sa pamamagitan ng mga eksaminasasyon.

Kabilang sa mga ito ang visual acuity (talas ng paningin), lalim ng paningin, eye alignment, at ang pagsusuri sa galaw ng mata. 

Anumang edad, importanteng ipatingin ang mga mata sa doktor kung nakararanas ng sintomas: 

  • Malabong paningin
  • Pamumula ng mata
  • Dobleng paningin
  • Nana, tubig, o dugo sa mata
  • Floaters (maliliit na mga batik na lumalabas sa mata)
  • Pananakit ng mata
  • Blind spots (mga bilog sa palibot ng liwanag)
  • Mga kumikinang na liwanag

Alamin ang family history

Ang lahi sa pamilya ay mayroong malaking impluwensya na magkaroon ng kondisyon sa mata. May papel na ginagampanan ang genetics sa glaucoma, macular degeneration, diabetic retinopathy, at katarata. Kung kaya mahalaga na magkaroon ng maayos na pag-unawa kung alin sa mga ito ang mayroong ang iyong pamilya.

Bukod pa rito, maaari mong kausapin ang iyong doktor sa mga angkop na hakbang na maaaring gawin upang maiwasan ang panganib.

Iwasan ang paninigarilyo

Tulad ng alam nating lahat, ang paninigarilyo ay walang naidudulot na maganda. Pinatataas nito ang tiyansa ng pagkakaroon ng sakit sa mata na may kaugnayan sa edad tulad ng macular degeneration, at katarata, maging ang pagkasira ng optic nerve.

Sundan ang maayos na diet

Ang pangangalaga sa katawan ay nangangahulugan ding pangangalaga sa mata wala mang sakit ito. 

Nakapipinsala sa mata ang kakulangan sa bitamina at pinatataas nito ang posibilidad na magkaroon ng problema sa mata. 

Humanap ng mga pagkain na mayaman sa vitamin A, C, at E. Ang pagdaragdag ng mga luntiang gulay tulad ng spinach at kale sa iyong pagkain ay nagbibigay ng mga bitamina na kailangan ng iyong mata. Ang pagkain ng mani o cereals ay nagpapalakas ng epekto at benepisyo ng antioxidant sa mata.

Maaari ding magsama ng pagkain na mataas sa omega-3 fatty acids, tulad ng salmon, tuna, at halibut.

Regular na mag-ehersisyo

Ang paglalaan ng oras sa regular na ehersisyo ay makatutulong upang maiwasan ang iba’t ibang uri ng mga problema sa kalusugan sa iyong buong buhay. 

Nagsasanhi ng problema sa paningin ang dalawang parehong kondisyon na diabetes at altapresyon.

Magsuot ng salamin o ano mang proteksyon sa mata 

Maaaring makasama sa iyong mata ang sikat ng araw at napatataas nito ang panganib na magkaroon ng katarata at may kaugnayan sa edad na macular degeneration. Upang maprotektahan ang iyong mata, magsuot ng salamin pang-araw na humaharang sa masamang UV-A at UV-B radiation

Suotin din ang mga pamprotekta sa mata kung sasali sa anumang uri ng laro, mga trabaho tulad ng sa factory, construction, at kung nagsasagawa ng pagkukumpuni sa bahay upang maiwasan ang pinsala sa mata.

Pagsasanay ng 20-20-20 rule 

Ang pagbababad sa tapat ng screen ay maaaring magdulot ng eye strain. Subukang tumingin ng at least 20 feet sa loob ng  20 segundo matapos ang 20 minuto ng trabaho sa computer. 

Mahalagang Tandaan

Ang iyong mata ay ang bintana sa kaluluwa. Ngunit maaari din itong daan upang makatulong sa pangkalahatang pamumuhay. Kung kaya kailangan mo ito sa kanilang pinakamainam na estado para sa ganap na kasiyahan sa kagandahan ng buhay.

Ang pag-aalaga sa mata ay hindi nagtatapos at pagkakaroon ng payong salamin, contact lenses, o maging ang Lasik na operasyon. Huwag hintayin ang anumang sakit sa mata upang mas pahalagahan ang iyong at ang naibibigay nito sa iyong buhay. Kausapin ang iyong doktor sa mata ngayon.

Matuto pa tungkol kalusugan ng mata rito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Eye Care, https://medlineplus.gov/eyecare.html. Accessed November 17, 2021

Taking Good Care of Your Eyes, https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?contenttypeid=1&contentid=1874. Accessed November 17, 2021

Taking Care of Our Eyes, https://www.dlshsi.edu.ph/dlsumc/health-advisory/taking-care-eyes. Accessed November 17, 2021

14 Steps to a Lifetime Healthy Vision, https://www.aao.org/eye-health/tips-prevention/healthy-lifestyle-now-good-vision-later. Accessed November 17, 2021

Keep Your Eyes Healthy, https://www.nei.nih.gov/learn-about-eye-health/healthy-vision/keep-your-eyes-healthy. Accessed November 17, 2021

6 Ways to Take Better Care of Your Eyes, https://healthtalk.unchealthcare.org/6-ways-to-take-better-care-of-your-eyes/. Accessed November 17, 2021

Kasalukuyang Version

05/21/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Safe Ba Ang Decorative Contact Lens?

Kailan Dapat Magpa Eye Checkup? Alamin Dito!


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement