Maraming nagagawa ang ating mga mata para sa atin. Ang mga ito ay aktibo sa buong araw, at kadalasan ay mas mahaba pang oras ng pagtatrabaho. Tulad ng karamihan sa organs at muscles sa katawan, ang mga mata ay maaaring masobrahan sa pagtatrabaho o mapagod na humahantong sa pagkasira ng function. Sa kabutihang palad, maaari mong matutunan kung paano mawala ang pagod na mata sa natural na paraan.
Kung ikaw ay isang tao na madalas na ginagamit ang kanilang mata, kung ito man ay nagbabasa, nagmamaneho, o nagtatrabaho sa kompyuter, malamang na ikaw ay pamilyar na sa pagod na mga mata. Kung hindi ka pa pamilyar sa termino, basahin upang malaman ang tungkol sa eye strain at mga ehersisyo na maaari mong gawin upang matanggal ang pagod ng mata.
Ano ang Pagod na Mata?
Ang pagod na mata ay kondisyon na makikita sa iba’t ibang paraan. Gayunpaman,tinutukoy nito anf pakiramdam ng discomfort o pagkapagod sa mga mata na dala ng mahaba at matinding paggamit.
Hindi permanente ang pinsala na mula sa pagkapagod ng mga mata. At sa kabutihang palad, kahit na anong discomfort ang nararanasan ng tao ito ay karaniwang nawawala matapos na makapagpahinga ng mga mata. Maaari ding maging sintomas ng error of refraction (hal. myopia, hyperopia, astigmatism) ang pagod na mga mata. Sa tipikal, ang isang tao na nakakaranas ng pagod na mga mata ay maaaring makaramdam ng isa o marami pang mga sumusunod na sintomas:
- Paghapdi o pagkati ng mga mata, na kasama ng pakiramdam ng “pagod”
- Tuyot na mga mata
- Malabo o distorted na paningin
- Pagsakit ng leeg at bahagi ng likod
- Pagiging sensitibo sa liwanag
- Hirap sa konsentrasyon
- Sakit ng ulo
- Pakiramdam na ang iyong mga talukap ay mabigat o inaantok
Ang mga sintomas na nabanggit sa itaas ay maaari ding sanhi ng Computer Vision Syndrome, na kilala bilang Digital Eye Strain. Ayon sa American Optometric Association, ang Digital Eye Strain ay maaaring tumukoy sa mata at iba pang problema na kaugnay sa mata. Ito ay kaugnay ng mahabang oras ng paggamit ng gadgets tulad ng phones o computers.
Ano ang mga Sanhi ng Pagod na Mata?
Maaaring maranasan ang pagod na mata dahil sa maraming mga rason tulad ng:
- Matagal na paggamit sa mga mata nang hindi kumukurap
- Pagtingin sa screens o gadgets ng matagal
- Mga gawain tulad ng pagmamaneho na kabilang ang paggamit ng mga mata sa mahabang panahon
- Mahabang exposure ng mga mata sa mainit at tuyo o malamig na hangin mula sa electric fan, air conditioner, o heating
- Hindi nagagamot na problema sa paningin
- Pagsuot ng mga maling salamin o hindi akmang grado
- Paggamit ng matagal ng mga mata sa hindi maayos na liwanag na paligid
4 na Ehersisyo sa Mata na Maaari mong Subukan
Ang mga ehersisyo sa mata ay makakatulong na mawala ang kahit na anong discomfort na sanhi ng pagod na mga mata nang hindi pumupunta sa optometrist o ophthalmologist. Kung ikaw ay naghahanap kung paano mawala ang pagod na mga mata sa natural na paraan, mayroong ilang mga ehersisyo sa mata.
Gayunpaman, mahalaga na tandaan na ang ehersisyo sa mata ay hindi kapalit ng pagtatama ng lenses na maaaring lunasan ang refractive factors tulad ng astigmatism, nearsightedness, o farsightedness. Kung mayroon kang mga sakit tulad ng glaucoma o katarata, ang ehersisyo sa mata ay hindi makakatanggal ng problema sa paningin.
Kung ikaw ay naghahanap ng mabilis na lunas sa pagod na mga mata habang nag-aaral, nagbabasa, o nagtatrabaho, ang ehersisyo sa mata ay maaaring makatulong. Nasa ibaba ang ilan sa mga ehersisyo na makakatulong sa hindi magandang epekto ng eye strain.
Ang 20-20-20 Rule
Kung ikaw ay isang tao na nagtatrabaho sa harap ng computer screen sa karamihan ng iyong oras sa buong araw, maaari mong gawin ang mga ehersisyo sa mata nang regular. Ang 20-20-20 ay simple lamang: kada 20 minuto, huminto ng 20 segundo at tumingin sa layo na 20 pulgada.
Kung napansin mong masyado kang nakapokus sa trabaho, tandaan na gawin ito at itakda ang alarm o paalala sa iyong phone. Ang 20 segundo na pahinga ay hindi mahaba, ngunit ang pagpapahinga ng iyong mata kahit saglit ay makakatulong upang maiwasan ang fatigue. Ang batas na ito ay maaari ding gawin ng gamers o mga taong gustong-gusto na gumagamit ng kanilang mga phone.
Hakbang 1. Panatilihin ang iyong hintuturo nang dalawa o tatlong pulgada na malayo sa iyong mga mata.
Hakbang 2. Ilayo ang iyong tuon sa iyong hintuturo.
Hakbang 3. I-extend ang iyong mga braso habang ginagalaw ang mga daliri palayo sa iyong mukha, na nakatuon pa rin sa daliri na iyon.
Hakbang 4. Tumingin palayo sa daliri, tumuon sa mga bagay na mas malayo. Kung nagawa na ito, tumuon muli sa daliri.
Hakbang 5. Dahan-dahan na dalhin ang iyong daliri na mas malapit sa iyong mga mata, na nakatuon pa rin dito.
Hakbang 6. Kung ito ay malayo na ng ilang mga pulgada mula sa mata tulad ng nasa umpisa ng ehersisyo, tumuon muli sa mga bagay na malayo.
Hakbang 7. Ulitin ito nang tatlong beses.
Ang ehersisyo na ito ay madali lang na gawin lalo na kung ikaw ay nasa opisina, na wala masyadong espasyo. Ito ay dapat na ginagawa habang nakaupo.
Paggalaw ng Mata
Maraming mga baryasyon ng paggalaw ng mata na makakatulong sa discomfort na sanhi ng matagal na paggamit ng mga mata. Narito ang pagkasunod-sunod ng paggalaw ng mata na maaari mong subukan kung kailangan ng pahinga.
Hakbang 1. Ipikit ang mga mata nang ilang mga segundo, maging maingat na hindi makatulog.
Hakbang 2. Dahan-dahan na ibaling ang paningin sa itaas at ibaba. Maaari mong subukan ang pagtingin sa kisame at lapag. Ulitin ito pataas at pababa nang tatlong beses.
Hakbang 3. Ipikit muli ang mga mata.
Hakbang 4. Ibalik ang iyong tingin mula sa kaliwa pakanan nang dahan-dahan, tulad ng pagsunod sa hindi nakikita na linya. Ulitin ito nang tatlong beses muli.
Hakbang 5. Ulitin ang sequence na ito tatlong beses.
Maaari mo ring subukan ang dahan-dahang pag-ikot ng mga mata pa-clockwise at counterclockwise ng ilang beses. Siguraduhin lamang na gawin ito nang hindi tumitingin sa kahit na sino, upang maiwasan ang kahit na anong hindi malinaw na komunikasyon sa ibang tao.
Ang ilang paggalaw ng mata tulad ng pagkurap o paghikab ay makakatulong din na mawala ang ilang sakit na sanhi ng pagod na mata.
Ang “Palming” Exercise
Ito ay isa sa pinakamadaling paraan kung ang pag-uusapan ay kung paano mawawala ang pagod na mata sa natural na paraan. Gawin ito upang bigyan ng pahinga ang mga mata. Kuskusin ang iyong mga palad hanggang sa uminit. Mabilis na ilagay ito sa iyong mga talukap habang nakapikit ang mga mata. Huminga nang malalim habang ginagawa ito.
Ibang Paraan upang Mabawasan ang Pagod na Mata
Maliban sa simpleng ehersisyo na nabanggit, narito ang ilang mabilis na paraan upang malunasan, mabawasan o maiwasan ang epekto ng eye strain.
- Kung nagbabasa, subukan na magpanatili ng liwanag sa likod mo upang ang liwanag ay direktang tumatama sa kahit na anong binabasa mo.
- Subukan na iwasan ang paglaan ng mahabang oras sa screen ng iyong phone, laptop o telebisyon.
- Kung napansin na nararanasan ang tuyot na mga mata, mabibili ang “artificial tears.” Ang mga produkto na ito ay makatutulong na mabasa ang mga mata.
- Bawasan ang liwanag mula sa video display terminal devices tulad ng phone, computer at electronic devices
Mahalagang Tandaan
Nangyayari ang pagod na mata kung ang iyong mga mata ay sobra ang trabaho o over-fatigue, na karaniwang sanhi ng discomfort. Nakatutulong ang ehersisyo sa mata upang mawala ang ilan sa mga sintomas, ngunit hindi nito malulunasan ang sakit o problema sa paningin tulad ng error refraction. Bilang rule of thumb, mainam na magpahinga at gawin ang iyong lugar ng pagtatrabaho na conducive upang maging produktibo. At kung tungkol sa mga mata, pagpahingahin ang mga ito, lalo na kung mahaba ang paggamit ng computer screen. Subukan na gawin ang tips at epektibong matutuhan kung paano mawala nang natural ang eye strain
Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Mata dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.