backup og meta

Support Group Sa Mga Babae, Bakit Nga Ba Mahalaga?

Support Group Sa Mga Babae, Bakit Nga Ba Mahalaga?

Inaasam nating dumating ang mundong may pantay na pagtingin sa lahat ng kasarian. Panahong ipinagdiriwang natin ang pagkakaiba-iba sa halip na magkaroon ng mga bias, diskriminasyon, at pagkakahon sa mga tao. Hanggang hindi pa natin naaabot ang puntong iyon, maaari lamang nating ituloy ang ating mga inaasam nang may biyaya at determinasyon at maghanap ng suporta kapag kailangan. Kung nais mo ng #BreakTheBias, kunin ang suportang kailangan mo at i-empower ang iba. Ang paglahok sa support group sa mga babae ay isang paraang puwedeng gawin. 

Ang Kahalagahan Ng Paglahok Sa Support Groups

Pinagsasama-sama ng support group ang mga taong may magkakahalintulad na sitwasyon. Kapag bahagi ka ng isang support group sa mga babae, maaari kang magbahagi ng iyong fustrations, kaligayahan, at mga tanong sa ibang kasapi nito. At kung kaya nilang magbigay ng suporta, kaya mo rin itong gawin.

May mga benepisyo ang pagiging kabilang sa support group:

Kung naghahanap ka ng support group sa mga babae na kayang mag-empower sa iyo, o tulungan kang ma-empower ang iba, ikonsidera ang pagsali sa mga grupong ito:

Magboluntaryo Sa SPARK! Philippines

Ang SPARK!, o Samahan ng mga Pilipina para sa Reporma at Kaunlaran, ay isang SEC-registered NGO na binubuo ng mga indibidwal na may adbokasiyang palakasin ang mga babae. Itinatag ito ng mga babaeng nagnanais ng pambansang pag-unlad at inclusivity ng mga babae, LGBTQ+ at iba pang marginalised sectors. 

Isinusulong ng SPARK! Ang gender and development (training at workshops), women economic empowerment, karapatan at edukasyon ng mga babae, mga adbokasiya at komunikasyon. 

Matuto pa tungkol sa SPARK! sa pamamagitan ng pagbisita sa website na ito: https://sparkphilippines.org/. Maaari mo ring i-like ang kanilang Facebook page: @SparkPhilippinesInc.

Mag-Donate Sa Foundation Foundation Philippines

Ang The Foundation Foundation Philippines ay isang Christian volunteer group ng beauty enthusiasts na may layuning matulungan ang mga biktima ng sex trafficking sa pamamagitan ng makeup. Hangarin nilang i-empower ang mga tao sa pamamagitan ng pagsusulong ng pagmamahal at pag-aalaga sa sarili. Upang matulungan ang mga taong maramdaman na maganda sila, nagbibigay ang mga volunteer ng care kits, na kadalasang naglalaman ng hygiene items at pang-makeup. Bukod pa dyan, nagbibigay din sila ng makeup tutorials.

Dahil sa pandemya, nahinto ang donation drives at iba pang proyekto nito. Ngunit maaari mo pa ring bisitahin ang kanilang Facebook page sa @thefoundationfoundationph. Sa kanila namang instagram, @thefoundationfoundationph. Maaari ka ring makipag-ugnayan sa kanila sa kanilang email na [email protected]

Lumahok Sa Lean In PH

Batay sa pangalan nito, ang Lean In ay isang support group sa mga babae na maaari mong masandalan upang maabot ang iyong layunin. Hinahangad ng mga nagpasimula at mga miyembro nito na i-empower ang kababaihan at hikayatin silang abutin ang kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng workshops, events, talks, at meetups.

Anoman ang hinahangad mo, maging pinuno man ng isang organisasyon, freelancer, businesswoman, o magpalaki ng malulusog at mahuhusay na bata, maaari kang lumahok sa Lean In PH.

Puntahan ang kanilang Facebook page sa: @leaninmanila at sumali sa kanilang Facebook group na @leaninph.

#StandStrong Kasama Ang Strong Women PH

Kung naghahanap ka ng safe space matapos ang isang toxic na relasyon, ikonsidera ang paglahok sa Strong Women PH.

Ang support group sa mga babae na ito na may humigit 22,000 miyembro ay humihikayat sa mga babae na magbahagi ng kanilang kuwento, karanasan, at pinagdaanan. Maaari ding magbigay ng payo at suporta ang mga miyembro nito.

Interesado ka ba? Narito ang kanilang Facebook group: @groups/320871048630879/

Empowered Women PH

Kailangan mo ba ng tulong sa pagpapalakas ng iyong kakayahang mental? Marahil, makatutulong sa iyo ang pagkakaroon ng emotional support?

Kung oo, baka interesado kang sumali sa Empowered Women PH. Ang kanilang adbokasiya ay tulungang i-empower ang kababaihan at magbigay ng “ligtas na lugar para sa mga nangangailangan ng emotional support” at “tulungan silang buuing muli ang kanilang kalakasang pangkaisipan.”

Maaari kang lumahok sa kanilang group dito: https://www.facebook.com/groups/504773940373671/

Key Takeaways

Kung nais mong lumahok sa mga grupo dahil sa tiyak na dahilan, huwag magdalawang isip na maghanap sa online. 
Halimbawa, kung nais mong sumali sa parenting community, maaari kang sumali sa aming community dito. Gayundin, maaari mo ring tingnan ang mga sumusunod na parenting groups. Maaari ka ring maghanap ng communities tungkol sa tiyak na mga kondisyon para sa mga babae gaya ng PCOS, breast cancer, o osteoporosis
At panghuli, kung hindi na kinakaya ang mga nangyayari sa sarili, pinakamainam pa ring kumonsulta sa healthcare professional. Bukod sa pagsusuri at paggamot sa iyong kondisyon, matutulungan ka rin nilang umugnay sa tamang support group sa mga babae.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Kababaihan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kasalukuyang Version

02/23/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Female Alopecia at Paano Ito Maaaring Gamutin?

Bukol Sa Ari Ng Babae: Mga Uri, Sintomas, At Paggamot


Narebyung medikal ni

Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement