backup og meta

Gamot Sa Sakit Ng Puson: Heto Ang Mga Maaari Mong Subukan

Gamot Sa Sakit Ng Puson: Heto Ang Mga Maaari Mong Subukan

Dumating na naman ang araw na kinakatukan mo kada buwan. Bagaman wala naman talagang dapat katakutan, hindi mo na maitatanggi kung gaano kasakit ang iyong puson kapag ikaw ay nagkakaroon. Kung kaya, marami ka ng napagtanungan kung ano ang mabisang gamot sa sakit ng puson. Ibabahagi ng artikulong ito kung ano-ano ang maaari mong subukan. 

Ano Ang Sakit Sa Puson? Bakit Ka Nagkakaroon Nito?

Ang regla o menstrual period ay tumutukoy sa normal vaginal bleeding na bahagi ng buwanang cycle ng babae. Kaakibat ng buwanang kaganapan na ito ang masakit na regla na kinikilala rin bilang dysmenorrhea. 

Gaya ng ipinapahiwatig ng pangalan, ang mga menstrual cramps ay tumutukoy sa tumitibok at nagca-cramp na sakit sa ibabang parte ng tiyan. Mayroong dalawang uri ng dysmenorrhea, ang primary at secondary. Bawat uri ay mayroong iba’t ibang dahilan kung bakit nangyayari ang mga ito. 

  • Primary dysmenorrhea. Ito ang pinakakaraniwang uri kung saan ang pananakit ay hindi sanhi ng iba pang kondisyon. Ang kadalasang dahilan nito ay ang pagkakaroon ng masyadong maraming prostaglandin. Ito ay tumutukoy sa mga kemikal na ginagawa ng matres na nagpapahigipit at nagpaparelaks ng mga muscles, dahilan para magkaroon ng cramps.
  • Secondary dysmenorrhea. Sa kabilang banda, ang secondary dysmenorrhea ay sanhi ng mga kondisyon na nakaapekto sa matres o iba pang reproductive orgnas. Halimbawa nito ay ang endometriosis, uterine fibroids, pelvic inflammatory disease, at adenomyosis. Habang tumatagal, kadalasang lumalala ang pananakit. 

Para sa ilang mga kababaihan, nakakainis ang discomfort na kanilang nararamdaman. Ngunit para sa iba, ang menstrual cramps ay maaaring malubha na nakakagambala na sa pang-araw-araw na gawain. Kung kaya, mainam ang mga gamot sa sakit ng puson upang makatulong sa pagbawas ng nararamdamang sakit. 

Sintomas Ng Sakit Ng Puson

Bukod sa pananakit sa mas mababang parte ng likod, maaari ka ring magkaroon ng iba pang mga sintomas tulad ng mga sumusunod:

Gamot Sa Sakit Ng Puson

Karamihan sa mga kaso ng menstrual cramps ay mild naman upang magamot sa bahay. Narito ang ilang mga pamamaraan upang maibsan ang pananakit ng puson na maari mong subukan:

  • Paggamit ng heating pad sa mababang parte ng tiyan 
  • Pag-eehersisyo (tulad ng paglalakad, pagbibisikleta, at paglalangoy)
  • Pagligo ng maligamgam na tubig
  • Pagsasagawa ng mga relaxation techniques (tulad ng yoga, pilates, biofeedback, at meditation)
  • Pagmamasahe ng tiyan

Bukod sa mga nabanggit, kabilang din ang mga over-the-counter pain relievers tulad ng ibuprofen at naproxen sa mga gamot sa sakit ng puson. Ang mga nonsteroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs) na ito ay nakatutulong sa pagbawas ng dami ng prostaglandins na ginagawa ng matres upang mabawasan din ang mga epekto nito tulad ng menstrual cramps. Subalit, hindi ka dapat uminom ng mga NSAIDs  kung mayroon kang ulcer o iba pang problema sa tiyan, bato, o atay. Hindi ka rin dapat uminom ng aspirin kung ikaw ay allergic dito. 

Makatutulong din kung ikaw ay makakapahinga at umiwas sa mga stress, alkohol, at tabako. Ang pagkain ng malusog na diyeta ay maaaring isa pang paraan upang maibsan ang pananakit ng puson. Iminumungkahing ang ilang mga bitamina at mineral ay nakatutulong na mabawasan ang mga menstrual cramps.

Bilang karagdagan, ang mga sumusunod ay kinokonsidera ring gamot sa sakit ng puson:

  • Acupuncture
  • Acupressure
  • Nerve stimulation therapies (tulad ng transcutaenous electronic nerve stimulation)

Napapagaan din ng physical therapy ang mga trigger point na maaari ring makatulong sa pananakit.

Key Takeaways

Maaaring ituring ng karamihan sa mga kababaihan na normal lang ang pananakit ng puson tuwing sila ay nagkakaregla kada buwan. May mga ilang mga gamot sa sakit ng puson na maaari mong isaalang-alang kapag ikaw ay nasa bahay tulad ng paglagay ng init, pag-ehersisyo, at pagsagawa ng ilang mga relaxation techniques. Kung patuloy ang pananakit at lumulubha ito, siguruhing kumunsulta sa iyong doktor kung ano ang dapat mong gawin.

Alamin ang iba pa tungkol sa Regla dito.

[embed-health-tool-ovulation]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Dysmenorrhea: Painful Periods, https://www.acog.org/womens-health/faqs/dysmenorrhea-painful-periods, Accessed July 21, 2022

Menstrual cramps, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/menstrual-cramps/diagnosis-treatment/drc-20374944, Accessed July 21, 2022

Period pain, https://www.nhs.uk/conditions/period-pain/, Accessed July 21, 2022

Period Pain, https://medlineplus.gov/periodpain.html, Accessed July 21, 2022

Menstrual Cramps: 5 Tips for Getting Relief From Period Pain, https://www.houstonmethodist.org/blog/articles/2021/sep/menstrual-cramps-5-tips-for-getting-relief-from-period-pain/, Accessed July 21, 2022

Kasalukuyang Version

05/25/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Herbal Para Sa Regla, Epektibo Nga Ba Ang Mga Ito?

6 Na Sintomas ng Regla na Dapat Malaman ng Bawat Babae


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement