backup og meta

Bakit Mahina Ang Menstruation? Heto Ang Mga Posibleng Maging Dahilan

Bakit Mahina Ang Menstruation? Heto Ang Mga Posibleng Maging Dahilan

Karamihan sa mga kababaihan ay nagrereklamo na malakas ang kanilang regla na kadalasang humahantong sa pagkakaroon ng tagos. Bukod sa tagos, nakararamdam din sila ng pananakit ng puson dahil sa buwanang bisita. Ngunit hindi ito ang kaso para sa iyo. Ilang buwan na rin ang nagdaan simula noong napansin mo na hindi na gaanong mapula ang iyong regla. Ano kaya ang posibleng dahilan kung bakit mahina ang menstruation? Alamin ang mga posibleng sanhi rito. 

Bago natin talakayin kung bakit mahina ang menstruation, alam mo ba na wala talagang normal period? Ito ay marahil natatangi at naiiba ito sa bawat babae. Maaaring kang makaranas ng mga unpredictable cycles samantala ang iba naman ay regular na nagkakaroon kada buwan. Gayundin, maaaring magpabago-bago kung gaano kalakas ito. Ngunit, kailangan mo pa ring malaman at matukoy kung bakit nararanasan mo ito. Sapagkat, maaari na itong maging senyales ng iba pang kondisyon na dapat mong bigyan ng atensyon at pansin. 

Bakit Mahina Ang Menstruation? Ano Ang Ibig Sabihin Nito?

Ang regla ay bahagi ng menstrual cycle na karaniwang nangyayari tuwing 28 araw. Ngunit, ang normal menstrual cycle ay maaaring mula 21 hanggang 35 araw. Nailalarawan din ito sa pamamagitan ng dalas, regularidad, tagal, at dami ng daloy ng regla. Dahil dito, isa sa mga menstrual problem na ikinikonsidera ang pagkakaroon ng mahinang menstruation. 

Ang hypomenorrhea ay terminong ginagamit sa mahinang mestruation. Ito ay tumutukoy sa kung bakit mahina ang menstruation. Ayon sa International Federation of Gynecology and Obstetrics, ang mahinang menstruation ay tumutukoy sa anumang mas mababa sa 5 ml. Ito ay kadalasan din tumatagal lang ng 1 hanggang 2 araw. 

[embed-health-tool-ovulation]

Mga Posibleng Dahilan Kung Bakit Mahina Ang Menstruation

Mayroong iba’t ibang dahilan na maaaring maiugnay kung bakit mahina ang menstruation mo. Ilan sa mga ito ang mga sumusunod:

Perimenopause

Isa sa maaaring una mong maisip na dahilan kung bakit mahina ang menstruation ay ang posibilidad na ikaw ay malipat na sa menopausal stage. Lahat ng kababaihan ay nagdadaan sa tinatawag na perimenopause o ang menopause transition. Sa panahong ito, mas kumukonti na ang paggawa ng hormone, dahilan para maging iregular o mahina ang iyong pagreregla. Ito ay maaaring magsimula nang maaga (mga mid-30s) o nang mas matagal (mga mid-50s).

Pagbubuntis

Bagaman hindi nagkakaroon ang mga taong nagbubuntis, kadalasan pinagkakamalan ang implantation bleeding bilang mahinang menstruation. Ito ay nangyayari kapag ang fertilized egg ay nakakabit na sa lining ng matres, mga 10 hanggang 14 araw matapos ang pagkabuo (conception). Bilang karagdagan, karaniwan itong dumadating sa panahon kung kailan inaasahan mo ang iyong regla. Gayunpaman, ang implantation bleeding ay mas magaan kaysa sa menstrual bleeding.

Kaugnay nito, maaari ring tila dahilan kung bakit mahina ang menstruation ang ectopic pregnancy. Kadalasan, isa sa mga pangunahing senyales ng kondisyong ito ang light vaginal bleeding at pelvic pain. Bukod pa rito, ang pagkakakunan ay maaari ring magdulot ng spotting. 

Hormonal Birth Control 

Karamihan sa mga birth control pills ay nagtataglay ng parehong progestin, o kung minsan kombinasyon kasama ang estrogen. Gumaganap ang mga ito sa pagpigil sa pagbubuntis. Maaaring magkaroon ng epekto sa regla ang on at off na pag-inom nito. Ito ay isang dahilan kung bakit mahina ang menstruation ng ilang mga kababaihan.

Pabago-Bago Ng Timbang 

Nakaapekto ang pagtaas o pagbaba ng timbang kung bakit mahina ang menstruation mo o biglaang nahihinto. Nangyayari ang pagbabagong ito dahil ang iyong body fat level ay nagiging masyadong mababa, dahilan kung bakit maaaring huminto ang obulasyon. 

Bukod pa rito, ang labis na pag-eehersisyo at mga eating disorders ay maaari ring maging dahilan kung bakit mahina ang regla. 

Stress

Hindi na lingid sa kaalaman kung paano nakakaapekto ang stress sa pangkalahatang kalusugan, maging sa pagkakaroon ng regla. Sa katunayan, inulat ng The Office on Women’s Health na ang mas malaki ang posibilidad ng mga babaeng mayroong anxiety disorders o substance use disorders na magkaroon ng maiksi o mahinang regla. 

Bukod sa mga nabanggit, mayroon ding ilang mga partikular na kondisyon na nakaaapekto sa mga hormones gayundin sa menstrual cycle. Kabilang dito ang mga sumusunod:

  • Thyroid dysfuntion (tulad ng hyperthyroidism)
  • Polycystic ovary syndrome (PCOS)
  • Primary ovarian insufficiency (POI)
  • Cushing’s syndrome
  • Asherman’s syndrome
  • Uncontrolled diabetes

Key Takeaways

Ang katotohanan ay wala naman talagang normal na period marahil ito ay maaaring iba-iba sa bawat babae. Ngunit, kailangan mo itong obserbahan dahil baka ito ay senyales na ng mga nakapaloob na kondisyon na dapat bigyang atensyon.

Alamin ang iba pa tungkol sa Regla dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Reproductive health and mental health, https://www.womenshealth.gov/mental-health/living-mental-health-condition/reproductive-health-and-mental-health Accessed July 19, 2022

Chapter 173Abnormal Vaginal Bleeding – W. Newton Long, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK282/#:~:text=Hypomenorrhea%20is%20the%20term%20for,a%20cycle%20of%20normal%20duration. Accessed July 19, 2022

The FIGO recommendations on terminologies and definitions for normal and abnormal uterine bleeding – Ian S Fraser, Hilary O D Critchley, Michael Broder, Malcolm G Munro, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/22065325/ Accessed July 19, 2022

Perimenopause, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/21608-perimenopause Accessed July 19, 2022

Is implantation bleeding common in early pregnancy?, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/pregnancy-week-by-week/expert-answers/implantation-bleeding/faq-20058257#:~:text=Implantation%20bleeding%20is%20defined%20as,the%20lining%20of%20the%20uterus. Accessed July 19, 2022

Hypomenorrhea in Adolescents and Youths: Normal Variant or Menstrual Disorder ? Revision of Literature and Personal Experience – Vincenzo de Sanctis, Ashraf Soliman, Ploutarchos Tzoulis, Shahina Daar, Salvatore Di Maio, Giuseppe Millimaggi, and Christos Kattamis, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC8972894/ Accessed July 19, 2022

Ectopic Pregnancy, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/ectopic-pregnancy/symptoms-causes/syc-20372088#:~:text=Often%2C%20the%20first%20warning%20signs,and%20which%20nerves%20are%20irritated. Accessed July 19, 2022

Miscarriage – Carla Dugas, Valori H. Slane, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK532992/#:~:text=of%20pregnancy%20loss.-,It%20is%20estimated%20that%20as%20many%20as%2026%25%20of%20all,decreases%20after%2012%20weeks%20gestation. Accessed July 19, 2022

Menstrual cycle: What’s normal, what’s not, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/womens-health/in-depth/menstrual-cycle/art-20047186 Accessed July 19, 2022

Abnormal Menstruation (Periods), https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/14633-abnormal-menstruation-periods Accessed July 19, 2022

What causes menstrual irregularities?, https://www.nichd.nih.gov/health/topics/menstruation/conditioninfo/causes Accessed July 19, 2022

Underweight, https://www.womenshealth.gov/healthy-weight/underweight Accessed July 19, 2022

Kasalukuyang Version

06/14/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Spotting Bago ang Regla: Ano ang ibig sabihin nito?

Dahilan Ng Irregular Na Menstruation Pagkatapos Manganak, Anu-Ano Ba?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement