backup og meta

Mga Kondisyon na Nakakaapekto sa Pelvis

Mga Kondisyon na Nakakaapekto sa Pelvis

Ang pelvis ay isang vital structure na naglalaman ng maraming organs tulad ng bituka, pantog, at matris. Kung ang isang babae ay makaranas ng mga problema na may kaugnayan sa kanyang pelvis, ang mga organ na ito ay maaari ring maapektuhan. Matuto nang higit pa tungkol sa mga pinakakaraniwang kondisyon na sakit sa pelvis dito.

Ano ang Pelvis?

Bago natin talakayin ang mga kondisyon na nakakaapekto sa pelvis, pag-usapan muna natin ang tungkol mismo sa pelvis. Ang pelvis ay isang hugis-plangganang istraktura na nasa ibaba ng tiyan at sa itaas ng mga binti. Kapag pinag-uusapan natin ang pelvic area na may kaugnayan sa kalusugan ng kababaihan, maaaring tukuyin ang mga sumusunod na structures na nasa loob: 

  • Ovaries, na gumagawa ng egg cells
  • Uterus o sinapupunan (matris) at ang mga organ na malapit dito, tulad ng pantog
  • Fallopian tubes, na nagdadala ng egg cells mula sa ovaries patungo sa matris
  • Cervix, na nag-uugnay sa matris sa ari
  • Puwerta
  • Mga muscle sa pelvic floor

Ang mga problemang nangyayari sa alinmang organs ay pwedeng sabihin na pelvic-related issue. Ngunit ano ang pinakakaraniwang sakit sa pelvis sa mga kababaihan?

Pinakakaraniwang Mga Kondisyon ng Sakit sa Pelvis  

Ang ilan sa mga karaniwang naiulat na pelvic-related health issues ay ang mga sumusunod:

Retroverted Uterus

Karaniwan, ang matris o sinapupunan ay alinman sa tipped forward (anteverted) o patayo. Pero sa ilang mga kababaihan, ang matris ay baliktad (retroverted).

Ang anteverted uterus ay hindi nagdudulot ng anumang problema. Ito ay maliban kung masyadong nakatagilid paharap, kung saan ang babae ay maaaring makaramdam ng bahagyang pressure sa harap ng ibabang tiyan. Gayundin, sa pangkalahatan ang isang pasyente na may retroverted uterus ay walang anumang sintomas maliban kung siya ay may kaugnay na kondisyon tulad ng endometriosis o primary dysmenorrhea (malubhang menstrual cramps)

Endometriosis

Isa sa mga karaniwang kondisyon na nakakaapekto sa pelvis ay endometriosis.

Nangyayari ang endometriosis kapag ang tissues na katulad ng lining ng matris ay lumalaki sa mga katulad na lugar bukod sa sinapupunan, tulad ng ovaries at fallopian tubes. 

Tandaan na ito ay kondisyon na nagreresulta sa mga sintomas tulad ng pananakit habang nakikipagtalik, pananakit habang umiihi, at kahirapan sa pagbubuntis.

Malakas na Menstrual Bleeding

Ang malakas na regla ay nangyayari kapag ang babae ay nawalan ng higit sa 80 ML ng dugo sa panahon ng kanyang regla. Ito rin ay ang pagkakaroon ng matagal na regla na tumatagal ng higit sa 7 araw.

Ito ay maaaring mangyari dahil sa alinman sa mga sumusunod na kondisyon:

  • Polycystic ovary syndrome (PCOS)
  • Uterine fibroids o myoma
  • Endometriosis
  • Uterine cancer
  • Endometrial polyp
  • Blood dyscrasia (problema na may kaugnayan sa dugo)

Ang treatment sa malakas na regla ay depende sa sanhi nito, ngunit ang isa sa mga pagpipilian ay dilatation at curettage (raspa). Ito ay kung may general finding ng makapal na endometrial lining. Sa raspa, dina-dilate ng doktor ang cervix at niraraspa ang lining ng sinapupunan gamit ang tool na hugis kutsara na tinatawag na curette. Ang sample ng tissue ay ipapadala para sa biopsy upang makumpirma kung ito ay malignant o benign.  

Urinary Incontinence

Ang isa pa sa mga pinakakaraniwang kondisyon na nakakaapekto sa sakit sa pelvis ay ang urinary incontinence o kawalan ng kontrol sa pantog na nagreresulta sa hindi sinasadyang mapa-ihi.

Ang mga babaeng may stress sa urinary incontinence ay kadalasang nakakaranas ng pagtulo ng ihi kapag sila ay umuubo, bumahing, o nag-eehersisyo. Kung minsan ay nararamdaman din nila ang labis na pagnanasang umihi ngunit hindi nila maabot ang comfort room sa oras. Tinatawag itong urgency incontinence. 

Ang mga treatment options para sa urinary incontinence ay ang bladder training. Layunin nito na kontrolin ang pagnanasang umihi sa pamamagitan ng pag-antala sa pag-ihi. Ang doktor ay maaari ring mag-order ng ilang medications na nagpapakalma sa sobrang aktibong pantog o medical procedures na nagpapabuti sa pagkontrol sa ihi, tulad ng pag-iniksyon ng botox o paglalagay ng urethral sling.

Vaginismus 

Ang Vaginismus ay nangyayari kapag ang ari ng babae ay “humihigpit” sa panahon ng penetrative sex. Sinasabi ng mga ulat na ito ay natural na reaksyon ng isang babae sa takot sa vaginal penetration.

Bagama’t ang mga babaeng nakakaranas ng vaginismus ay nakakaramdam ng sakit, distress, at anxiety dahil sa kawalan ng kontrol sa kanilang katawan, ito ay magagamot. At hindi kinakailangang makaapekto sa kakayahan ng pasyente na makaramdam ng arousal.  

Ang pinakakaraniwang treatment para sa vaginismus ay psychosexual therapy (talk therapy) at relaxation techniques tulad ng meditation at breathing exercises.

Pelvic Organ Prolapse

Ang pelvic floor ay binubuo ng muscles na gumaganap bilang basin na sumusuporta sa iba’t ibang pelvic organ. Habang tumatanda ang babae, ang pelvic floor muscle ay maaaring humina at maging sanhi ng isa o higit pa sa mga pelvic organ na bumagsak o bumaba mula sa kanilang orihinal na posisyon.

Ang mga pasyente na dumaranas ng pelvic organ prolapse ay kadalasang nararamdaman na parang may lalabas sa kanilang ari (“may malalaglag”) dahil ang bituka, pantog, o matris ay umuumbok sa ari. Kadalasan, ang ganitong pakiramdam ay sinasabayan ng pagbabago sa pag-ihi. Kadalasang iniuulat na urinary frequency, pakiramdam ng hindi kumpletong pag-ihi, at pilit na pag-ihi.   

Upang magamot ang pelvic organ prolapse, kailangan ang lifestyle changes. Subukang magbawas ng timbang at iwasan ang mabigat na pagbubuhat. Bukod pa rito, makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa pelvic floor exercise. Para sa advanced prolapse, maaaring kailanganin ang surgical intervention upang itama ang anatomic defect. 

Mga Impeksyon sa Urinary Tract

Panghuli, hindi natin maaaring pag-usapan ang tungkol sa mga isyu sa kalusugan na nauugnay sa sakit sa pelvis nang hindi binabanggit ang urinary tract infections (UTIs)

Ang mga babae ay kadalasang nakakaranas ng UTI dahil mayroon silang mas maiksing urethra, ang tubo kung saan lumalabas ang ihi sa katawan. Ang mas maikling urethra ay nangangahulugan na ang bakterya ay madaling makapasok sa pantog at maging sanhi ng impeksyon sa pantog (cystitis). 

Antibiotic therapy at hygiene practices ang kadalasang gamot sa UTI. Ang kalinisan ang pumipigil na makarating ang bacteria sa urinary tract.

Key Takeaways

Ang mga babaeng may sakit sa pelvis ay kailangang ng medical treatment para sa tamang paggamot. Kung sakaling makaranas ka ng pananakit ng pelvic o mga sintomas na nauugnay sa mga nabanggit na kondisyon, kumunsulta kaagad sa iyong doktor.

Matuto pa tungkol sa Women’s Health dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Retroverted uterus
https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/retroverted-uterus#:~:text=A%20retroverted%20uterus%20means%20the,cause%20any%20problems%20during%20pregnancy.
Accessed November 11, 2020

Endometriosis
https://www.nhs.uk/conditions/endometriosis/#:~:text=Endometriosis%20is%20a%20condition%20where,are%20treatments%20that%20can%20help.
Accessed November 11, 2020

Heavy periods
https://www.nhs.uk/conditions/heavy-periods/
Accessed November 11, 2020

Dilatation and curettage (D&C)
https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/ConditionsAndTreatments/dilatation-and-curettage-dc
Accessed November 11, 2020

Vaginismus
https://www.nhs.uk/conditions/vaginismus/#:~:text=Vaginismus%20is%20the%20body’s%20automatic,previously%20enjoyed%20painless%20penetrative%20sex.
Accessed November 11, 2020

Women’s Pelvic Conditions
https://www.beaumont.org/conditions/pelvic-conditions
Accessed November 11, 2020

Pelvic organ prolapse
https://www.nhs.uk/conditions/pelvic-organ-prolapse/#:~:text=Pelvic%20organ%20prolapse%20is%20when,can%20cause%20pain%20and%20discomfort.
Accessed November 11, 2020

Kasalukuyang Version

10/03/2024

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Para saan ang kegel exercises, at paano ito ginagawa?

Ano ang ginagawa sa isang pelvic exam?


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement