Ang polycystic ovarian syndrome o PCOS ay hormonal na kondisyon sa mga babae kung saan ang mga obaryo ay nagpro-produce ng higit na lebel ng dami ng average na hormones ng lalaki na tinatawag na androgens. Ito ay nakaaapekto sa fertility ng isang babae, sa menstrual cycle at maging ang itsura. Pero sa usapin ng pagbubuntis, maaari bang mabuntis na may PCOS?
Ang babae na may PCOS ay nakararanas ng matinding sakit tuwing may regla. Nagiging sanhi rin ito ng irregular, malakas o masakit na pagreregla na minsan ay mas tumatagal kaysa sa average na span ng menstrual cycle.
Ang mga babaeng nakararanas ng PCOS ay nahihirapan na magbuntis, at mayroong mas mataas na tsansa na magkaroon ng komplikasyon habang buntis, nagla-labor at maging sa panganganak. Ang magandang balita ay sa pag-manage ng sintomas ng PCOS, maraming mga babae ay maaari pa ring magbuntis at manganak ng malusog ng sanggol.
Narito ang mga sintomas ng PCOS na kailangang i-manage ng ilang mga babae:
- Irregular na menstrual cycle. Kung ang iyong regla ay hindi pare-pareho ng buwanang cycle na 26-32 na mga araw, o kung nagkaroon ka ng regla kada ilang beses sa mga buwan, nasa kategorya ka nito.
- Hindi maipaliwanag na pagbigat ng timbang
- Tigyawat
- Maraming mga buhok sa mukha o buong katawan
- Numinipis o nawawalang buhok sa ulo
- Mayroong cysts sa mga obaryo
- Resistance sa insulin
Mga Hamon sa mga Sumusubok Mabuntis na may PCOS
Ang mga babaeng sinusubukan na mabuntis na may PCOS ay kailangan na maging handa para sa mas marami pang kadalasang alalahanin kung nagbubuntis. Sila ang mas may mataas na banta na malaglagan ng sanggol sa sinapupunan kumpara sa mga babaeng walang PCOS.
Ang mga babaeng may PCOS ay mas may banta na magkaroon ng:
- Preeclampsia
- Mataas na presyon ng dugo
- Mas malaking sanggol
- Makaranas ng gestational diabetes
- Manganak nang maaga (premature)
- Ang aktuwal na pangananak ay maaari ding maging sobrang hirap, at ang sanggol ay maaaring mapwersa na ipinanganak sa pamamagitan ng cesarean section.
Kung ikaw ay buntis na may PCOS, mahigpit na inirerekomenda na makipagtulungan sa iyong health care provider upang masiguro ang malusog na pagbubuntis, ligtas na labor, at panganganak.
Ang PCOS kung hindi gagamutin ay magiging sanhi ng pagkakaroon ng Type 2 diabetes, mataas na presyon ng dugo, cancer sa obaryo, pagkabaog, o sakit sa puso.
Bagaman ang PCOS ay hindi malulunasan, ang mga sintomas ay maaaring ma-manage upang matulungan ang mga babae na magbuntis. Mayroong iba’t ibang lunas na available dahil ang bawat babae ay hindi nakararanas ng parehong mga sintomas. Isa sa mga potensyal na gamutan ay birth control. Gayunpaman, kailangang tandaan na ang tsansa na magbuntis na may PCOS kasama ang birth control ay zero. Kung sinusubukan mong magbuntis, mainam na kumuha ng ibang porma ng gamutan.
Mga Tsansa na Mabuntis na may PCOS
Isa sa mga karaniwang lunas na ipinapayo sa mga babae na hindi mabuntis na may PCOS ay ang paggamit ng hormonal contraceptives. Ang mga ito ay makatutulong upang matugunan ang ilang mga sintomas tulad ng tigyawat, labis na buhok sa mukha, maging ang pagnipis ng buhok sa ulo sa pamamagitan ng pagbaba ng hormone ng lalaki sa iyong dugo.
Isa pang sintomas na makatutulong na matugunan ay ang regulation ng iyong ovulation. Ang hindi pag-ovulate nang regular ay nakapagpapataas ng uterine tissue. Kung mayroong build up ng uterine tissue, nakapagpapataas ito ng banta ng uterine cancer. Ang hormonal contraceptive ay nakatutulong na masiguro na hindi ito mangyayari. Gayunpaman, hindi ka pa rin mabubuntis kahit na ang iyong ovulation ay maging regular.
Kung ikaw ay may PCOS, at hindi pa handa na magkaroon ng anak sa edad na 35, ipinapayo ang pag-freeze ng iyong eggs. Ito ay kung nagdesisyon ka nang magkaroon ng mga anak, magkakaroon ka ng mas bata at mas malusog na egg na magagamit para sa in-vitro fertilization.
Pataasin ang Tsansa ng Mabuntis na may PCOS
Nasa 70% ang mga babae na may PCOS na nahihirapan magbuntis. Kung ikaw ay interesado na mabuntis na may PCOS, ipinapayo na kumonsulta sa fertility specialist upang matingnan ang mga tiyak na lunas.
Mayroong range ng mga gamot na makapagpapataas ng tsansa na magbuntis. Maaari mo ring piliin ang pagpapaturok o minor ovarian surgery, kung ito ay available at posible para sa iyo.
May dalawang uri ng gamutan na kadalasang inirerekomenda para sa mga babae na may PCOS na nais magbuntis:
- Clomiphene
- Metformin
Konsultahin ang iyong OB-GYN tungkol sa mga lunas upang malaman kung ang mga ito ay akma sa iyo. Mahalaga na maunawaan kung paano makaaapekto ang mga ito sa iyong katawan at sa iyong fertility.
Ang pagbabago ng lifestyle ay inirerekomenda rin para sa mga babaeng may PCOS na nais magbuntis. Isa sa mga mainam na bagay na maaari mong gawin upang ihanda ang katawan at bawasan ang komplikasyon ay dapat na maging nasa pinaka malusog na estado ka ng iyong kalusugan bago ka magbuntis.
Ilang mga pagkain na inirerekomendang iwasan upang mabawasan ang epekto ng PCOS:
- Refined carbohydrates tulad ng white bread o muffins
- Inflammatory foods tulas ng red meat o processed food
- Matatamis na snacks at inuman tulad ng soda
Ang PCOS ay nakaugnay sa maraming mga disorder, tugunan ito nang positibo sa pagkakaroon ng mas magandang lifestyle na naglalayon na maprotektahan ang kalusugan. Ibig sabihin nito na ugaliin ang 150 na minuto na ehersisyo kada linggo. Ang ehersisyo ay kilala na nakatutulong upang mabawasan ang insulin resistance.
Mahalagang Tandaan
Ang pagkakaroon ng PCOS ay hindi nangangahulugan na hindi posible ang pagbubuntis. Ang PCOS ay metabolism na problema at hormonal imbalance na kadalasang karaniwan at nagagamot. Kailangan mo lang na pagsamahin ang malusog na lifestyle, ehersisyo, tamang pagpili ng pagkain, at gamutan upang malunasan ito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o lunas.