Paano mo mapapabilis ang epekto ng pamparegla?
Maraming kababaihan ang nag-iisip ng paraan upang mapabilis o maging mas epektibo ang pamparegla dahil sa kanilang delayed na menstrual cycle. Karaniwan man itong problema, madali naman itong nasosolusyonan sa paggamit ng mga pamparegla. Kabilang na rito ang mga gamot, o kaya lifestyle changes na dapat gawin ng isang babae.
Sanhi ng Delayed na Regla
Heto ang ilang dahilan kung bakit posibleng ma-delay ang menstrual cycle ng isang babae:
- Hormonal imbalances
- Gamot
- Nasobrahan sa exercise
- mabilis na pagkabawas or pagdagdag ng timbang
- Hindi sapat na calorie intake
- Pagbubuntis
- Pagpapasuso
- Polycystic ovary syndrome o PCOS
- Uterine fibroids
- Uncontrolled diabetes
- Stress
- Premature ovarian failure
- Menopause
- Hyperprolactinemia
Anu-Ano Ang Puwedeng Gamitin na Pamparegla?
Anu-ano nga ba ang safe at epektibong pamparegla na mabilis rin umepekto? Ito ay kadalasang tanong ng mga babae na nakakaranas ng irregular o kaya delayed na menstruation.
Bago ang lahat, tandaan na ang pagkakaroon ng irregular na period sa puberty o kaya menopause ay hindi dapat ikabahala. Ito ay dahil karaniwan na itong nangyayari sa ganitong panahon.
Heto ang ilang tips na puwedeng makatulong na pamparegla, ngunit minsan ay matagal ito bago umepekto.
Tandaan, magpakonsulta muna sa iyong doktor bago sumubok ng mga ito upang masiguradong ligtas ang mga ito. Laging siguraduhin na mag-pa check-up muna po sa doctor or sa iyong OB-gynecologist bago mag isip subukan ang mga ito.
Contraceptive Pills
Karaniwang ginagamit ang mga contraceptive pills na pamparegla.
Ito ay dahil ang mga low-dose birth control pills ay nakakatulong upang ma-regulate ang menstrual cycle. Ang ganitong mga pills ay mayroong estrogen at progesterone. Ito ay nakakatulong upang masolusyonan ang irregular na menstruation na sanhi ng PCOS, ibang mga sakit tulad ng diabetes, metabolic syndrome, at iba pa. Dapat tama at regular ang pagkakainom ng mga pill na ito upang maiayos ang mga hormone natin, at maging regular ang pagreregla. Hindi lahat ng mga contraceptive pills ay pare-parehas kaya kinakailangan ang guidance ng iyong doctor.
[embed-health-tool-ovulation]
Pagpapababa Ng Timbang
Para sa mga babae na overweight, may metabolic syndrome, o kaya ay mayroong PCOS, nakakatulong ang pagpapababa ng timbang upang ma-regular ang kanilang menstrual cycle.
Mental Health
Ang stress ay maaring maging sanhi ng irregular menstruation. Huwag mag-atubiling humingi ng tulong mula sa isang psychiatrist o kaya sa therapist upang masolusyonan ang iyong mga suliranin. Maaring mag practice ng mga stress reliever techniques upang ma-control ang stress sa araw araw.
Supplements
Heto ang iba pang mga bagay na puwedeng makatulong na maging regular ang menstrual cycle or pagreregla nila, ngunit tandaan na kinakailangan pa ng karagdagang pag-aaral tungkol dito upang masigurado ang pagiging epektibo. Magpakonsulta sa iyong doktor upang malaman kung ano ang pinakamabisang pamparegla para sa iyo.
- Multivitamin and minerals
- Magnesium
- Antioxidants
- B Vitamins
Kailan Dapat Mag-Alala Sa Irregular Periods?
Dapat kang mag-alala kapag nangyari ang mga sumusunod:
- Tumigil na ang iyong period ng 3 buwan
- Higit 3 buwan na irregular ang iyong period–maaring kulang sa 21 araw or sobra sa 35 araw ang pagitan sa pagreregla
- Lumalagpas sa 35 days bago ka ulit magkaroon ng period
- napapansing
- Periods na lagpas 7 araw at mayroong heavy flow
- Napapansing nag-iba (humina or lumakas) ang pagreregla
Kung maranasan mo ang mga ito, mabuting magpakonsulta agad sa iyong doktor.
Key Takeaways
Ang pag-inom ng mga pamparegla ay maaring makatulong upang maging mas regular ang iyong menstruation, ngunit hindi palaging mabilis ang mga epekto nito. Kabilang rito ang mga gamot na nakakatulong sa pag-regulate ng hormones, pati na rin ang lifestyle changes upang bumaba ang timbang at ang iyong stress.
Alamin ang tungkol sa Menstruation dito.