backup og meta

Pagtatae Habang may Regla: Ano ang Sanhi at Paano ito Nagagamot?

Pagtatae Habang may Regla: Ano ang Sanhi at Paano ito Nagagamot?

Sakit ng puson, pabago-bagong mood, sakit ng likod – para bang wala nang mas ilalala pa, pero nandito pa ang pagtatae. Isa pang pagsubok na kailangang harapin ang hindi makontrol na pagtatae habang may regla. Huwag mag-alala dahil hindi ka nag-iisa. Normal na nangyayari ang pagtatae habang may regla dahil sa pagbabago ng hormones na may kinalaman sa function ng menstrual cycle at digestive system.

Karaniwan ba Ang Pagtatae Habang may Regla?

Karamihan sa kababaihan ay nakararanas ng pagtatae bago o tuwing nireregla. Para sa iba, magaan ito sa pakiramdam, pero madalas ay sagabal lang ito.

Sa cramps at bloating, ano pa bang mas malala dito? Hindi pa alam ang dahilan kung bakit ito nangyayari, ngunit pinaniniwalaang may kinalaman dito ang prostaglandin hormones na lumalabas sa katawan bago ang regla.

pagtatae habang may regla

Ano Ang mga Sintomas ng Pagtatae Habang may Regla?

May kaugnayan ang pagtatae habang may regla sa kalubhaan ng mga sintomas nito. Karamihan sa mga babae ang nakararamdam na mas lumalala ang mga sintomas tuwing may regla dahil higit na reaktibo ang katawan sa pagkain sa panahong ito.

Bukod sa IBS o Irritable Bowel Syndrome, maaari ding maramdaman ang mga sumusunod:

  • Pananakit ng likod
  • Pamimilipit o cramps
  • Masakit na tiyan
  • Pagkapagod
  • Water retention (pamamanas)

Maaari ding sintomas ang diarrhea na malapit na ang pagreregla, dahil may mga kaso na nakararanas ang mga babae ng loose bowel movement ilang araw matapos ang ovulation.

Kailan Dapat Pumunta sa Doktor?

Hindi dapat ikabahala ang diarrhea habang may regla, ngunit kung sinasabayan ito ng matinding pagsakit na higit pa sa menstrual cramps, mabuting agad na magpatingin sa doktor.

Maaaring makatulong ang pain relief medication sa cramps para sa iba. Kung matindi na ang sakit na nararamdaman, maaaring senyales na ito ng endometriosis. Tiyakin din na walang gastroenteritis (viral o bacteria) at amoebiasis.

Upang maiwasan ang pagtatae habang may regla, kailangan lang gawin ay baguhin ang kasalukuyang lifestyle.

Ano Ang Sanhi ng Pagtatae Habang may Regla?

Hindi pa tiyak ang pangunahing sanhi ng pagtatae habang may regla, ngunit maaaring may kaugnayan ito sa hormones.

Ang kemikal na prostaglandin na lumalabas tuwing may regla ang responsable sa contraction ng uterus. Ito ang pangunahing nagbibigay ng mensahe para gumalaw ang intestine na nagdudulot ng loose bowel movement.

Madalas na hinaing ang pagtatae habang may regla na nagmumula sa pagbabago ng hormones sa katawan. Maliban lamang kung iba ang pinagmulan ng sakit at hindi sa konektado sa menstruation.

Ang pinagsamang malubhang gastrointestinal pain at pagtatae ay maaaring tumutukoy sa iba pang komplikasyon. Kung makakita ng dugo sa sariling dumi, posibleng senyales ito ng endometriosis. Agad na magpunta sa iyong doktor sa lalong madaling panahon.

Phases ng Menstrual Cycle

Komunsulta sa doktor kung makaranas ng mga sumusunod:

  • pagtataeng tumatagal nang higit pa sa dalawang araw
  • Matindi at hindi na makayang gastrointestinal pain
  • Stomach cramps na hindi maibsan ng gamot
  • Dumi na may kasamang mucus

Maraming kababaihan ang dumaranas ng menstrual diarrhea na nangyayari isang beses sa isang buwan. Ang kagandahan nito, walang dapat ipag-alala dahil normal lang itong nangyayari.

Nagmumula ang menstrual diarrhea sa hormone na prostaglandin na inilalabas ng uterus. Hindi ito nagdudulot ng iba pang komplikasyon sa katawan.

Dahil sa pagbabawas ng fluid sa katawan, maaaring makaramdam ng pagkapagod at panghihina na makakaapekto sa araw-araw na gawain.

Paano Ginagamot Ang Pagtatae Habang may Regla?

Maaaring gamutin ang pagtatae habang may regla katulad ng kung paano gamutin ang karaniwang loose bowel movement.

Narito ang ilan sa mga mabisang paraan para sa gamutin ang pagtatae:

  • Uminom ng gamot na karaniwang iniinom para sa pagtatae tulad ng loperamide. Para sa mabilis na paglaban sa pagtatae, maaari ding uminom ng probiotic supplements at fiber.
  • Makatutulong ang pag-inom ng birth control pills para maging normal ang menstrual cycle, dahil dito maaaring maiwasan ang pagkakaroon ng pagtatae habang may regla.
  • Ugaliing mag-ehersisyo o gumalaw kahit maglakad lamang ng 30 minuto sa labas ng bahay. Nakadaragdag ang stress sa paglubha ng sintomas ng menstrual period at pagtatae.

Kung may katanungan, ugaliing makipag-ugnayan sa doktor at lumapit sa therapist.

Paano Pangangasiwaan Ang Pagtatae Habang may Regla?

Magkaiba ang panggagamot at pangangasiwa sa menstrual diarrhea. Hindi ito madalas nakapipinsala pero maaaring magpabalik-balik tulad ng regla.

Narito ang ilan sa mga home remedies na maaari makatulong:

Pagkain ng Masustansyang Pagkain

Hindi kailangang huminto sa pagkain dahil ang pagbabago naman ng hormones ang nagdudulot ng pagtatae habang may regla. Wala itong kinalaman sa gastrointestinal. Kumain ng balanseng diet para maiwasan ang kakulangan sa nutrisyon. Sa ngayon, iwasan ang mamantika at maanghang na pagkaing maaaring magpalubha ng nararamdaman.

Uminom ng Maraming Tubig

Maaaring magdulot ng dehydration ang pagtatae. Palitan ang mga nawalang electrolyte at fluid sa pamamagitan ng madalas na pag-inom tubig. Iwasan ang soda at mga inuming may alcohol dahil nagdudulot ito ng mabilis na pagkawala ng tubig sa katawan.

Magpahinga

Stress at anxiety ang karaniwang sanhi ng diarrhea at maaari pa nitong mapalubha ang sintomas na nararamdaman sa menstrual period. Magpahinga at iwasan ang mga mabibigat na gawain pansamantala.

Iwasan Ang mga Inuming may Caffeine

Tumutulong sa fluid loss ang mga stimulants tulad ng caffeine dahil nagsisilbi silang diuretics, dahil dito lumalala ang pagtatae.

Ang hindi makontrol na pagtatae habang may regla ay pangkaraniwan at madalas kasabay ng regla. Walang dapat ikabahala rito, ngunit marapat na komunsulta sa doktor kapag nakaramdam ng iba pang sintomas.

[embed-health-tool-ovulation]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Diarrhea during Period and Diarrhea Before Period

https://flo.health/menstrual-cycle/health/period/diarrhea-before-during-period

Accessed April 28, 2020

Exactly Why You Get Gas and Diarrhea during Period

https://www.womenshealthmag.com/health/a19996559/period-diarrhea/

Accessed April 28, 2020

Diarrhea during Your  Period

https://www.womansday.com/health-fitness/womens-health/a27611578/diarrhea-during-period/

Accessed April 28, 2020

Gastrointestinal symptoms before and during menses in healthy women

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3901893/ Accessed July 19, 2020

Kasalukuyang Version

03/31/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Female Alopecia at Paano Ito Maaaring Gamutin?

Bukol Sa Ari Ng Babae: Mga Uri, Sintomas, At Paggamot


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement