backup og meta

Pagsakit Ng Dibdib Sa Panahon Ng Period, Paano Maiiwasan?

Pagsakit Ng Dibdib Sa Panahon Ng Period, Paano Maiiwasan?

Ang pagsakit ng dibdib ay isa sa mga iniinda ng kababaihan bago, habang o matapos ang menstruation o regla. Tinatawag din na “mastalgia” ang pagsakit ng dibdib na nararamdaman ng mga babae.

Kung tutuusin nakaka-panic at paranoid ang mastalgia. Maaaring isipin ng isang babae na mayroon siyang malubhang karamdaman. Kaya ang tanong, paano maiiwasan ng mga kababaihan ang mastalgia? Alamin dito.

Pagsakit Ng Dibdib: Karaniwan Ba Para Sa Mga Babae Ang Mastalgia?

Ang mastalgia ay isang karaniwang kondisyon lalo na sa mga kababaihang nasa edad na 30-50. Nakaaapekto ito sa mga babae ng humigit-kumulang na 70% sa kanilang buhay. Minsan ang sakit na nararamdaman ng mga kababaihan ay nagmumula sa kailalim-laliman ng dibdib. Ito ay tinutukoy bilang chest wall pain.

Paano Nararamdaman Ang Mastalgia?

Madalas nararamdaman ang mastalgia sa pamamagitan ng pananakit ng dibdib na parang nag-iinit, tinutusok o pakiramdam na pinipiga ang laman sa may suso. Laging tandaan na maaaring pasumpong-sumpong ang pag-atake nito at constant.

Pagsakit Ng Dibdib: Kailan Maaaring Maramdaman Ang Mastalgia?

Nabanggit na ang mastalgia ay maaaring maranasan bago, habang o kahit tapos na ang iyong period. May mga pagkakataon din na isang buwan nakararanas ng breat pain. Pero huwag kang masyadong mag-alala! Kadalasan hindi naman kanser ang dahilan ng mastalgia. Ngunit kung ang paninikip ng dibdib ay hindi nawawala kahit hindi naman cycle ng iyong period, mainam na kumonsulta na agad sa doktor para sa agarang medikal na atensyon kung kailangan.

2 Uri ng Mastalgia

Ang 2 type ng mastalgia ay ang mga sumusunod:

  • Cyclical breast pain. Ang pagsakit na ito ay konektado sa menstrual periods
  • Noncyclic breast pain. Ang sakit ay maaaring magmula sa dibdib o sa iba pang lugar. Tulad ng mga kalapit na muscles, kasukasuan at maaaring maramdaman sa suso.

Ang pagsakit nito ay maaaring magsimula sa minor discomfort hanggang sa maging severe ang sakit. Ayon sa mga datos maraming mga babae ang natatakot sa breast pain sa pag-aakala na ito ay sintomas ng breast cancer.

Dahilan Ng Mastalgia

Mahalaga na malaman ng mga kababaihan ang dahilan ng mastalgia para maiwasan ito. Narito ang mga sumusunod na sanhi ng cyclic breast pain.

  • Mga tabletas para sa birth control
  • Pagbubuntis
  • Impeksyon
  • Pamamaga
  • Mga gamot sa pagkabaog
  • Hormone therapy
  • Naunang radiation therapy
  • Mga antidepressant
  • Mga cyst sa suso
  • Fibroadenomas (mga di-cancerous na bukol)
  • Costochondritis (pamamaga kung saan nagtatagpo ang iyong mga buto at kartilago sa iyong rib cage)
  • Ang pagkakaroon ng mas malalaking suso
  • Mga peklat sa operasyon

Ang mga sumusunod naman ay dahilan ng noncyclic breast pain

Paano Maiiwasan Ang Pagsakit Ng Dibdib?

Ang paninikip ng dibdib ay natural na bahagi ng woman’s menstrual cycle. Madaling i-manage ang mastalgia. Sa pamamagitan ng pagkontrol ng certain medication at pagbabago sa lifestyle.

Narito ang mga sumusunod na paraan:

  • Pag-iwas sa caffeine
  • Pag-intake ng vitamin E
  • Pagkain ng low-fat diet
  • Pagsusuot ng mga comfortable bra at damit
  • Pag-iwas sa mga bisyo tulad ng pag-inom ng alak

Sa ibang mga kaso ang various supplemental hormone at mga hormonal na blockers ay pineprescribe din ng doktor. Ito ang mga sumusunod:

  • Mga tabletas para sa birth control
  • Bromocriptine
  • Danazol
  • Thyroid hormones
  • Tamoxifen

Ang mga gamot na ito ay maaaring magbigay ng side effects sa’yo. Maganda na makipag-usap muna sa’yong doktor. Para sa mga rekomendasyon at payo.

Key Takeaways

Hindi madali ang pagiging babae. Ang pagkakaroon pa lang ng buwanang dalaw ay challenging na. Kaya napakahalaga para sa mga kababaihan na alam ang tamang pangangalaga sa sarili. Ang pag-alam sa mga dahilan bakit sumasakit ang dibdib bago, habang o pagkatapos ng regla ay isang mabuting hakbang. Upang mapangalaan ang sarili at proteksyunan lagi ring tandaan na kumonsulta sa doktor para sa mga payo.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Kababaihan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Is it mastalgia or myofascial pain? A clinical confusion, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC8140869/, Accessed March 4, 2022

Factors Effecting Mastalgia, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4960349/, Accessed March 4, 2022

Breast Pain, https://breastcancernow.org/information-support/have-i-got-breast-cancer/benign-breast-conditions/breast-pain, Accessed March 4, 2022

Breast Pain (Mastalgia), https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15469-breast-pain-mastalgia, Accessed March 4, 2022

Existence of Cervical Discopathy in Non-Cyclic Mastodynia, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7204837/, Accessed March 4, 2022

Kasalukuyang Version

04/25/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jezreel Esguerra, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Female Alopecia at Paano Ito Maaaring Gamutin?

Bukol Sa Ari Ng Babae: Mga Uri, Sintomas, At Paggamot


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement