Ang menopause ay isang natural na bahagi ng reproductive life cycle ng isang babae, isa na may life-changing implications. Sa panahong ito, kadalasan sa pagitan ng edad na 45 hanggang 55, ang isang babae ay sasailalim sa maraming pisikal at hormonal changes. Pagkatapos ng menopause, ang mga kababaihan ay hindi na magkakaroon ng kanilang regla o maaaring mabuntis. Sa pagbabagong ito, may mas mataas na panganib ng osteoporosis, sakit sa puso at stroke. Ang mga babaeng nakakaranas ng sintomas ng maagang menopause ay dapat humingi ng paggamot at/o preventive care. Ngunit bakit ang ilang mga kababaihan ay dumaan sa menopause nang maaga?
Sino ang Nakakaranas ng Maagang Menopause?
Karamihan sa mga kababaihan ay umabot sa menopause sa pagitan ng edad na 45 at 55, ngunit ang perimenopausal period ay maaaring magsimula nang mas maaga. Ang ilang mga kababaihan ay maaaring magsimulang mapansin ang mga bagay na nagbabago sa kanilang mga katawan sa kanilang mid-30s. Gayundin, humigit-kumulang 1% sa mga kababaihan sa United States ang nakakaranas ng menopause bago ang edad na 40. Ang menopause sa pagitan ng edad na 41 at 45 ay tinatawag na premature menopause.
Ang premature menopause ay maaaring nauugnay sa radiation exposure, chemotherapy, o paninigarilyo. Sa ilang mga kaso, ang surgical menopause ay maaari ding mangyari. Nangyayari ito sa mga babaeng premenopausal pagkatapos tanggalin ang isa o parehong mga ovary o pagkatapos i-irradiate ang pelvis, na naglalaman ng mga ovary. Ito ay humahantong sa biglaang menopause. Ang mga babaeng ito ay kadalasang nagpapakita ng mas matinding senyales ng menopause kaysa kung mas may edad na sila.
Ano ang mga Sintomas ng Maagang Menopause?
Maaaring magsimulang makaranas ang mga babae ng hindi regular na cycle ng regla kahit ilang taon bago ang huling regla. Kung ang cycle ay hindi regular, kumunsulta sa iyong doktor para matingnan ang mga posibleng dahilan. Ang mga sintomas ng maagang menopause ay katulad ng mga sintomas ng menopause, kabilang ang:
- Hot Flashes
- Pinagpapawisan sa gabi
- Discomfort during sexual intercourse
- Vaginal dryness
- Pag-ihi ng madalas
- Hirap sa pagtulog (insomnia)
- Urinary tract infections
- Pabago-bagong mood
- Mild depression o anxiety
- Paglambot ng suso
- Dry skin, dry eyes o dry mouth
- Mabilis na tibok ng puso
- Sakit ng ulo
- Mga problema sa konsentrasyon, pagkawala ng memorya (kadalasang pansamantala)
- Pananakit sa mga kalamnan at kasukasuan.
- Pagkalagas ng buhok o pagnipis ng buhok
- Pagtaas ng timbang
- Pagbabago sa libido (pagnanasang sekswal)
Mga Dahilan ng Maagang Menopause
1. Ang mga Ovary ay Tumigil sa Paggana
Ang premature menopause ay maaaring kusang mangyari. Ito ay kapag ang ovaries ng isang babae ay huminto sa paggawa ng normal levels ng ilang mga hormone, lalo ang estrogen hormone. Minsan ito ay tinatawag na early ovarian failure o primary ovarian failure.
Ang sanhi ng early ovarian failure ay madalas na hindi alam,
ngunit sa ilang mga kababaihan ito ay maaaring dahil sa:
- Mga abnormalidad ng chromosomal sa mga babaeng may Turner syndrome
- Mga sakit sa autoimmune
- Ilang mga nakakahawang sakit tulad ng malaria at tuberculosis, ngunit ang mga ito ay napakabihira.
Ang pangunahing kakulangan sa ovarian ay maaaring mangyari sa mga pamilya. Maaaring mangyari ito kung ang isang miyembro ng pamilya ay nag menopause sa napakabatang edad (20 o 30 taon).
2. Paggamot sa Kanser
Ang radiation therapy at chemotherapy ay maaaring magdulot ng early ovarian failure. Maaaring mangyari ito pansamantala o permanente.
Ang panganib ng premature menopause ay depende sa:
- Iyong edad
- Uri ng paggamot na natanggap
- Bahagi ng katawan ang radiation therapy ay nakadirekta (kung nakatanggap ng radiation therapy sa paligid ng utak o pelvis, ikaw ay nasa mas mataas na panganib na magkaroon ng premature menopause)
3. Pag-opera para Tanggalin ang mga Obaryo
Nagdudulot din ng premature menopause ang pag-alis ng parehong ovary sa operasyon. Halimbawa, ang pag-alis ng mga ovary sa panahon ng hysterectomy (opera para alisin ang matris).
Treatment sa Maagang Menopause
Walang available na lunas para ma-reactivate ang ovaries. Sa mga bihirang kaso na hindi rin alam ang dahilan, ang mga ovary ay maaaring kusang gumana muli. Ayon sa ilang pag-aaral, humigit-kumulang 1 sa 10 kababaihan na na-diagnose na may primary ovarian insufficiency (POI) ay nabuntis. At ito ay sa hindi pa malinaw na mga dahilan.
Ang mga babaeng may premature menopause ay nasa mas mataas na panganib ng mga problema sa kalusugan tulad ng maagang osteoporosis at sakit sa puso. Ipinapayong kumuha ng ilang hormone therapy hanggang sa maabot mo ang karaniwang edad ng menopause (mga 51 taon). Ito ay maaaring isang oral contraceptive o menopausal hormone therapy (HRT) na pinagsasama ang estrogen at progestogen.
Ang parehong options ay ginagamot ang mga sintomas ng menopause at binabawasan ang risk ng early-stage ng osteoporosis at sakit sa puso.
Pagkakaroon ng Suporta
Maaaring nakakainis at mahirap ang pagdanas ng sintomas ng maagang menopause. Nakakaapekto sa kakayahang natural na manganak ang permanenteng premature menopause. Ang ilan sa mga karaniwang problemang kinakaharap ng mga kababaihan ay:
- Kalungkutan dahil sa pag-asam na magkaroon ng mga anak
- Takot na tumanda nang maaga
- Mga problema sa pagpapahalaga sa sarili
Kahit na may premature menopause, posible pa ring magkaroon ng mga anak sa pamamagitan ng mga donasyong itlog mula sa ibang babae gamit ang IVF. Bilang kahalili, maaari mong i-save at gamitin ang iyong sariling mga itlog. Ang surrogacy at adoption ay maaari ding options.
Higit sa lahat, maaaring makatulong ang support at counseling groups. Kumunsulta sa iyong doktor para sa payo sa iyong kondisyon at access sa suporta.