Ang menopause ay natural na parte ng pagtanda ng mga babae, ito ang panahon kung kailan mahihinto ang pagreregla dahil ang ovary ay naubusan na ng egg cells. Karamihan ng mga babae ay nararanasan ang menopause sa edad na 50s, ngunit maaari itong mas maaga pa o late. Maliban sa mga pisikal na sintomas, kabilang na ang pagiging tuyot ng puki, mainit na flesh, pagpapawis tuwing gabi, sakit ng ulo, pagkahilo, ang menopausal na babae ay maaaring maranasan ang pagbabago ng mood. Ano ang sanhi ng pagbabago ng mood sa menopause, at paano haharapin ito?
Sanhi ng pagbabago ng mood sa menopause at galit
Bago natin talakayin ang tips sa pag-cope sa pagbabago ng mood sa menopause, unahin nating ipaliwanag bakit ito nangyayari.
Hormones
Ang pinaka sanhi ayon sa mga eksperto ay ang pagbabago ng hormones. Habang nasa menopause, ang lebel ng estrogen at progesterone ay nagbabago at bumababa. Ito ay sanhi ng pagbabago sa utak na nagti-trigger ng pagbabago ng mood at minsan ay galit.
Ang pagiging malala ng pagbabago ng mood ay nakadepende rin sa pagiging sensitibo ng babae sa pagbabago ng hormones. Hindi pa maipaliwanag ng mga eksperto ito ngunit binigyang-diin nila na ang ilang mga babae ay mas sensitibo kaysa sa iba.
Contributing factors
Ang pagbabago ng mood sa menopause at pagiging magagalitin ay maaari ding mangyari (o lumala) dahil sa mga dagdag na salik tulad ng pagtanda at midlife crisis, isang mapanghamong panahon para sa mga taong nahihirapan na tanggapin na kalahati ng buhay nila ay lumipas na.
Kadalasan, ang menopause ng isang babae ay kaakibat ng isyu sa relasyon, retirement, problema sa trabaho, at dagdag na responsibilidad na alagaan ang mga tumatandang mga magulang. Karagdagan, kalimitang nakikita ng mga babae na ang menopause ay senyales ng pagtanda.
Paano mag-cope sa pagbabago ng mood sa menopause at galit
Hindi mo maiiwasan ang pagbabago ng mood sa menopause, ngunit maaari mong gawin ang ilang hakbang upang harapin ito nang epektibo.
Maging mabuti sa sarili
Ang unang hakbang sa pag-cope sa pagbabago ng mood ay ang pagtanggap na ang mga ito ay normal, huwag kagalitan ang sarili dahil nararanasan ito.
Huwag magpadala na ang mga pagbabago ng mood at galit ay “nasa isip lamang.” Tandaan na ang aktuwal na pagbabago ay nangyayari sa utak na sanhi ng pagbabago ng mood na nangyayari.
Ang magandang balita ay ang pagbabago ng mood sa menopause at ang pagiging magagalitin ay unti-unting mawawala, lalo na sa maayos na interbensyon.
Bawasan ang stress
Ikaw ba ay nasa ilalim ng malalang stress? Kung ganun ay magpapalala ito ng iyong pagbabago ng mood.
Bawasan ang iyong trabaho sa pamamagitan ng pag iisa-isa ng mga layunin papuntang mas maliliit na gawain. Unahin ang pinaka mahalagang proyekto at mag-atas ng mga responsibilidad sa iba.
Ang mga paraan sa relaxation tulad ng meditation, yoga, at ehersisyo sa paghinga ay nakatutulong sa pagpapababa ng lebel ng stress.
Subukan ang aerobic exercises
Ipinakita ng isang pag-aaral na ang pagsasagawa ng 50 minuto na aerobic exercises kada linggo sa 6 na buwan ay nakapagpapabuti ng ilang mga sintomas ng menopause. Kabilang na ang pagiging iritable at pagbabago ng mood. Karagdagan, ang pag-eehersisyo ay nakapagpapalabas ng endorphins, ang hormone na nakapagpapabuti ng pakiramdam at nakapagpapabawas ng sakit.
Kausapin ang iyong doktor tungkol sa pinaka mainam na pisikal na gawain para sa iyo. Upang masiguro na ikaw ay may regular na ehersisyo, pumili ng schedule at subukan na maging nakatutuwa ito sa pamamagitan ng pag-eehersisyo sa garden o pagdaragdag ng music.
Matulog nang mahaba
Ang kakulangan sa tulog ay mas magiging vulnerable sa pagbabago ng mood at pagiging iritable. Magtakda ng regular na schedule sa pagtulog at manatili rito. Upang mas mapadali para sa iyo ang pagtulog, iwasan ang kape, ehersisyo, at paggamit ng phone bago matulog.
Magkaroon ng masustansyang diet
Ang masustansyang diet, tulad ng ehersisyo, ay nakapagpapabuti ng mood. Ang pagkonsumo ng iba’t ibang pagkain na mayaman sa protina, folate, omega-3 fatty acids, at ibang mga nutrisyon ay nakatutulong sa pagkawala ng pagbabago ng mood sa menopause at pagiging magagalitin.
Humingi ng suporta
Kung ang mga bagay ay nagiging overwhelming, humingi ng suporta sa mga mahal sa buhay. Maglaan ng oras sa mga bagay na gustong ginagawa na kasama sila.
Kung ang pagbabago ng mood ay mas lalong lumala, konsultahin ang iyong doktor para sa akmang lunas. Maaaring magbigay ang mga doktor ng hormone replacement therapy, na short-term symptomatic relief. Ito ay porma ng lunas na bibigyan ka ng gamot na naglalaman ng hormones, estrogen, at progesterone. Ito ay tipikal na naglalaan ng kaunting pagbawas ng mga sintomas. Gayunpaman, kailangan na ipaliwanag ng doktor ang benepisyo at banta ng hormone replacement therapy.
Ang pag-cope sa menopause ay hindi mo magagawa nang magdamag. Kailangan ng panahon nito. Gaya ng iyong katawan na masasanay sa pagbabagong pisikal at pagbabago ng hormones, magiging maayos din ang lahat.
Sa mga oras na ito, mag pokus sa pagpapabuti ng pisikal at mental na kalusugan. Ito ay sa pamamagitan ng maayos na pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang diet, pagbawas ng stress, at paghingi ng suporta.
Matuto pa tungkol sa Menopause dito.