Ang menopause ay natural na bahagi ng buhay ng isang babae. Pero mayroon pa rin itong iba’t ibang pisikal at mental na sintomas na maaaring magdulot ng discomfort. Nakatutulong ba ang pag-ehersisyo para sa menopause? Alamin dito.
Ang menopause ay natural na bahagi ng buhay ng isang babae. Pero mayroon pa rin itong iba’t ibang pisikal at mental na sintomas na maaaring magdulot ng discomfort. Nakatutulong ba ang pag-ehersisyo para sa menopause? Alamin dito.
Maaari nating tukuyin ang menopause bilang isang panahon ( mga isang taon) pagkatapos maranasan ng isang babae ang kanyang huling buwanang regla.
Nangyayari ito dahil ang isang babae ay may limitadong bilang ng mga egg cell.
Kapag naubusan na s’ya ng egg cells, humihinto ang ovulation (paglabas ng eggs). Pagkatapos ng menopause, ang babae ay hindi na makakaranas ng regla, at hindi na mabubuntis. Nangyayari ito dahil sa pagbaba ng levels ng estrogen, ang hormone na responsable sa reproduction.
Narito ang isang mahalagang bagay na dapat tandaan: ang mga sintomas ng menopause ay karaniwang lumalabas mga taon o buwan bago magsimula ang aktwal na menopause.
Ang panahong ito na humahantong sa menopause ay tinatawag na perimenopause o menopausal transition, at karaniwan itong nagsisimula sa pagitan ng edad na 45 at 55.
Bago natin pag-usapan kung nakatutulong ba ang pag-ehersisyo para sa menopause, talakayin muna natin ang mga sintomas.
Ang unang sintomas ng menopause ay karaniwang pagbabago sa regla.
Paminsan-minsan, maaari mong mapansin na ang buwanang daloy ay mas mahina o mas malakas. Maaari ding magkaroon ng mga pagbabago sa dalas: maaaring may mga pagkakataon na nangyayari ang iyong regla tuwing 2 o 3 linggo, pagkatapos ay mapapansin mong wala kang regla sa loob ng maraming buwan.
Bukod sa mga pagbabago sa regla, ang menopause ay maaari ding magresulta sa:
Kung mapapansin mo, marami sa mga sintomas ng menopause ang maaaring makaapekto sa pang-araw-araw na buhay ng isang babae. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang malaman kung nakatutulong ba ang pag-ehersisyo para sa menopause.
Sa kasalukuyan, walang patunay na ang mga pisikal na gawain ay nakakabawas ng mga sintomas ng mga babae sa panahon ng menopause.
Gayunpaman, sumasang-ayon ang mga eksperto na ang pag-eehersisyo ay maaaring magsulong ng malusog na timbang. Kasama na rin ang mapawi ang stress, at mapabuti ang pangkalahatang kalidad ng buhay.
Ang pagiging physically active ay mahalaga dahil magagawa nito ang mga sumusunod:
Maraming kababaihan na nasa menopausal stage ang nagkakaroon ng labis na taba sa kanilang tiyan. Dahil ito sa hormonal changes, pati na rin ang pagbabago ng lifestyle ( ang ilan ay hindi physically active). Kasabay nito, maaari din silang mawalan ng muscle mass. Ang pananatiling physically active ay maaaring makatulong na maiwasan ang pagtaas ng timbang at muscle loss.
Ang pag-eehersisyo ay nagpo-promote ng pagpapalabas ng mga endorphins, isa sa mga “happy hormones” ng katawan. Gumagana ang endorphins sa pamamagitan ng pagbabawas ng ating pag-iisip sa sakit, at nagbibigay ito sa atin ng positibong pakiramdam na katulad ng maibibigay ng morphine. Ang partikular na benepisyong ito ay kapaki-pakinabang dahil ang menopause ay maaaring humantong sa pagbabago ng mood at galit na pangalawa sa hormonal changes.
Nakatutulong ba ang pag-ehersisyo para sa menopause? Tulad ng nabanggit kanina, walang wala pa ring siyentipikong patunay na kaya nito. Gayunpaman, ang pananatiling pisikal na aktibo ay mahalaga pa rin dahil ito ay nagtataguyod ng lakas ng buto.
Ang pagpapanatili ng malusog na buto ay mahirap sa panahon ng menopause. Sa bahaging ito, ang estrogen levels ay talagang bumababa. Ang mga mahihinang buto ay kadalasang dagdag sa panganib ng isang babae na magkaroon ng bali, lalo na pagkatapos ng aksidenteng pagbagsak.
Nakakatulong ang mga angkop na pisikal na gawain na palakasin ang iyong mga buto. Pinabubuti rin ang coordination at balance kaya nababawasan ang iyong panganib ng fracture.
Ayon sa mga pag-aaral, ang pagiging overweight at obese ay nagdaragdag ng panganib mo na magkaroon ng heart conditions, tulad ng hypertension. Bukod pa rito, naniniwala ang mga eksperto na ang pagbaba ng estrogen levels ay nakakaapekto sa integridad ng blood vessels. Ang mga dahilang ito ay naglalagay sa mga menopausal women sa panganib ng cardiovascular diseases.
Ang pag-eehersisyo at tamang diyeta ay maaaring makatulong na mabawasan ang bad cholesterol at mapanatili ang isang malusog at aktibong pamumuhay.
Ngayong alam mo na kung nakatutulong ba ang pag-ehersisyo para sa menopause, pag-usapan natin ang mga inirerekomendang ehersisyo para sa menopause.
Ang dami ng ehersisyo na kailangan ng isang menopausal woman ay katulad din ng sa iba: hindi bababa sa 150 minutes ng katamtamang aerobic workout o 75 minutes ng mabibigat na aerobic activities.
Para sa pinakamahusay na mga resulta, inirerekomenda din ng mga eksperto ang strength training ng hindi bababa sa dalawang beses sa isang linggo.
Narito ang options para sa physical activity:
Tandaan na maaaring magbago ang mga rekomendasyong ito, depende sa assessment ng iyong doktor. Dahil dito, huwag magpatuloy sa bagong exercise regimen nang walang pag-apruba ng iyong physician.
Matuto pa tungkol sa menopause dito.
[embed-health-tool-bmi]
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Menopause
https://www.nhs.uk/conditions/menopause/symptoms/
Accessed December 14, 2020
Fitness tips for menopause: Why fitness counts
https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/womens-health/in-depth/fitness-tips-for-menopause/art-20044602#:~:text=Exercise%20isn’t%20a%20proven,improve%20your%20quality%20of%20life.
Accessed December 14, 2020
Exercise beyond menopause: Dos and Don’ts
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3296386/
Accessed December 14, 2020
Menopause and Heart Disease
https://www.heart.org/en/health-topics/consumer-healthcare/what-is-cardiovascular-disease/menopause-and-heart-disease#:~:text=A%20decline%20in%20the%20natural,to%20keep%20blood%20vessels%20flexible.
Accessed December 14, 2020
EXERCISE RIGHT FOR MENOPAUSE
https://exerciseright.com.au/menopause-and-exercise/
Accessed December 14, 2020
Kasalukuyang Version
11/23/2022
Isinulat ni Corazon Marpuri
Narebyu ng Eksperto Danielle Joanne Villanueva Munji, OTRP
In-update ni: Corazon Marpuri
Narebyu ng Eksperto
Danielle Joanne Villanueva Munji, OTRP
Occupational Therapy · Kids' S.P.O.T. Learning and Therapy Center, Inc.