backup og meta

Ehersisyo para sa Menstrual Pain: Anu-ano ang mga ito?

Ehersisyo para sa Menstrual Pain: Anu-ano ang mga ito?

Kung nararanasan mo ang period cramps o primary dysmenorrhea, natural lang na naisin na manatili sa higaan hanggang sa mawala ang sakit (ang secondary dysmenorrhea ay isa sa nagreresulta ng isyung pangkalusugan sa reproductive). Gayunpaman, maraming mga pag-uulat ang nagsabing ang magandang paraan upang maginhawaan ay kumilos. Ang pisikal na aktibidad ay nakapagpapabawas ng sakit dulot ng pagreregla. Ngunit anong ehersisyo ang makababawas ng menstrual pain? Magbasa upang malaman.

Ehersisyo Habang Nireregla — Ligtas ba?

Ang mga babae ay ay magkakaiba ng nararanasan habang nireregla. Ang iba ay nakararanas ng pagreregla nang walang problema, habang ang iba ay maaaring makaranas ng sakit na kadalasan ay nagreresulta ng hindi pagpasok sa trabaho o paaralan, upang makapagpahinga at maka-recover.

Ngunit kung ang pakiramdam mo ay maayos o hindi, sinaad ng mga eksperto na ayos lang mag-ehersisyo. Gayunpaman, ang iyong lebel ng lakas ay apektado ng iyong kakayahan sa mga tiyak na pisikal na aktibidad.

Halimbawa, ang ibang mga pag-aaral ay nagpakita na ang mga babae na tapos na mag-ovulate ngunit wala pa sa kanilang period ay nahihirapan na tiisin ang ehersisyo habang mainit ang panahon o mahalumigmig.

Para sa rason na ito, mainam na manatili sa ehersisyo na magpapabawas ng menstrual pain ngunit hindi ka papagurin.

Kung ang iyong workout ay hahantong sa sakit, ikonsidera ang low-impact activities sa ngayon.

ehersisyo para sa menstrual pain

Nakababawas ba ng Menstrual Pain ang Ehersisyo?

Ngayon na napatunayan na natin na ayos lamang na magsagawa ng mga pisikal na aktibidad habang nireregla, panahon na upang sagutin ang tanong: Nakagagaan ba ng menstrual cramps ang ehersisyo?

Sa usapang medikal, hindi mo makokonsidera ang pagwo-work out na lunas sa lahat para sa period.

Ngunit dahil maraming mga babae ang nakapagpatunay na kung paano sila natulungan ng mga pisikal na aktibidad na mabawasan ang menstrual pain, ang ilang mga mananaliksik ay nagkusa na patunayan ang kanilang mga pahayag.

Aerobic Exercises

Sa pag-aaral na isinagawa noong 2015, maraming mga mananaliksik na nagpahayag na ang aerobic workout ay maaaring makatulong na mapabuti ang sintomas ng dysmenorrhea. Ayon sa pag-aaral:

  • Ang mga kalahok ay 70 na mga mag-aaral sa unibersidad na nakararanas ng dysmenorrhea.
  • Kalaunan, nahati sila sa dalawang grupo – control and intervention
  • Ang intervention na grupo ay nagsagawa ng aerobic exercises tatlong beses kada linggo para sa 8 mga linggo, na tumatagal ng 30 minuto kada sesyon.
  • Nakatanggap ang bawat kalahok sa parehong grupo ng validated visual questionnaire sa unang 3 araw ng kanilang menstrual cycle.
  • Sa umpisa, matapos ang 4 na linggo, walang pagkakaiba sa pagitan ng control at intervention na grupo.
  • Ngunit matapos ang 8 linggo, naipakita sa resulta na ang grupo ng intervention ay “nagpakita ng magandang pagbabago kumpara sa grupo ng control.”

Ang konklusyon ng mananaliksik ay: ang aerobic exercise ay maaaring gamitin upang mabawasan ang sintomas ng menstrual pain.

Zumba

Isa pang ehersisyo na maaaring makabawas ng menstrual pain ay ang Zumba. Sa isinagawang randomized control trial, ang mga mananaliksik ay:

  • Nag-imbita ng 98 na babae na diagnosed ng primary dysmenorrhea.
  • Kalaunan, hinati ang mga kalahok sa dalawang grupo; control at intervention.
  • Ang kontrol na grupo ay hindi nagsagawa ng pisikal na aktibidad. Sa kabilang banda, ang mga kalahok sa intervention na grupo ay nagsagawa ng Zumba exercises sa loob ng 1 oras, 2 beses kada linggo, para sa loob ng 8 linggo.
  • Ang sakit na dysmenorrhea ay sinukat gamit ang visual analog scale sa ikaapat at ikawalong linggo ng pag-aaral. Karagdagan, ang mga mananaliksik ay sinukat din ang tagal ng sakit ng parehong control at intervention na grupo.
  • Nagresulta ang pag-aaral na ang pagiging malala ng menstrual pain ay nabawasan sa intervention na grupo (iyong mga nag-ehersisyo) kumpara sa control na grupo.
  • Karagdagan pa, ang tagal ng sakit ay mas umikli sa grupo ng intervention kumpara sa grupo ng control.

Sa kanilang pag-aaral, ang mga mananaliksik ay nagkaroon ng konklusyon na: ang regular na Zumba exercise ay nakababawas sa tagal ng pagiging malala ng menstrual pain. Kaya naman maaari itong gamitin bilang pantulong na lunas para sa primary dysmenorrhea.

Yoga

Kung ikaw ay naghahanap ng relaxing na ehersisyo upang mabawasan ang menstrual pain, maaaring maging sagot ang yoga.

Sa isinagawang 12 linggo na pag-aaral na naglalayon na matukoy ang epekto ng yoga exercises sa physical fitness, menstrual pain at kalidad ng buhay, ang mga mananaliksik ay:

  • Nag-imbita ng 34 na mga babae na may edad na 18-22. Lahat sila ay may primary dysmenorrhea.
  • Hinati nila ito sa 2 grupo: ang control at ang Yoga na grupo.
  • Ang grupong yogo ay nagsagawa ng customized yoga routine sa loob ng 30 minuto, dalawang beses kada linggo, para sa 12 linggo. Sa kabilang banda, ang control na grupo ay hindi nagsagawa ng kahit na anong ehersisyo.
  • Ang physical fitness ng mga kalahok, menstrual pain, at kalidad ng buhay ay tinaya at kinumpara sa baseline na datos na nakolekta ng mga mananaliksik sa umpisa ng kanilang pag-aaral.

Pinakita ng resulta na napabuti ang physical fitness, menstrual pain, at kalidad ng buhay ng grupong yoga kumpara sa control na grupo.

Ilang mga Paalala

Mula sa pag-aaral na nabanggit sa taas, malinaw na may mga tiyak na uri ng workouts na makababawas ng menstrual pain.

Gayunpaman, pakiusap na tandaan na ang mga kalahok sa pag-aaral ay isinagawa ang pisikal na aktibidad na hindi lamang sa mga araw na sila ay may period cramps. Sila ay regular na nag-eehersisyo ng 8 linggo.

Ibang mga Lunas sa Bahay para sa Menstrual Pain

Ang potensyal na ehersisyo para mapabuti ang period cramps ay tiyak. Huwag pa ring kalimutan na mayroon ding ibang mga paraan upang maginhawaan.

Kung nakararanas ng menstrual pain, maaari ka ring:

  • Maligo nang mainit na tubig
  • Maglagay ng heating pad sa ibabang bahagi ng tiyan.
  • Magsagawa ng mga pamamaraan upang mabawasan ang stress, tulad ng breathing exercises.
  • Tanungin ang iyong doktor para sa dietary supplements na makatutulong tulad ng Bitamina B1 at B6, gayundin ang magnesium.
  • Itigil ang paninigarilyo, dahil nagpapalala ito ng period cramps.

Mahalagang Tandaan

Nakababawas ba ng menstrual pain ang ehersisyo? Ayon sa mga pag-aaral sa taas, nakababawas ito. Ngunit laging tandaan na unahin ang kalusugan. Kung hindi maayos ang pakiramdam mo upang mag-ehersisyo, mas mainam na magpahinga na lang hanggang sa bumuti ang pakiramdam.

At, syempre, kung ang iyong period cramps ay sumisira sa mga dapat mong gawin pang-araw-araw, konsultahin ang iyong doktor para sa maayos na pagtataya at lunas.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Babae rito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o lunas.

[embed-health-tool-ovulation]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

The Effect of aerobic exercise on primary dysmenorrhea: A clinical trial study
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5791467/
Accessed October 2, 2020

The role of exercise in the treatment of menstrual disorders: the evidence
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2662100/
Accessed October 2, 2020

The Effect of Zumba Exercise on Reducing Menstrual Pain in Young Women with Primary Dysmenorrhea: A Randomized Controlled Trial
https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S108331881930213X
Accessed October 2, 2020

Physical activity and your menstrual cycle
https://www.womenshealth.gov/getting-active/physical-activity-menstrual-cycle#5
Accessed October 2, 2020

Effect of yoga on the menstrual pain, physical fitness, and quality of life of young women with primary dysmenorrhea
https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/29037637/
Accessed October 2, 2020

Home Remedies: Managing menstrual cramps
https://newsnetwork.mayoclinic.org/discussion/home-remedies-managing-menstrual-cramps/
Accessed October 2, 2020

Kasalukuyang Version

03/16/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyu ng Eksperto Danielle Joanne Villanueva Munji, OTRP

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Anu-Ano Ang Mga Paraan Para Palakihin Ang Dibdib?

Adenomyosis: Ano Ang Epekto Nito Sa Katawan?


Narebyu ng Eksperto

Danielle Joanne Villanueva Munji, OTRP

Occupational Therapy · Kids' S.P.O.T. Learning and Therapy Center, Inc.


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement